Ang Stardew Valley ay isang farming simulation game na maraming beses nang na-update mula nang mailabas nito noong 2016. Ang bawat update ay nagdaragdag ng mga bagong feature, mas pinahusay na kalidad ng buhay sa laro, at ilang hindi inaasahang twists. Ngunit mayroong din mga bahagi na sinadyang panatilihin sa kabila ng mga pagbabago.
Ang Stardew Valley ay isang magandang panimula kung ito ang unang beses mong gagamit ng simulator sa pagsasaka o kung naghahanap ka ng isang “chill” na paraan upang magpalipas ng oras. Masasabing malakas ang hatak nito kumpara sa iba pang laro na agricultural simulator ang genre dahil sa malayang istilo ng gameplay nito, mga reward na nakukuha kapalit ng pagtupad ng mga layunin, at ang lumalawak na relasyon sa loob ng laro.
Bilang gabay ng mga baguhan, susubukan kong makapagbigay ng tips pati na ang mga dapat sundin at gawin na mapapakinabangan sa lahat ng bersyon ng laro, anumang platform ang iong gamit. Para makapagsimula, i-download muna ang laro gamit ang isa sa mga links na ito:
- Download Stardew Valley on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.chucklefish.stardewvalley&hl=en&gl=US
- Download Stardew Valley on iOS https://apps.apple.com/us/app/stardew-valley/id1406710800
- Download Stardew Valley on PC https://store.steampowered.com/app/413150/Stardew_Valley/
Saan dapat magsimula?
Dapat mong piliin ang uri ng sakahan na nais mong itayo sa simula ng laro. Dahil ang lahat naman ng mga sakahan ay may kakayahang buhayin ang bawat uri ng pananim, ang layout at mga natatanging katangian ng bawat model farm ang una mong mapapansin na pagkakaiba.
Maaari kang pumili ng sakahan sa mga sumusunod na model:
Ang default na opsyon ay Standard Farm. Simpleng lamang ang disenyo nito kaya maraming pagkakataon para mag-eksperimento ang players. Para sa mga baguhan, ang bukid na ito ay isang magandang lokasyon upang magsimula.
Ang Riverland Farm ay higit pa sa isang koleksyon ng isla o isang piraso ng lupa. Ang maipagmamalaki nito kumpara sa ibang uri ng sakahan ay mayroon itong malaking supply ng tubig at maraming isda.
Dahil ang Forest Cultivate ay mataas ang kakahuyan, ang iyong kakayahan sa paglilinang ay limitado sa simula. Magkakaroon ka ng mas maraming kahoy kaysa sa anumang uri ng sakahan kapag nalinis mo na ang karamihan sa mga ito.
Ang Hill-Top Farm ay nahahati sa isang rumaragasang ilog, na maaaring magbigay ng limitasyon sa iyong pagpipiliang disenyo. Panalo kapag ito ang napili mo dahil mayroon kang instant na mineral deposit mula sa lupa na maaari mong pagkakitaan.
Ang Wilderness Farm ay isang munting piraso ng lupa na may na nagkukubli sa kadiliman. Kapag maliwanag ay tila isa rin itong ordinaryong sakahan, ngunit iba’t ibang mga nilalang ang gumagala dito pagsapit ng gabi.
Samantala, apat na magkakahiwalay na lokasyon ang bumubuo sa Four Corners Farm. Ito ang dapat gamitin kung nagpaplano ka ng malaking co-op game.
Beach Farm ang bagay sa iyo kung mas gusto mo ng malawak na open space at kung masigasig kang mangisda. Subalit, kakailanganin mong manu-manong diligan ang iyong mga pananim kung pipiliin mo ang plot na ito dahil hindi ka maaaring gumamit ng sprinklers sa buhangin.
Related Posts:
Cabal M: Heroes of Nevareth Review
Brain Puzzle – Tricky Test Review
Tips at Istratehiya sa Paglalaro ng Stardew Valley
Sa simula ng paglalaro ng Stardew Valley, napakaraming bagay ang dapat tandaan na maaaring maging dahilan ng pag-atras mo sa laro. Narito ang ilang payo para sa mga manlalaro na nagsisimula pa lamang upang matulungan kang masanay sa takbo ng buhay sa bukid.
- TUWING UMAGA, MANOOD NG TV
Mayroong magagamit na telebisyon sa iyong cabin na may ilang mga channel na nagbibigay ng pang-araw-araw na impormasyon at mga mungkahi.
- IBENTA ANG LIBRENG PARSNIP
Ang misyon na “Pagsisimula” ay isa sa mga unang gawain na nakalista sa iyong journal. Ang munting gawaing ito ay ang “magtanim at umaani ng parsnip.” Magagawa lamang ito kung gagamitin ang mga buto ng parsnip na natanggap mo sa umpisa ng laro.
