Construction Simulator 2 Review

Construction Simulator 2 – Ito ay isang mahusay at sikat na construction simulator sa modernong panahon. Ipinapakita nito ang mga karaniwang proyekto sa konstruksiyon pati na rin kung paano pinapatakbo ang mga sasakyan na madalas gamitin. Habang umuusad ka sa laro, mas humuhusay ang iyong kakayahan at kaalaman pagdating sa construction. Matututunan mo kung paano magpatakbo at mamahala ng isang construction firm pati na rin sa oras, pondo, resources, at mga manggagawa nito. Kumuha ng mga karagdagang makinarya at trak, lagdaan ang mga kontrata at ganap na isagawa ang mga ito, pumunta sa isang quarry at kumuha ng graba o buhangin, at i-upgrade ang iyong kumpanya!

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang Laro Reviews ay humanga sa kung paano gumagana ang construction simulator na ito, partikular na sa smartphones na may maliliit lamang na screen. Pero nagawa ng laro na mahikayat ang maraming manlalaro na subukan ito at hindi nga sila nabigo dahil tinangkilik ito ng masa. Isa itong mission loop na umiikot lang sa construction works. Dito ay tungkulin mo ang pagtatayo ng mga istruktura, bahay, tulay, pag-aayos ng mga kalsada, at maging ang pagpapatakbo ng mga lisensyadong heavy cranes at pagkuha ng mga materyales. Ang bawat level ay mayroon kanya-kanyang mga layunin na dapat mong kumpletuhin upang makakuha ng mga gantimpala. Ang mga rewards na matatanggap mo sa pag kumpleto ng mga gawain ay maaaring gamitin para bumili ng mga bagong sasakyan at palaguin ang iyong kumpanya. Masasaksihan mo kung paano lumalago at lumalawak ang iyong kumpanya sa paglipas ng panahon.

Paano Ito Laruin?

Tulad ng unang nasabi, ang bawat level ng laro ay may iba’t ibang mga misyon na dapat mong tapusin. Ang mga misyon ay kadalasang pagtatayo ng mga gusali, apartment, tulay, kalsada, pagkuha ng buhangin, graba, o mga kagamitan gamit ang isang crane o trak, o maging ang pagpapatakbo ng mga heavy equipment o sasakyan sa konstruksiyon. Ito ang mga karaniwang misyon o aktibidad na gagawin mo dito. Kapag natapos mo ang isang misyon, ikaw ay gagantimpalaan ng pera, magle-level up, makakakuha ng XP, at magagawa mong i-upgrade ang iyong kumpanya.

Magsisimula ka sa isang maliit na base. Magmamaneho ka ng isang partikular na sasakyan doon at magsisimula ng tumanggap ng maliliit at malalaking proyekto. Sisikapin mong umunlad sa industriya ng konstruksiyon sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga nakatalagang proyekto sa iyo. Magkakaroon din ng mga espesyal na misyon. Ang pagkukumpleto sa mga natatanging gawaing ito ay magbibigay sa iyo ng access sa mga bagong lokasyon at mas kawili-wiling mga features ng laro.

Maaaring bumili ng mga trak sa dealership ng sasakyan ng direkta sa tapat ng kalye mula sa iyong lugar ng operasyon. Medyo magastos ang mga sasakyan pero may opsyon ka na mag-arkila ng sasakyan sa sandaling kapos ka sa pondo. Gayunpaman, sikapin mong makabili ng sarili mong mga sasakyan sa halip na mag-arkila ng mga ito dahil ang pag-upa sa mga ito ay maaaring tumaas at hindi na ito praktikal na gawin.

