Out There: Ω Edition Review

Ang Out There ay isang space exploration, award-winning,roguelike at management at strategic, interactive na laro na inilunsad noong Pebrero 27, 2014. Ang laro ay binuo ng isang French Indie Game Developer na Mi-Clos Studio. Ang laro ay inilabas sa Android at iOS at ito ay inilabas sa Nintendo Switch noong Abril 9, 2019.

Tutulungan ka ng Laro Reviews na alamin ang mga mahahalagang bagay tungkol sa laro at may mga karagdagang tips ka pang matututunan dito.

Ang laro ay tungkol sa isang Astronaut na ipinadala sa buwan ng Jupiter, Ang Ganymede, upang magsaliksik at mangalap ng mga magagamit na materyales na maaaring dalhin sa Earth dahil ang mga pagkain at mga naiimbak na materyales ng planeta ay hindi sapat upang matustusan ang sangkatauhan dahil sa sobrang populasyon. Ang tagpuan ng kwento ay nangyari noong ika-22 siglo ng Planetang Earth.

Ano ang Layunin ng Laro?

Gagampanan mo ang Astronaut na nakatakdang maglakbay sa kalawakan upang maghanap ng mga pagkain at mga materyales para sa Planetang Earth. Ang iyong layunin ay mabuhay sa hindi kilalang kalawakan sa pamamagitan ng pagpuno sa iyong spaceship ng anumang bagay na magagamit mo at maghanap ng mga planeta na may mga halaman na magpupuno muli ng oxygen ng iyong suit para makahinga ka.

Ang lugar na iyong kinaroroonan ay mapanganib at nakakatakot. Ang kalawakan ay puno ng mga misteryo at mga panganib. Magagawa mong makatagpo ng iba’t ibang uri ng nilalang o mga alien na magkakaroon ng interes sa iyo ngunit hindi magdudulot ng anumang panganib sa iyong kaligtasan.

Ang iyong pangunahing layunin ay ang mahanap ang iyong daan pauwi ng ligtas, tipunin ang lahat ng mga supply at lutasin ang lahat ng mga misteryo sa hinaharap tungkol sa iyong kapalaran at ang kapahamakan ng sangkatauhan.

Related Posts:

Big Pokie Wins Australia 2022: 10 Best Slots Games

Win Big 21 Casino Review

Paano Laruin ang Laro?

Ang laro ay tungkol sa paggalugad sa kalawakan at pamamahala ng mga supply. Gagampanan mo ang Astronaut na nakasakay sa spaceship ng naka-cryogenic sleep hanggang sa maabot mo ang iyong destinasyon, ang buwan ng Jupiter, Ang Ganymede. Gayunpaman, biglang nagbago ang direksyon ng iyong spaceship at nagising ka sa isang lokasyong milya, milya ang layo mula sa Earth at hindi ito ang Ganymede.

Ang iyong spaceship ay puno ng oxygen, mga kagamitan na magagamit mo, gasolina at isang metal na magagamit mo upang mangalap ng mga supplies mula sa iba’t ibang mga planeta sa solar system. Kung gagawin mong matatag at sapat ang supply, ikaw ay magpapatuloy sa mga sunod na level o antas ng laro.

Mula rito, kokontrolin mo ang Astronaut upang mangalap ng mga gamit upang mapanatili kang buhay mula sa hindi kilalang planetang ito. Makakatagpo ka ng tatlong kultura ng mga alien na iyong makakasalubong at makakaharap. Ang Star Iron tribe na AI Robots na namamahala sa mga istasyon kung saan maaari mong i-refill ang iyong mga supply, Ang Judges o The Architects na sisira sa Solar System at Ang People Death, ang lumikha ng Star Iron. Sila rin ang grupo ng mga survivors ng isang species kung saan ang kanilang ang planeta ay nawasak ng mga Judges..

