Robbery Rob: King of Sneak Review

Nagsasawa ka na ba sa kumplikadong mga laro? Kung gayon, kailangan mong subukan ang larong Robbery Bob: King of Sneak. Ito ay isang mobile app na simple ngunit puno ng aksyon at mga hamon. Ito ay ginawa at ipinakilala ng DECA Games, isang sikat na kumpanya sa industriya ng mga digital na laro. Patuloy itong kinikilala sa buong mundo dahil sa kanilang mga de-kalidad na laro.

Sa larong ito, ang players ay gaganap bilang si Bob, isang mabait na magnanakaw. Ang laro ay umiikot sa kwento ng pagtupad niya ng kanyang misyon upang siya ay makalabas ng kulungan. Ito ay puno ng aliw, katatawanan, at pakikipagsapalaran. May mga puzzles din na kailangang lutasin upang makausad sa laro. Upang magkaroon ng pagkakataong makalaya sa malupit na kapalaran, kailangang tulungan si Bob na matalo ang mga guwardiya at malampasan ang mga hamon sa laro.

Nais mo bang subukan at alamin kung swak ang larong ito para sa iyo? Maaari mo itong laruin sa halos lahat ng uri ng mobile device, tablet, iPhone o iPad. Kailangan lang na hanapin at i-download ang app sa Play Store o sa App Store. Pwede rin itong laruin gamit ang laptop o desktop computer. Hanapin lang ang Robbery Bob: King of Sneak na laro sa mga lehitimong gaming websites o i-download ang app sa iyong kompyuter sa pamamagitan ng emulator. Maaari mo ring i-click ang link sa ibaba upang malaro mo ito kaagad.

  • Download Robbery Bob: King of Sneak on iOS https://apps.apple.com/ph/app/robbery-bob/id503869041
  • Download Robbery Bob: King of Sneak on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.chillingo.robberybobfree.android.row
  • Download Robbery Bob: King of Sneak on PC https://www.bluestacks.com/id/apps/strategy/robbery-bob-on-pc.html

Mahalagang Gabay para sa Lahat ng Baguhang Manlalaro

Magandang balita! Hindi na kailangang lumikha ng isang account upang makapaglaro nito. Kapag binuksan mo ang app sa kauna-unahang pagkakataon, kailangan mong gumawa ng iyong username. Kailangan mo ring tutukan ang maikling tutorial dahil dito mo makikilala ai Bob. Magsisimula ang lahat sa kanyang pagtakas sa bilangguan sa tulong ng isang misteryosong lalaki. Pinanghahawakan niya ang ipinangako sa kanya na bagong buhay kapag nakumpleto niya ang kanyang huling misyon.

Related Posts:

2048 Cube Winner – Aim To Win Diamond Review

Smash Colors 3D review

Narito ang ilan sa mga mahahalagang tips at tricks para sa mga baguhang manlalaro. Maaari mo itong gawing gabay sa iyong kapanapanabik na paglalakbay. Mas magiging pamilyar ka sa laro at magkakaroon ka ng sapat na kaalaman upang mabilis na makapag level-up.