- KAPAG NAUNA KANG MAGSIMULA, GUMAWA NG 3×3 PATCHES.
Mahirap pag-isipan ang magiging set up ang iyong sakahan kapag sinimulan mo na itong linisin. Maaaring magsimula sa pamamagitan ng paggawa ng 3×3 grids gamit ang iyong asarol upang maging madali ang mga bagay sa simula.
- ALAMIN ANG LAGAY NG PANAHON
Mayroong 28 in-game na araw sa bawat season ng laro. Napakahalaga na subaybayan ang mga panahon at kung gaano katagal bago mabuo ang bawat pananim. Kung magtatanim ka ng seasonal crops, hindi malayong malugi ka dahil ang mga pananim na ito ay nasisira kaagad kapag pabagu-bago ang lagay ng panahon.
- BUMILI AT MAGLAGAY NG ILANG SCARECROWS O MGA PANAKOT
Ang mga panakot ay isa sa mga dapat maunang buuin sa laro. Tulad ng nagagawa ng scarecrows sa totoong buhay, inilalayo nito ang iyong mga pananim mula sa mapanirang mga uwak, para hindi masayang ang ipinundar na pera sa bukid. Para maprotektahan ng mga ito ang isang 8×8 circular area, ilagay ang ilang scarecrows sa gitna ng iyong mga plot.
Perks o Pros sa paglalaro ng Stardew Valley
Ang Stardew Valley ay isa sa mga pinakasikat na indie farming simulator na nagpapakita kung ano ang maaaring magawa o resulta nang may sapat na pagmamahal, tyaga at pasensya para sa iyong trabaho bilang magsasaka. Ito ay isang larong puno ng mga bagay na dapat gawin ng manlalaro, mula sa paglilinis ng minanang sakahan, pagtataguyod nito bilang isang kumikitang negosyo, pakikisama sa makulay na cast ng mga karakter na nakatira sa Pelican Town, hanggang sa pangangaso ng mga halimaw para sa Adventurer’s Guild, para lalo pang mapasigla ng bayan sa pamamagitan ng pagpapaayos o hindi kaya’y pagbenta ng lumang Community Center sa mga bigating investor.
Ang Stardew Valley ay talagang kaibig-ibig anuman ang matapat na panahon (season) habang naglalaro. Mahusay rin ang kwento at narrative nito na sinabayan pa ng malamyos na musika na sa sobrang ganda ay tila idinuduyan ka sa hangin, kaya mapapasabay ka sa tugtog nang hindi mo namamalayan.
Kung hindi mo pa nalalaro ang Stardew Valley, dapat mong malaman na ito ay isang multi-faceted game. Sa mga liblib na kuweba at minahan ay maaari kang magsaka, mag-alaga ng mga hayop, mangisda, mangalap ng pagkain, magmina, at makipaglaban sa mga halimaw. Sa kabilang banda, ang pagkakataong makilala, mahalin, at makipagmabutihan sa mga mamamayan ng Pelican Town ay isa sa kinahihiligang feature ng Stardew Valley.
Nagustuhan ko rin ang pagkakaroon ng kalayaang para maglaan ng oras sa paglalaro. Sa umpisa ay nakatuon muna dapat ang pansin sa pagsasaka, pagkatapos ay pwede nang bumili ng ilang cute na inahin at baka para sa passive na kita. Pagkatapos ay samantalahin ang pagmimina kapag maulan o malamig ang panahon. May ibang araw naman na pangongolekta lang ng mga kahoy ang aking inatupag!
Ang mga manlalaro sa Stardew Valley ay hindi parurusahan para sa hindi “tamang” paraan ng paglalaro. Sa halip, hinahayaan lamang ang mga pagkakamali para lalo pang lumawak ang karanasan ng mga players sa pagtuklas ng mga bagay-bagay sa Pelican Town. At isa pa, tiyak namang may paraan para maayos ang pagkakamali sa susunod na pagbabalik sa laro.
Ang retro-styled games ay muling sumikat sa nakaraang dekada. Ngunit para sa akin, medyo nakakasawa rin ang paglalaro ng indie games lalo’t ang mga graphics nito ay ibang-iba ang kalidad kumpara sa mga bagong labas na laro. Inirerespeto ko naman ang pananaw ng maliliit na kumpanya ukol sa pag-unlad at naiintindihan ko na ang iba ay sadyang pinananatili ang pagiging simple ng pixel imagery upang maging sustainable ang laro. Gayunpaman, mas may dating ang mga istilo ng sining na iginuhit ng kamay dahil ipinapakita nito ang lalim at tunay na personalidad ng lumikha ng laro.
Laro Reviews