Ang daloy ng laro ay depende kung aling tribo ang iyong sasalihan. Kung magpasya kang makipag-ugnayan sa People Death Tribe, at mapagtagumpayan mong talunin ang tribong ito, ikaw ay tatawagin bilang isang diyos at hahayaan kang humiram ng kanilang hukbo na pwedeng tumulong sa iyo. Kung nais mong makakuha lamang ng impormasyon tungkol sa nangyari sa iyo at sa Earth,ang mga taong dapat mong hanapin ay ang mga Hukom/Arkitekto. Kung magpasya kang tulungan ang Star Iron tribe na talunin ang enclave ng mga Judges/Architects, maaari mong gamitin ang wormhole ng system kung saan mo mahahanap ang enclave upang makabalik ka sa Earth, na may dalang bagong pag-asa. at makabagong teknolohiya para sa sangkatauhan.

Ang Omega edition ay isang uri ng pagtatapos ng laro. Dito mo ginagamit ang isa sa mga Arks na nakalimutan na ng mga tao na sinubukang tumakas sa Earth at manirahan sa isang bagong planeta.

Paano I-Download ang Laro sa Out There?

Ang laro ay available sa Android, iOS, Windows, Mac, Linux a tNintendo Switch.Ito ay hindi libre at kailangan mo magbayad para mai-download ang laro.

Download Out There: Ω Edition on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.miclos.google.games.outthere&hl=en&gl=US

Download Out There: Ω Edition on iOS https://apps.apple.com/us/app/out-there-%CF%89-edition/id799471892

Download Out There: Ω Edition on Windows PC http://omega.outtheregame.com/

Download Out There: Ω Edition on MAC https://apps.apple.com/us/app/out-there-omega-edition/id988576893?mt=12

Ang Link sa Nintendo Switch ay available sa Nintendo Store.

Paano Gumawa ng Account sa Laro?

Ang mga account na kailangan para sa laro ay ang karaniwang Google Play account, Apple ID, at Nintendo Account. Ang mga account na ito ay mahalaga upang maproseso mo ang pagbili at mai-save ang iyong laro o level.

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Out There

Delikado ang lugar na napuntahan mo at ikaw lang ang tao doon na nagsisikap na mabuhay ng mag-isa. Gayunpaman, ang mga tip at trick na ito ay makakatulong sa iyo habang nasa daan at magpaparamdam sa iyo na hindi ka nag-iisa sa gitna ng isang blankong kalawakan.

Habang nag-eexplore, mawawalan ka ng maraming gasolina dahil ang iyong spaceship at ang iyong kagamitan ay nangangailangan ng gas para ito ay tumakbo. Huwag mag-alala, sa gitna ng kalawakan ay makakakita ka ng isang higanteng gas. Kapag nakakita ka nito, kumilos nang mabilis at humigop ng mas maraming gas hangga’t maaari. Kung ikaw ay nasa isang planeta na may maraming materyales o mga metal tulad ng mga bakal ay sikapin mong makapag-mina ka ng mga ito. Kung nakakita ka ng isang planeta na maraming halaman at puno, huminto dito at punan ang iyong oxygen reservoir upang magkaroon ka ng sapat na oxygen sa iyong paglalakbay.

Siguraduhing makakuha lamang ng sapat na mapagkukunan o mga supply na kailangan mo. Lalo na ang tatlong elemento na mahalaga sa iyo. Huwag mag-overstock at magbigay ng puwang para sa iba pang mapagkukunan tulad ng mga bihirang materyales at makina.

Palaging gawing puno ang iyong gasolina at suriin palagi ang iyong spaceship at oxygen.

Ang buong kalawakan ay napalalawak at hindi mo malalaman kung anong mga problema ang iyong makakaharap. Mayroong ilang mga kaganapan na magaganap na wala kang paraan upang makontrol ang mga ito. Katulad na lamang ng pagkasira ng iyong shield o pananggalang o makuha mo ang atensyon ng isang space squid na sobrang delikado.

