Handa ka na ba sa isang role-playing game (RPG) na puno ng mahika at pantasya? Ang Forsaken World: Gods and Demons ay isang larong hatid ng Youzu (Singapore) Pte. Ltd. Ito ay inilunsad noong Oktubre 19, 2020 at pagkalipas ng halos dalawang taon, ito ay naging isa sa pinakahinahangaang RPG sa buong mundo. Parehong kumpanya rin ang nasa likod ng sikat na mga larong Metal Revolution at Saint Seiya Awakening: Knights of the Zodiac.
Ang RPG na ito ay hango sa isang kwentong puno ng mahika at pantasya. Ang mga manlalaro ay kailangang sumugod sa pugad ng mga dragon, o maghanap ng mga nawalang artifact. Maaari silang pumili ng kanilang sariling kapalaran, maging isang bayani at panatilihin ang kapayapaan o maging isang matagumpay na mananakop. Maraming mga kapahamakan at kaguluhan ang naghihintay sa lupain ng Forsaken World tulad ng labanan sa pagitan ng mga grupo, ang mga nakakatakot na makapangyarihang Storm Legion at ang banta ng mga mababangis na hayop. Hindi ordinaryong mga hamon ang naghihintay sa laro, subalit huwag mag-alala dahil ang Laro Reviews ay handa kang tulungan. Sa tulong ng artikulong ito, magkakaroon ka ng mas malinaw na ideya tungkol sa laro at sa mga hamong kakaharapin mo.
Paano I-download ang Laro?
Ang Forsaken World ay pwedeng laruin gamit ang iOS o Android devices. Kung mahilig ka namang maglaro gamit ang laptop o desktop, maaari mong i-download ang app sa iyong computer. At i-install ito gamit ang isang android emulator. Gusto mo ba ng simple at madaling paraan para mag-download? I-click lamang ang angkop na link sa ibaba:
- Download Forsaken World: Gods and Demons on iOS https://apps.apple.com/ph/app/forsaken-world-gods-and-demons/id1522261866
- Download Forsaken World: Gods and Demons on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.yoozoogames.fwgame
- Download Forsaken World: Gods and Demons on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/forsaken-world-gods-and-demons-on-pc.html
Forsaken World: Gods and Demons – Gabay para sa mga Baguhang Manlalaro
Pwede mong ma-enjoy ang larong kahit na wala kang rehistradong account. Gayunpaman, mas mainam pa ring magkaroon nito upang mai-save ang game data. Upang magkapagparehistro, i-link lamang ang iyong Facebook, Google, o Twitter account sa laro. Pwede rin namang gumawa ka ng iyong GTarcade account para magamit dito.
Tulad ng karamihang MMORPG, ang Forsaken World ay maraming mga tampok na kailangan mong makabisado. Kung ikaw ay isang solid na manlalaro ng mga RPG, sisiw itong lahat sa’yo. Ang game mechanics at game modes kasi nito ay halos kapareho lang ng mga ng karaniwang role-playing games.
May pitong klase ng mga mapagpipiliang mga karakter sa laro: Warrior, Mage, Rogue, Priest, Vampire, Gunner, at Ranger. Tandaan na ang bawat isa ay may natatanging mga kakayahan at tungkulin. Pumili ng isang klase ng character na bagay sa iyong kasanayan, kakayahan at istilo ng paglalaro. Kung gusto mo ng mga long-range na pag-atake, bagay kang maging isang Gunner o Mage. Kung mas gusto mo naman ng labanan na malapitan at magpakawala ng mapaminsalang atake, pumili ng Warrior o Rogue na karakter. Kung nais mong makilatis ang bawat isa at malaman kung ano talaga ang bagay sa’yo, subukang gamitin ang bawat isa. Gamit ang Full Character Customization feature, pwede mong ma-customize ang iyong napiling karakter. Habang ikaw ay nagle-level up, mas magiging malakas at tataas din ang ranggo rito.
Sa simula, pwede mong gamitin ang auto mode upang makapag-practice at masanay ka sa game controls. Ito ay gumagamit ng AI technology kaya mas madali itong gamitin at bagay sa mga baguhan. Kapag nasanay ka na, mas mabuting gamitin mo ang manual game mode. Mas mahirap at mapanghamon ito dahil ikaw mismo ang magko-control sa iyong karakter. Ito ay nakakatulong upang mapaunlad ang iyong abilidad at diskarte sa laro. Sa bawat pagtatapos ng levels, kailangan mong labanan ang mas malakas na mga boss kaya kailangan mong magsanay at mas pagbutihin ang iyong paglalaro.
Para makakuha ng mas maraming puntos, maglaro ng madalas sa Main Quest. Maaari mo ditong i-level up ang iyong karakter at i-unlock ang iba pang game modes at features. Huwag kaligtaang regular na i-upgrade ang gears at treasures ng iyong mga karakter upang sila ay maging mas malakas at mas mahirap talunin. Kailangan mo ring sumali sa isang guild upang makakuha ng mga eksklusibong benepisyo. Bukod sa pagkakataong makipag-ugnayan at makipagkaibigan sa ibang manlalaro, may mga quest na para lamang talaga sa mga guild members. Hindi ba’t mas masaya at exciting ang laro kapag mas marami kayo? Bagaman mayroon ding solo-player quests kung sakaling gusto mong maglaro mag-isa, limitado lang ang mga ito.
Related Posts:
Family Island™ – Farming Game Review
Summoners War Review
Pros at Cons ng Forsaken World: Gods and Demons
Sa bahaging ito, tatalakayin Laro Reviews ang pros at cons ng laro. Isa sa mga pinakamagandang feature ng laro ay Full Character Customization nito. Nagbibigay-laya ito sa mga manlalaro na gumawa, magdisenyo at pumili ng costumes ng sarili nilang game character. Ginagawa nitong mas kakaiba at mas personalized ang bawat game experience. Maraming pumupuri, mga manlalaro man o mga kritiko, sa nakahuhumaling nitong gameplay. Ang features nito ay pangkaraniwan sa mga RPG ngunit nakakamangha pa rin. Ang special at seasonal events nito ay kapanapanabik at hindi dapat palampasin.
Nakakalungkot mang isipin, ang larong ito ay may mga isyu at problema rin. Madalas na nakakaranas ang mga manlalaro ng biglaang pagka-crash ng laro. Ang game app nito ay puno rng bugs at kadalasang nagla-lag. Marami din ang nadidismaya dahil may mga pagkakataong kinakailangan talagang bumili ng in-app packages para lang makapag-level up. Ang customer service nito ay nakakairita dahil hindi nila nabibigyan ng solusyon ang mga reklamo at hindi sila tumutugon sa refund requests. May isyu rin tungkol sa game data dahil marami ang nagsasabing bigla na lamang nawawala at hindi nasi-save ang kanilang game progress.
Konklusyon
Ang Forsaken World: Gods and Demons ay nakakuha ng average rating ng 4.4 stars mula sa halos 500 reviews sa App Store. Pagdating naman sa Play Store, ito ay nakakuha ng 4.0 stars mula sa mahigit 60,000 reviews. Sa pangkalahatan, masasabing marami pang dapat ayusin at baguhin sa laro.
Subalit, kahit sabihin pang may mga problema at isyu itong dapat matugunan at kahit na ang konsepto nito ay halos walang pinagkaiba kung ikukumpara sa pangkaraniwang MMORPGs, marami pa rin ang nag-eenjoy dito. Dapat lang na ito ay ayusin at mas pagbutihin pa upang mas marami pang manlalaro ang mahahatak at mapapasaya nito.