Alien: Blackout Review

Alien: Blackout – Isang horror adventure video game kung saan dapat gumawa ng matatalinong desisyon para iligtas ang iyong buhay mula sa nakatatakot na mundo ng mga predators. Ikaw ay dadalhin sa isang sirang spaceship kung saan magsisimula ang iyong nakatatakot na pakikipagsapalaran. Matutuklasan ng mga predators ang iyong grupo na na-stranded sa lugar ng Yutani Space Colony. Kung kaya’t ang mga xenomorphs ay nagsimula nang hanapin ang iyong mga miyembro.

Ang laro ay may pitong mga levels kung saan ikaw ay magtatayo ng kampo sa mga lagusan ng istasyon, gagamit ng tablet bilang gadget para makipag-usap sa team, at tulungan silang makaligtas laban sa mga xenomorphs sa pamamagitan ng pagturo sa kanila ng tamang ruta, pagbukas at pagsara ng mga pinto, at gumamit ng mga surveillance camera at motion sensors para i-monitor ang galaw ng mga kalaban at kanilang lokasyon sa mapa.

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay napakadali lamang at iyon ay manatiling buhay habang nakakulong o stranded sa loob ng isa sa mga sirang spacecrafts ng Weyland-Yutani na may mga gumagalang Xenomorphs na walang sawang naghahabol at naghahanap sa iyong grupo. Linlangin ang mga predators sa pamamagitan ng paggawa ng mga delikadong desisyon. Matapang na harapin ang pitong mga levels at tulungan ang grupo ni Amanda Ripley na matapos ang bawat misyon at manatiling buhay sa bawat level ng laro.

Paano ito laruin Alien: Blackout?

Gagampanan ng mga manlalaro ang papel ni Amanda Ripley at gagabayan ang kanyang grupo sa pagkumpleto ng mga layunin sa pamamagitan ng isang holographic map. Ginagamit ang mapa para matukoy at malaman ng tropa ang bawat lokasyon. Sa pamamagitan ng paggawa ng paraan sa bawat level ay maaari mong utusan ang sinuman sa iyong miyembro na huminto, magtago, at bigyan ng tungkulin. Maaari mong i-tap ang mga icons ng surveillance camera upang obserbahan ang mga galaw ng xenomorph nang live sa isang digital camera at i-on ang mga movement sensors para sundan ang lokasyon nito sa mapa.

Ang iyong timer ay nasa itaas sa kaliwang sulok ng screen. Ikaw ay mayroong walong minuto sa bawat level upang kumpletuhin ang lahat ng gawain o misyon Ang power supply o kuryente ay kailangan upang patakbuhin ang mapa at magagamit lamang ito sa loob ng walong minuto. Kapag natapos na ang walong minuto, hihinto sa paggana ang mga system machines at mawawalan ng power supply.

Related Posts:

Shadow Knight Ninja Fight Game Review

Mini Militia – Doodle Army 2 Review

Ang magagamit na power ay nasa kanang sulok sa itaas ng screen. Ang numero sa ibaba ay nagpapakita na maaari lamang gumamit ng limang items nang sabay-sabay sa mapa. Ang pag-on sa mga motion sensors at pagsasara ng pinto ay mga halimbawa ng paggamit ng power. Ang paggamit ng movement sensor ay para ma-obserbahan ang mga ginagawa ng mga xenomorphs sa mapa. Gayunpaman, gumagana lamang ang tracker sa mga partikular na lokasyon. Ang mga pangalan ng miyembro na iyong pamumunuan at bibigyan ng mga tungkulin ay maaaring makita sa ibabang kaliwang sulok ng screen. I-click ang pangalan ng sinuman sa squad para makita kung nasaan sila sa mapa.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kailangan para matagumpay na mai-download ang Alien: Blackout sa Android devices ay dapat Android 4.3 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 8.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 31 MB at 581 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga links para i-download ang laro:

  • Download Alien: Blackout on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.D3Go.mendel
  • Download Alien: Blackout on iOS https://apps.apple.com/us/app/alien-blackout/id1401510106
  • Download Alien: Blackout on PC https://www.bluestacks.com/apps/adventure/alien-blackout-on-pc.html

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Alien: Blackout

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga devices.
  2. Hanapin ang bersyon ng Alien: Blackout. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Ang unang level lamang ng progress ng laro ang masi-save. Kung kailangan mong umalis sa laro, ang mase-save lamang ay mula sa level kung saan ka huling umalis. Ang bilang ng natirang miyembro noong huli mong laro ay ganoon pa rin pagbalik mo sa laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Alien: Blackout!