Maaaring hindi mo makontrol ang mga sitwasyong iyon ngunit maaari kang maging handa para dito. Kailangan mong suriin ang iyong mga makina na kailangan ayusin katulad ng mga linyang tumatagas. Ang reservoir ng oxygen kung puno ang mga ito at sapat na upang ikaw ay magpatuloy sa paglalakbay.

Habang naglalakbay, makakahanap ka ng ilang mga inabandunang spaceship. May mga spaceship na mas mahusay kaysa sa kasalukuyang spaceship na iyong ginagamit. Maaaring may mas malaking stockroom ito o maaaring maganda ang defense system. Kaya, ilipat ang lahat ng iyong mga kagamitan sa mas magandang spaceship na iyong nakita.

Ang mamatay sa kalawakan ay hindi nakakatakot dahil ang kamatayan dito ay hindi ang katapusan ng lahat ngunit ito ay magsisilbing aral sa iyo na makakatulong sa iyo na magpatuloy sa iyong paglalakbay. Matuto sa iyong mga pagkakamali. Katulad na lamang ng kung aling mga pindutan ang naging sanhi ng iyong kamatayan at huwag subukang pindutin muli ito sa sandaling mabuhay ka.

Positibo at Hindi Positibong Puna Tungkol sa Laro

Ang laro ay magbibigay-daan sa iyo na maranasan kung ano ang pakiramdam ng nasa isang kalawakan. Araw-araw, bibigyan ka nito ng bagong nabuong kalawakan para tuklasin mo.

Ang storyline ng laro ay kamangha-mangha at mapipili mo kung aling ending ang iyong susundan. Hindi ka magsasawa sa paglipad dahil maaari kang makakuha ng iba’t ibang uri ng spaceship na magagamit mo at tutuklasin.

Gamitin ang iyong pagkamalikhain sa pamamagitan ng paggawa ng mga kagamitan at system gamit ang mga teknolohiya ng mga alien mula sa 15 na materyales. Maaari kang mag-aral at matuto ng mga wika ng mga alien at makipag-usap sa kanila. Higit sa lahat, walang dugong masasangkot pati na rin ang pagpatay dahil walang away o labanan dito.

Makakatuklas ka ng mga bagong anyo ng buhay, teknolohiya at mga bagong planeta na maaaring maging bagong tirahan ng sangkatauhan.

Ang laro ay kadalasang nakasalalay sa iyong kapalaran na medyo nakakainis. Hindi ito magdedepende sa iyong husay o kung gaano ka kagaling maglaro ngunit sa swerteng makukuha mo. Kaya, hindi mo magagamit ang anumang diskarte dito kundi sundin lamang ang iyong pakiramdam.

Ang pagtuklas ng bagong spaceship ay hindi palaging nakakabuti dahil may mga pangyayaring maaaring mawala ang lahat ng mayroon ka at mapupunta ka sa isang solar system na walang halaga na nangangahulugan na ito ay maaaring katapusan na para sa iyo. Sa kasamaang palad, hindi sumasang-ayon ang mga developer sa mga mungkahi ng mga manlalaro na ayusin ito o gawin itong isang larong nakabatay sa kasanayan. Ang laro ay tungkol sa iyong mga prayoridad at pamamahala ng iyong imbentaryo.

Ang Out There ay magbibigay sa iyo ng atmospheric space na karanasan. Maganda ang soundtrack ng laro at tumutugma ito sa mood ng laro. Mahuhumaling ka sa paglalaro at makakalimutan mo na nasa Earth ka pa rin at wala sa hindi kilalang planeta sa kalawakan.

Para sa Laro Reviews, tunay na nakakamangha ang storyline nito. Ang buong laro ay napakamalikhain at ang animation at mga graphics ay balanse at ito ay maraming mga parangal tulad ng Excellence in Storytelling Finalist sa IMGA 2015, Best Game Design Award sa Casual Connect EE 2014, Best Mobile Game Shortlist 2014 sa Game Informer at Gold Medal sa PocketGamer.

Laro Reviews