Paano I-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Construction Simulator 2 sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 9.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 35 MB at 1.6 GB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga links sa ibaba upang mag-download:

Download Construction Simulator 2 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.astragon.cs2016

Download Construction Simulator 2 on iOS https://apps.apple.com/us/app/construction-simulator-2/id983632334

Download Construction Simulator 2 on PC https://oceanofgamesu.com/construction-simulator-2-download-full-version/

Hakbang sa paggawa ng account sa Construction Simulator 2

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Construction Simulator 2. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Construction Simulator 2!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Construction Simulator 2

Ibabahagi ng Laro Reviews ang ilan sa mga ideya at taktika na maaari mong gamitin para makausad sa bawat level. Alam naman nating lahat na ang mga aktibidad dito ay umiikot lang sa paggawa ng gusali at iba pang gawain na maiuugnay sa konstruksiyon. Ito ay isang mahusay na simulator app para sa pagpapahusay ng iyong kadalubhasaan sa pagtatayo ng mga gusali at iba pa.

Ang laro ay magbibigay sa iyo ng mga layunin sa bawat level. Sa tuwing matatapos mo ito, magkakaroon ka ng rewards o pera na maaari mong gamitin sa pagbili ng sasakyan. Gayunpaman, kung kapos ka sa pondo, maaari mo na lang itong upahan muna. Maaari kang magrenta ng sasakyan para sa isang proyekto pero huwag ugaliing patuloy na magrenta, sa halip, sikapin na ito ay mabili para hindi ka magastusan sa arkila ng mga sasakyan.

Dapat ka ring magsanay sa pagpapatakbo ng mga mabibigat na crane, excavator, bulldozer, tractor, trak, at iba pang mga sasakyang madalas na ginagamit sa konstruksiyon. Maaaring mahirap kontrolin sa una, ngunit may tutorial kung paano ito patakbuhin at i-operate. Mas madaling mag-level up sa laro kung mas mabilis mong matutunan ang bagay na ito.

Related Posts:

Construction Simulator 3 Review

Five Nights at Freddy’s – HW Review

Pros at Cons sa Paglalaro ng Construction Simulator 2

Ang Construction Simulator 2 ay isang kahanga-hangang simulator na ipinapakita ang anumang sitwasyon o aktibidad sa isang construction site. Matututunan mong pamahalaan ang iyong oras, resources, pera, at mga manggagawa (kung nais mong magsimula ng isang kumpanya ng konstruksiyon). Mayroon itong mga maliliit at malalaking proyekto kung saan ikaw ay magiging responsable para sa pagtatayo ng mga bahay, apartment, skyscrapers, tulay, pag-aayos ng mga kalsada, o mag-operate ng heavy equipment sa konstruksiyon tulad ng mga loader, dump truck, bulldozer, trak, crane, at maraming lisensyadong sasakyan na karaniwang ginagamit sa konstruksyon. May mga kamangha-manghang misyon na dapat gawin upang makakuha ng iba’t ibang rewards o pera.

Kapag naka-ipon ka na ng sapat na pera ay makabibili ka na ng mga karagdagang istruktura na magbibigay sa iyo ng mga karagdagang kakayahan para palawakin ang iyong kumpanya. May mga kalapit na negosyo, tulad ng mga supply, kung saan maaari kang bumili ng mga materyales para sa mga proyekto sa hinaharap. Mayroon ding bangko na nag-aalok ng loan, pati na rin ang dealership ng sasakyan kung saan maaari kang bumili o mag-arkila ng mga bagong sasakyan. Kapag hindi ginagamit, ang mga sasakyang ito ay maaaring iparada sa iyong home base. Maganda ang disenyo, motion graphics, at audio effects ng laro. Gayunpaman, hindi masyadong hardcore ang graphics nito. Ito ay sapat lamang upang mapukaw ang interes ng mga manlalaro. Available na ito sa lahat ng user ng Android, iOS, at PC, at maaaring laruin kahit saan at anumang oras. Gawin at tapusin ang mga mahihirap na misyon upang unti-unting lumawak at lumago ang iyong kumpanya.

Konklusyon

Maraming features na nakakalibang ang Construction Simulator 2. Mahusay nitong napabilib ang mga manlalaro dahil sa magandang gameplay performance gayundin ang halos makatotohanang graphics at sound effects nito na nakakapagbigay ng magandang karanasan sa mga manlalaro. Mayroon lamang ilang isyu na kailangan ayusin at mas maganda kung magkakaroon ito ng karagdagang mga misyon na kakasabikan ng mga manlalaro.

Laro Reviews