  • Gamit ang control pad ng iyong gaming screen ay makokontrol mo ang paggalaw ng iyong character. Ito ay matatagpuan sa bandang kanan. Ang sprint button naman ay maaari mong gamitin para pansamantalang pabilisin ang paggalaw ni Bob. Ito ay magagamit mo para matalo ang mga kaaway at maiwasang mahuli ng mga pulis o security guard. Pag-aralang mabuti kung paano ito magagamit sa mas epektibong paraan. Tandaan na ang paggamit ng sprint ay limitado lamang. Mag-ingat sa bawat pagkilos at hangga’t maaari ay iwasang makagawa ng ingay na maaaring makakuha ng atensyon ng iyong mga kaaway.
  • Maaari mong gamitin ang mga coins na iyong makukuha upang i-upgrade ang mga kakayahan ni Bob, bumili ng mga kakaiba ngunit mahalagang mga gadget, at mga kasuotan. Tandaan lamang na gawing prayoridad ang regular na pag-upgrade dahil mas nakakatulong ito para magawa mo ang iyong mga misyon. Mas nagiging mahirap ang mga hamon sa laro habang tumataas ang iyong antas. Ang paggastos ng sobrang coins sa mga outfit ay hindi naman talaga kinakailangan. Maging praktikal sa pagbili ng mga items sa laro.
  • Si Bob ay may apat na mga kakayahan – ang stealth o kakayahang kumilos ng tahimik, stamina o tibay, grab ability o kakayahan sa pagsunggab, at speed o bilis. Ang lahat ng ito ay may mahalagang papel upang mapagtagumpayan mo ang iyong misyon. Tiyaking pantay ang iyong pag-upgrade sa mga ito. Huwag ituon ang iyong pansin sa isang kasanayan lamang. Kung kaunti lamang ang iyong nakuhang coins, maaari mo munang unahing i-upgrade ang nangangailangan ng mababang halaga lang. Maaari ka ring bumili ng mga gadget na iyong makikita sa utility section ng store icon. Dito mo mahahanap ang mga accessories at gadgets na makakatulong sa iyong mga misyon.
  • Para makakuha ng coins at mga karagdagang items, kakailanganin mong magnakaw. Mayroon kang dalawang pagpipilian, kumuha ng maraming bagay hangga’t maaari o piliin ang mga mamahaling bagay lamang. Kailangan mong gamitin ng mabuti ang bawat pagkakataon mong makakuha ng mga gamit. Pagbutihin ang paghahanap ng mga kahon ng alahas, dahil ang mga ito ay naglalaman ng mga mamahaling bagay.
  • Tandaan na ang bawat kabanata ay may iba’t ibang tagpuan, tulad ng mga simpleng pamayanan at mga mararangyang tirahan. Makakakuha ka ng mga mamahaling item sa bawat kabanata ng laro.
  • Ang bawat lugar sa laro ay katulad ng isang maze. Ang ilan sa mga bahay o pasilidad ay walang laman o ang iba naman ay binabantayan ng mga gwardiya. Kinakailangang kumilos ka ng tahimik at mabilis sa naghahanap ng mga item. Pag-aralan mabuti ang mga pasikut-sikot upang hindi ka mahuli ng mga gwardiya o may-ari ng bahay. Ang paggamit ng sprint ay talagang makakatulong sa iyo upang hindi ka mahuli at makatakas.

Review ng Robbery Rob: King of Sneak

Ang Robbery Rob: King of Sneak ay nakatanggap ng 4.3 average star rating mula sa mahigit isang milyong reviews sa Play Store. Nakatanggap din ito 4.5 average star rating mula sa higit sa isang libong mga reviews sa App Store. Ang mga manlalaro ay namamangha sa simple ngunit nakakaaliw na gameplay nito. Ang progresibong mga antas ay may iba’t ibang mga hamon na talagang kapanapanabik. Ang pahapyaw ngunit astig na paggamit ng konsepto ng pagnanakaw ang ipinagkaiba nito sa mga laro na may kaparehong tema.

Sa kabilang banda, ang larong ito ay may mga kapintasan din. Wala itong opsyon na maaaring baguhin ang kasarian ng karakter. Marami ring mga manlalaro ang nabibitin sa bilang ng mga antas ng laro at gusto sana nila itong madagdagan pa. Karamihan din sa mga reklamo ay tungkol sa napakataas na presyo ng mga kasuotan ng karakter. Ang paglitaw ng ads ay hindi naman kalabisan subalit maaari pa itong mabawasan pa.

Konklusyon

Ang Robbery Rob: King of Sneak ay inilabas sa kauna-unahang pagkakataon noong Oktubre 15, 2012. Pagkalipas ng siyam na taon, na-idownload na ito ng mahigit sa 100 milyong beses sa Play Store pa lamang. Nagpapakita lamang ito kung gaano ito kasikat at kakilala sa buong mundo.

Sa kabuuan, ang paglalaro nito ay isang magandang paraan upang mas mahubog pa ang iyong critical thinking skills. Madali lang itong laruin dahil ang gameplay nito ay hindi kumplikado. Maaari pa itong laruin ng offline. Kaya kahit ito ay isang single-player na laro, hindi maipagkakaila ang kakaibang aliw at sayang dala nito sa mga manlalaro.

Laro Reviews