Tips at tricks sa Paglalaro ng Alien: Blackout

Magsuot ng headphones habang haglalaro ng Alien: Blackout. Ipinagmamalaki ng laro ang napakahusay na sound effects at matinding background music nito. Ang tunog at musika ay hindi lamang nagpapataas ng level ng pangamba ngunit nagbibigay din ng mga senyales na tutulong sa iyo sa pag-iwas sa anumang direktang-kontak sa mga xenomorphs. Maaaring balaan ng iba’t ibang signal ng ingay sa lokasyon at aktibidad ng mga xenomorphs.

Tandaan na magkaroon ng isang Power Slot na nakareserba. Bawat level dito ay may limang power slots lang na available. Kapag naubos ang mga pinagmumulan ng enerhiya, si Amanda at ang kanyang grupo ay nagiging mas delikado dahil wala silang kakayahan na gawin ang lahat upang mapanatili ang buhay ng mga tao. Bilang resulta, lahat ay magiging delikado mula sa pag-atake ng mga aliens. Sa lahat ng levels, bantayan ang mga power slots at tiyaking mayroong ka kahit isang slot. Ang alien ay hindi sigurado at maaaring lumitaw anumang oras. Ang pagkakaroon ng power slot para mabilis na mai-lock ang mga pinto o makagamit ng movement sensor ang maaaring makapagligtas sa buhay ng isang miyembro ng team.

I-on ang lahat ng Motion Tracker para malaman ang galaw ng mga xenomorphs. Ito ay mabilis, pumapatay, at maaaring umatake kahit saan nang anumang oras. Gayunpaman, maaari mong bantayan ang galaw ng xenomorph gamit ang mga camera systems o mga motion detectors. Kapag na-activate mo ang motion detector, makikita ang pulang blip sa monitoring area ng iyong mapa anumang oras na lumakad ang mga xenomorphs sa zone na iyon.

Pros at Cons sa Paglalaro

Ang mga visual effects at animation sa laro ay lubos na naka-eengganyo at kapansin-pansin. Ang tunog sa background ay nagdaragdag sa intensity ng laro at tumutulong sa grupo na magbigay ng senyales sa mga galaw ng mga xenomorphs. Katulad nito, ang mga surveillance cameras at mga movement sensors ay nagbibigay ng higit pang mga senyales sa galaw at kinaroroonan ng mga halimaw o alien na nakatutulong sa iyong bumuo at magbago ng mga plano o diskarte. Maaari mong turuan ang mga miyembro ng iyong grupo na magtago, huminto, at atasan sila ng mga tungkulin upang matulungan na makuha ang iyong mga layunin sa bawat level at umiwas mula sa mga xenomorphs. Ang mga tauhan sa kwentong ito ay hindi maikakailang mahusay at maraming kapana-panabik na misyon ang mararanasan habang nakakulong sa isang sirang spaceship. Maaaring makipag-usap sa iyong team sa pamamagitan ng isang tablet upang bigyan sila ng babala kung kinakailangan.

Ang laro ay may pitong levels na dapat lagpasan. Ang bawat level ay humihirap habang ikaw ay umuusad sa laro. Dapat mong sundin ang mga simpleng tips at tricks na makakatulong sa iyong tumagal sa bawat level at ilagay sa mas ligtas na kalagayan ang iyong grupo mula sa mga pag-atake ng kalaban. Sa kabutihang palad, ang bersyon ng laro ay available sa anumang app store kaya maraming mga manlalaro ang makararanas ng nakatatakot na pakikipagsapalaran mula sa mga xenomorphs. Ang mga mapa ay malaki ang silbi sa pamamagitan nang pagpapahirap sa grupo habang iniiwasan ang ruta ng mga halimaw. Gayunpaman, nagiging kaunti na lang ang rason mo para ulitin ang laro sa oras na ito ay iyong matapos dahil ang mga misyon dito ay paulit-ulit lang at tiyak na makakabisado mo na ang bawat sitwasyon sa laro.

Konklusyon

Ang Alien: Blackout ay mahusay na pinagsama ang isang makatotohanang Extra-terrestrial na itsura sa Friday Night and Freddy’s na palabas kasama ng mga kahanga-hangang voice overs at xenomorphs, visuals at ang graphics quality nito. Gayunpaman, pagkatapos mong mapag-aralan at makabisado kung paano talunin at umatake ang mga kalaban ay nababawasan na ang pagkasabik sa paglalaro nito. Marahil kapag natapos mo na ito ay hindi mo na laruin pa dahil sa mga pauli-ulit lamang na mga misyon.

Laro Reviews