Ikaw ba ay mayroong inaalagaang pusa o nangangarap na magkaroon nito? Huwag kang mag-alala dahil mayroon ng ganitong laro sa Google Play Store at App Store na maaari mong i-download para makapag-alaga ng sarili mong pusa. Tiyak kong magugustuhan mo ang larong ito na nilikha ng Appsulove, ang My Cat – Cat Simulator Game.
Kung pamilyar ka sa mga larong My Talking Angela, My Talking Tom, Cat Condo, Cat Simulator – Animal life, Cat Simulator and friends at iba pang mga simulation na laro na tungkol sa mga pusa, may pagkakahawig lang din sila ng My Cat- Cat Simulator Game.
Ang My Cat- Cat Simulator ay isang augmented reality gaming o AR gaming. Ibig sabihin nito, ang audio at visual na content nito ay nakabase sa realidad. Sa larong ito, makikilala mo ang isang Tamagotchi cat. Tungkulin mong alagaan ang pusang ito at ibigay ang mga pangangailangan niya sa laro. Kabilang dito ang pagpapakain, pagpapaligo, pakikipaglaro at pagpapalaki sa kanila. Handa ka na bang mag-alaga ng sarili mong pusa?
Features ng My Cat – Cat Simulator Game
Narito ang ilang mga features ng laro na makapanghihikayat sa iyong laruin ito.
Augmented Reality – Hindi katulad ng ibang mga laro, sa My Cat – Cat Simulator Game maaari mong makita ang iyong pusang inaalagaan sa pamamagitan ng iyong smartphone camera. Buksan lamang ang iyong camera at maaari mo itong makita sa tapat ng iyong bahay.
Mga larawan – Maaari kang kumuha ng mga larawan sa larong ito kapag may mga magaganda at masasayang pagkakataon kayo ng iyong alagang pusa. Pwede mo itong i-save para maipost at maibahagi mo sa iyong social media account ang iyong virtual cat pet.
Daan-daang level – Bukod sa pag-aalaga ng pusa, maaari kang ring maglaro ng mga match at mini games na may higit sa 400 na level. Kapag natapos at nanalo ka sa bawat level ng larong ito, makakakuha ka ng mga espesyal na regalo at papremyo na magagamit mo para sa iyong inaalagaang pusa.
Coins and diamonds – Para makabili ng mga items na kailangan mo, gagamit ka ng mga virtual coins at diamonds. Para makakuha nito, araw-araw lamang bisitahin ang iyong inalagaang pet, maglaro at manalo sa mga mini games.
Extra Items – Marami ring mga extra items ang pwedeng mong makuha bilang gantimpala mo sa paglalaro nito bukod sa mga coins at papremyo. Kaya naman hindi ka mauubusan ng pambili ng mga kailangan ng iyong alagang pusa.
Saan Pwedeng I-download ang My Cat – Cat Simulator Game?
I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:
Download My Cat – Cat Simulator Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=cat.game.liftapp
Download My Cat – Cat Simulator Game on iOS https://apps.apple.com/ph/app/my-cat-ar-virtual-pet-game/id1480397119?fbclid=IwAR1Bg-Jp5n0A4KXkEp4HGyN4azrx78Eh7-0T3VmzDPBKYuSA6NgVKzqnwAc
Download My Cat – Cat Simulator Game on PC https://www.fibonair.com/en/games/download-33799-my-cat-cat-simulator-game/pc
Tips Kung Nais Laruin ang My Cat – Cat Simulator Game
Kung ikaw ay baguhan pa lamang at nagnanais na laruin ang My Cat – Cat Simulator Game, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo.
Madali at simple lang laruin ang My Cat – Cat Simulator Game. Sa simula ng laro, papipiliin ka sa tatlong opsyon kung anong pusa ang gusto mo. Ang una ay kulay lila, ang pangalawa ay kulay asul na may halong puti at ang pangatlo ay kulay kahel. Depende sayo kung anong napupusuan mo sa tatlo.
Sumunod dito, ay mayroong gagabay sa iyo kung ano ang mga dapat mong gawin. Sundan lamang ang itinuturo at sinasabi ng direksyon sa tutorial stage. Una, pakakainin mo ang iyong pusa ng nais niyang pagkain. Pagkatapos nito, ay manghihingi siya sa iyo ng kahon upang laruin dahil alam natin mahilig ang mga pusa rito. Kapag nagawa mo na ito, kolektahin mo ang makukuha mong libreng items na pagkain. Sumunod na dito ay bibigyan mo na ng pangalan ang iyong pusa.
Sundan lamang ang mga susunod na gagawin dahil ito ang magsisilbi mong gabay upang malaman mo kung paano laruin ito. Makikita mo na naka-kategorya ang mga pagkain, laruan, kasuotan, at iba pang kagamitan ng pusa. Kaya madali mong matutunan ang paglalaro nito. Madali lamang ‘di ba?
Pros at Cons sa paglalaro ng My Cat – Cat Simulator Game
Kung pag-uusapan ang tema ng larong ito, para sa Laro Reviews, ang My Cat – Cat Simulator Game ay may pagkakatulad din sa ibang mga pet simulation na laro. Kaya hindi ka mahihirapang unawain ang larong ito. Ito rin ang magandang laro na pwedeng irekomenda para sa mga cat lover.
Bukod sa ma-eenjoy mo ang larong ito, matutunan mo ring ang ilang katangian ng pusa habang nilalaro ito. Ipapakita sa mismong laro kung ano nga ba talaga ang isang pusa sa realidad. Kaya naman mararamdaman mong para ka na ring nag-aalaga ng tunay na pusa.
Pagdating naman sa mga graphics, visual, at audio effects, mahusay at maayos ang pagkakalapat nito sa laro. Hindi ka mabibigo sa ganda ng graphics na ginamit para sa mga pusa at kagamitan nito, pati na rin sa visual effects para maging kaaya-aya sa mga manlalaro ang itsura nito. Maging ang audio effects na ginamit ay maayos lang para maging katunog ang totoong pusa.
Ayon sa reviews, marami ang nagagandahan sa larong ito. Tinawag nila itong great, good at cute na laro. Subalit may ilang mga komento na nakakaabala raw ang mga advertisement na lumalabas habang sila ay naglalaro. May ilang mga features rin sa laro ang hindi mo pwedeng magamit kung hindi ka naka-premium version. Para makakuha ng unlimited access sa lahat ng features, premium version at items kailangan mo itong bayaran gamit ang tunay na pera. May 3-day free trial ka sa pag-access ng premium at kapag natapos na ang tatlong araw kailangan mong magbayad ng 500 pesos kada linggo. Nakadepende sa iyo kung gusto mo o hindi ang pag-avail nito.
Konklusyon
Sa ngayon, mayroon itong mahigit sa 10 milyon na downloads at may 3.2 out of 5 na ratings sa Google Play. Bukod sa Cat Simulator, ang Appsulove ay may iba pang animal games. Kabilang dito ang Tamadog – Dog Games: AR Pet, Farm Jam: Animal Parking Games, Pigs and Wolf – Block Puzzle at iba pang genre ng laro.
Sa kabuuan, siguradong mag-eenjoy ka kapag nasimulan mo nang matutunang laruin ito. Marami pa tayong dapat abangan sa mga susunod nilang update. Kaya kung gusto mong malaman pa ang larong ito at masubukan ang kanilang bagong update, i-download mo na sa iyong devices ang My Cat – Cat Simulator Game!