Puzzles & Survival Review

Sikat na sikat talaga ang zombie theme sa industriya ng pelikula. Kaya naman nagkaroon na ito ng sariling genre. Mula sa mga walang-buhay na gumagala kung saan-saan hanggang sa agresibong bangkay na susugod para sa iyong utak, nakakita na rin tayo ng iba’t ibang uri ng mga pelikulang batay sa kanila. Ngunit ang mga halimaw na kumakain ng laman ay hindi lang sumalakay sa mga malalaking screen dahil sila rin ang antagonist at kung minsan ang pangunahing karakter sa mga video game. Minsan, naglalaro ka bilang mga Zombie habang hinahawaan ang buong mundo, ngunit mas sikat silang target sa first-person shooting (FPS) survival horror games. Sa larong ginawa ng 37GAMES, kakailanganin mo silang patayin sa pamamagitan ng pagtutugma ng magkakaparehong tiles.

Ang Puzzles & Survival ay isang survival game na may tile-matching gameplay. Tulad sa ibang laro, nagsimula ito sa isang cutscene. Kailangang makatakas ang iyong grupo mula sa mga undead. Dahil ang unang bahagi ay isang tutorial, kailangan mong itugma ang isang napakasimpleng puzzle upang makagawa ng isang aksyon, tulad ng pagbibigay ng armas sa iyong karakter o pagpatay sa mga zombie. Anim na piraso lang ang tiles na halata ang sagot, at sa ilang eksena, magpapasya ka sa pagitan ng dalawang pagpipilian para sa kalalabasan ng iyong kwento. Ang laro ay tungkol sa pagpatay ng mga zombie sa pamamagitan ng pagtutugma ng pare-parehong mga tile, ngunit kailangan mo ring pagbutihin ang iyong base o ang santuwaryo sa pamamagitan ng pag-upgrade ng mga gusali.

Features ng Puzzles & Survival

Ang larong ito ay pinagsama-samang tile-matching, zombie survival, at base-building. Marami itong maiaalok, ngunit kailangan mong lutasin ang mga puzzle sa halos lahat ng oras. Ang mga tile na iyong naitugma ay magsisilbing iyong atake sa mga kalaban, ngunit tatamaan lamang ang mga kalabang katapat ng mga ito.

Mayroong limang uri ng heroes na makikilala sa pamamagitan ng kanilang mga kulay. Ang majestic heroes ay kulay pula; ang brave heroes ay kulay berde; ang quiet heroes ay kulay asul; ang sensible heroes ay orange, at ang passionate heroes ay purple. Ang pagtutugma ng tile ay magcha-charge ng skill sa kakulay nitong hero. Sa pamamagitan nito, magagamit nila ang kanilang mga kakayahan upang pagalingin ang koponan, maminsala ng kalaban, o magbigay ng buff para sa ilang round. Maaari mong matukoy ang kanilang lakas sa pamamagitan ng bilang ng kanilang mga star. Ang mga 5-Star hero ay ang pinakamahusay sa pakikipaglaban, habang ang ilan naman ay may mga kapaki-pakinabang na bonus kapag isinama mo sila sa pag-deploy ng mga troop.

Ito ay isang online na laro, kaya mayroon itong alyansa kung saan kalimitan mong matutulungan ang iyong kaalyado o humiling ng tulong upang mapabilis ang pag-upgrade o pagtayo ng gusali. Maaari mo ring labanan ang iba pang mga manlalaro sa arena, ngunit pwede ka ring magkaroon ng kaswal na pakikipaglaban sa mga zombie at sundan ang mga kuwento sa campaign mode.

Saan maaaring i-download ang Puzzles & Survival?

Gamitin ang sumusunod na link sa pagda-download:

Download Puzzles & Survival on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.global.ztmslg

Download Puzzles & Survival on iOS https://apps.apple.com/us/app/puzzles-survival/id1517980891

Download Puzzles & Survival on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/puzzles-and-survival-on-pc.html

Tips at Tricks sa Paglalaro

Maaaring maging madali ang pagpatay ng mga zombie at labanan ang iba pang mga manlalaro sa simula. Maaari mo ring i-upgrade ang iyong mga gusali nang wala pang isang minuto at mag-deploy ng mga troop nang hindi pinagpapawisan sa umpisa. Ngunit ang Puzzles & Survival ay magiging mas mapanghamon habang sumusulong ka sa laro, kaya sundin ang tips at tricks mula sa Laro Reviews upang matulungan kang mabuhay.

