Ang MORTAL KOMBAT: A Fighting Game ay isang alamat pagdating sa fighting games. Noong una itong inilabas, lumikha ito ng komosyon sa pamahalaan ng Estados Unidos dahil sa sobrang brutal nitong gameplay. Katunayan, isa ang Mortal Kombat sa dahilan kung bakit kinakailangan ng mga console games na magkaroon ng Entertainment Software Rating Board ratings.
Marahil ay nalaro mo na ang maaksyong fighting game na ito at naranasan nang magkaroon ng Fatality results gamit sina Liu Kang, Sonya Blade, Johnny Cage, Scorpion, Sub-Zero, at iba pang characters. May ilang Mortal Kombat games na ang nailabas para sa smartphones, at ang isa dito ay ang app. Dito sa Laro Reviews, aalamin natin kung dapat mo ba itong laruin sa iyong mobile phone.
MORTAL KOMBAT: A Fighting Game
Ang MORTAL KOMBAT: A Fighting Game ay ang MORTAL KOMBAT X na inilipat lang sa mobile. Syempre, hindi kagaya ng mobile version ang version na malalaro mo sa PC at console dahil free to play lang ang app. Ang format ng larong ito ay 3v3 at may pagkakatulad sa Injustice: Gods Among Us. At hindi gaya ng normal na Mortal Kombat games na malalaro mo sa PC o console, may card system sa MORTAL KOMBAT: A Fighting Game.
Game Features
Sa MORTAL KOMBAT: A Fighting Game, may 130 characters kang pwedeng gamitin upang malampasan ang mga kalaban sa pinakamadugong tournament sa buong mundo. Sa pagbuo mo ng paksyon na may tatlong miyembro, magkakaroon ka ng mga special attack at mga artifact na magpapalakas sa iyo sa gitna ng laban.
At gaya ng ibang Mortal Kombat games, may faction wars din sa MORTAL KOMBAT. Sa faction wars ng larong ito, may pagkakataon kang makipaglaban sa iba’t ibang manlalaro ng real-time. May weekly leaderboard sa larong ito at kung gusto mong manalo ng mga papremyo, dapat kang mapunta sa tuktok ng leaderboard na ito.
Isa pang feature ng MORTAL KOMBAT ay ang opsyon na pwede mong gawing personalized ang iyong fighting style. Kapag nakapag-unlock ka ng mga character sa Feats of Strength, pwede kang magkaroon ng mga bagong victory stance, victory taunts, at war banners na makakadagdag sa stats ng iyong mga karakter.
At syempre pa, hindi makukumpleto ang isang Mortal Kombat game kung walang mga fatality. Sa MORTAL KOMBAT, masasaksihan mo ang mga fatality na hindi mo pa nakikita sa ibang Mortal Kombat games. Pagdating naman sa controls, touchscreen lahat ng controls sa larong ito at wala kang touchpad na makikita sa screen.
Pagdating sa graphics, makikita mo na high-quality ang graphics ng MORTAL KOMBAT kaya naman kailangan mo ng 1GB RAM at 1.1 GB free storage space upang malaro ang fighting game na ito. Marapat lang din na 18 years old ka na kung lalaruin mo ang app dahil sa madudugong laban at karahasang ipinapakita rito.
Saan Maaaring I-download ang MORTAL KOMBAT?
Gamitin ang mga sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro:
Download on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.wb.goog.mkx
Download on iOS https://apps.apple.com/us/app/mortal-kombat/id949701151
Tips at Tricks para sa MORTAL KOMBAT: A Fighting Game
Ang una mong kailangang malaman upang makapaglaro na parang isang Elder God sa MORTAL KOMBAT: A Fighting Game ay ang game mechanics nito.
Basic controls sa MORTAL KOMBAT:
- I-tap ang screen para umatake
- Mag-hold ng dalawang daliri para sa block
- I-tap ang larawan ng teammate upang ma-tag sila
- I-tap ang icon sa lower left para sa special attacks
Sa larong ito, dapat kang bumuo ng isang viable na squad at pagsama-samahin sa isang koponan ang dalawa o tatlong uri ng characters. Halimbawa, ang Shirai Ryu card ay nagbibigay sa kapwa Martial Arts type ng +5% attack boost. Nagbibigay din ang mga trooper ng katulad na bonus sa kanilang mga kapwa karakter sa Spec Ops. Isa itong taktika na kakailanganin mong gamitin sa mga unang yugto ng laro.
Related Posts:
ONE PUNCH MAN: The Strongest Review
Praia Bingo: Slot & Casino
May limang character types sa A Fighting Game at ito ang Outworld, Martial Artist, Saurian, Spec Ops, at Oni. At dahil isa itong card-based game, mas malaki ang bonus kapag pare-pareho ng type ang iyong team.
Pros at Cons ng MORTAL KOMBAT: A Fighting Game
Ang mga laban sa MORTAL KOMBAT: A Fighting Game ay isang tag team battle sa pagitan ng tatlong manlalaro sa bawat panig, sa halip na maging one-on-one ang laban. Ang mga kontrol ay sadyang simple at para sa amin sa Laro Reviews, hindi ito nagpapasaya sa gameplay. Ayos lang sana kung ang format ng laro ay 3v3 na parang Tekken Tag Tournament, pero hindi.
Sa halip, nabigyan tayo ng laro na ang tanging kailangan mong gawin ay pumindot. Ang mga unang laban sa larong ito ay sobrang dali at hindi mo mararamdaman na naglalaro ka ng isang Mortal Kombat game. At kung gugustuhin mong magkaroon ng progress sa laro, kailangan mong gumastos talaga. Ayos lang sana ang paggastos kung hindi mukhang simulated ang laro.
Umiikot ang app sa pagkolekta ng card. Ito ay isang diskarte na maaaring gumana kung ang mga card na inaalok ay may sense o kahit anong espesyal na katangian, ngunit sa halip, ang mga card ay ang pangunahing selling point ng laro at “dapat kolektahin silang lahat.” Sobrang layo nito sa Mortal Kombat games na nakasanayan ng lahat.
Kung may magandang katangian ang larong ito, marahil ito ay ang graphics. Pero, ano bang aasahan mo sa isang laro na sobrang laki ng storage space ang kinakailangan? Syempre, magandang graphics kaya hindi ito dapat purihin.
Konklusyon
Maganda sana ang potensyal ng MORTAL KOMBAT: A Fighting Game kung hindi lang ito naging isang laro na sobrang basic ng gameplay. Kung gusto mo ng mas magandang alternatibo, Injustice na lang ang iyong laruin. Ang tanging mga tao na masisiyahan dito ay ang mga mahilig mangolekta ng cards. Sa mga kontrol nito na pag-tap lang ang kailangan, parang kumokontrol ka lang sa isang simulation at hindi isang laro.
Laro Reviews