Hindi lamang ang iyong mga hero ang maaari mong matukoy sa pamamagitan ng kanilang kulay kundi pati na rin ang mga zombie. Ang mga kulay na ito ay may kaukulang kahinaan kaya gamitin ang mga ito kapag nakikipaglaban sa mga halimaw at iba pang mga manlalaro. Ang mga asul na kaaway ay mahina mula sa berdeng mga tile at hero; mahina ang mga berdeng kaaway mula sa mga pulang tile at hero; ang mga pulang kaaway ay mahina mula sa mga asul na tile at hero; ang mga purple na kaaway ay mahina mula sa mga orange tile at mga hero, at ang mga orange na mga kaaway ay mahina mula sa mga purple tile at mga hero.

Ang bawat hero ay may mga skill, at maaari mong gamitin ang mga ito sa sandaling ma-charge na sila nang sapat sa pamamagitan ng pagtutugma sa kaukulang tile: mga asul na tiles sa mga asul na hero at iba pa. Nakakatukso itong gamitin sa mga kaaway ngunit isaalang-alang lamang ang mga ito para sa boss. Ang ilang mga hero ay angkop para sa labanan, habang ang ilan ay kapaki-pakinabang naman sa ekonomiya. Mamuhunan sa pagpapataas at pagpapaunlad ng heroes na maaaring makatulong sa labanan.

Pros at Cons ng Puzzles & Survival

Ang laro ay higit pa sa pagtutugma ng mga tile upang atakihin ang mga zombie. Dahil sa kahinaan at kalakasan, nagplano ang mga manlalaro ng diskarte habang naglalaro. Dahil sa gameplay na ito, ang paglutas ng puzzle ay naging mas mahirap. Dahil dito, ginawa nitong kapana-panabik at kasiya-siya ang laro. Ang Istasyon ng Radyo ay nagbigay ng parehong gantimpala kahit na pinili mo ang tama o maling sagot sa kanilang pagsusulit. Ito ay isang libreng loot sa bawat pagpipilian. Pinapanatili kang abala ng Puzzles & Survival dahil maraming bagay ang maaari mong gawin bukod sa pagtutugma ng mga tile sa campaign. Maaari mong patunayan ang iyong lakas sa iba pang mga manlalaro sa arena, labanan ang iba pang mga kaaway kasama ang iyong mga kaalyado, makakuha ng resources sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga gawain at pamahalaan ang iyong mga mapagkukunan at ang mga gusali sa iyong santuwaryo.

Related Posts:

Walk Online Mobile Review

Fishdom Review

Misleading ang mga advertisement at ang ilan sa mga ito ay hindi naaangkop. Kung na-download mo ang laro dahil nakakita ka ng ad na kung saan maaari kang pumili ng armor sa pamamagitan ng paglutas ng anim na pirasong tile, madidismaya ka dahil representasyon lang ito ng laro. Gayunpaman, nangyayari ito sa unang bahagi ng laro. Ngunit hindi na ito kailangan dahil mayroon silang isa pang tutorial. Ang graphics at mga animation ay nangangailangan ng pag-upgrade dahil mukhang luma na ang mga zombie.

Konklusyon

Hindi ko inaasahang ang laro ay magkakaroon ng maraming kawili-wiling mga tampok. Akala ko ito ay isang simpleng pagtutugma ng tile at zombie survival game lang, kaya ibinaba ko ang aking pamantayan. Ngunit maaari kang lumikha ng isang diskarte hindi lamang sa mga labanan kundi pati na rin sa pamamahala ng iyong base. Ang kakayahang palakasin ang iyong mga hero at matutunan ang perks na ibinibigay nila sa tuwing gagamitin mo ang mga ito kapag nagde-deploy ng mga troop ay ang nagpapanatili sa mga manlalaro na malibang sa laro, na isang magandang diskarte para sa mga developer. Maaari mong i-download ang laro nang libre, ngunit mayroon itong in-app purchases kung saan makakabili ka ng isang bundle gamit ang iyong pera, kaya nasa iyo kung gusto mong pumunta sa pay-to-win o free-to-play path.

Laro Reviews