60 Seconds! Reatomized Review

Mayroon ka lamang 60 seconds para kunin ang mga bagay na iyong kakailanganin upang mabuhay ang iyong pamilya sa panahon kung saan ang mundo ay nasa loob ng nuclear apocalypse, kaya mo ba? Kung oo ang iyong sagot, tiyak kong malaki ang tiyansa mong manalo sa classic atomic adventure game na nilikha ng Robot Gentleman, ang 60 Seconds! Reatomized.

Ang 60 Seconds! Reatomized ay ang remastered version ng dating ni-release noong 2015 na 60 Seconds! Kung ikukumpara ito sa naunang version, ang graphics nito ay mas enhanced at mayroong hand-drawn 3D textures na makikita sa simula ng laro. Na-improve rin maging ang IU System nito at may hinandang mga bagong challenge at interaction na talaga namang masasabing isang malaking edge kumpara sa dating version nito. Gayunpaman, narito pa rin ang pamilyang minahal mo maging ang pagiging dark comedy ng larong ito.

Sa pagbabalik nito, muling haharap ang pamilyang binubuo nina Ted, Dolores, Mary Jane, at Timmy sa isang post-apocalypse na mundo. Samahan silang muling kunin ang mga essential na bagay para sa kanilang bahay sa loob lamang ng 60 seconds, magtago at mamuhay ng ilang araw sa ilalim ng kanilang fallout shelter at tulungan sila pagdating sa matalinong pagdedesisyon upang maka-survive sa larong ito!

Features ng 60 Seconds! Reatomized

Atomic Adventure – Bago magsimula ang laro, may mga hinandang iba’t ibang game mode and version na ito na maaari mong pagpilian gaya ng Atomic Drill bilang isang tutorial, Challenge kung saan tutulungan kang hasain ang iyong post-apocalyptic skills at magkamit ng iba’t ibang rewards, Scavenge na siyang magtuturo sa iyo pagdating sa pag-stock ng ilang mga supplies sa iyong fallout shelter, Survival naman ang siyang magbibigay sa iyo ng pagkakataong ma-experience ang post-apocalypse adventure gamit lamang ang piling supplies, at ang panghuli, ang Apocalypse para sa isang full atomic experience!

Character Selection – May kalayaan ka sa larong ito na mamili kung sino kina Ted (Ama) at Dolores (Ina) ang gusto mong kontrolin sa laro.

Difficulty – Gaya ng ibang laro, may iba’t ibang level of difficulty rin ito na maaari mong pagpilian bago mo simulan ang aktwal na laro gaya ng Little Boy, Fat Man, at Tsar bomba. Bagaman iba ang tawag dito, ito pa rin ang easy, moderately hard, at hard na makikita sa iba’t ibang laro.

Timer – Sa tuwing kailangan mo nang kumuha ng iba’t ibang resources na kailangan mong iimbak, makikita sa parteng itaas ang isang timer. Ito ang maaari mong gamiting guide upang malaman mo kung may oras ka pa ba para maglibot sa iyong bahay o wala na.

Resources – Ito ang isa sa pinakamahalaga na dapat mayroon ang mga manlalaro dahil dito nakadepende ang itatagal ninyo sa laro. Ilan sa mga ito ay ang tubig at soup bilang mga pangunahing resources. Bukod dito, mayroon pang radio, gas mask, baraha at iba pa na mahalaga rin at makatutulong sa inyo habang binabaybay ang laro.

Journal – Sa pamamagitan nito dumadaloy ang laro. Dito nakalagay ang mga ginagawa ng pamilya, ang detalyadong sitwasyon nila maging ang kanilang mga dapat gawin upang maka-survive.

Cat and Dog – Mayroong mga hayop gaya ng aso at pusa na siyang makakasama ninyo hanggang sa matapos ang laro. Kalimitang sumusulpot ang mga ito tuwing kalagitnaan na ng laro.

Saan maaaring i-download ang 60 Seconds! Reatomized?

I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

  • Download 60 Seconds! Reatomized on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.RobotGentleman.game60SecondsReatomized
  • Download 60 Seconds! Reatomized on iOS https://apps.apple.com/us/app/60-seconds-reatomized/id1474716211

Tips at Tricks sa Paglalaro ng 60 Seconds! Reatomized

Hindi man nito magagarantiya ang pagkapanalo mo sa laro, ang Laro Reviews ay may ilang mga tip upang kahit papaano ay makatagal dito. Kaya naman, upang maging posible ito, isang mabisang paraan na sa simula pa lamang ng larol ay isipin na agad ang resources na dapat mong dalhin sa inyong fallout shelter. Bilang unang challenge ng laro, mayroon ka lamang 60 seconds upang dalhin ang mga bagay na magagamit ninyo ng iyong pamilya upang manatiling buhay. Kaya naman isang matalinong desisyon ang i-prioritize ang tubig at soup sa hangga’t maaari dahil ang mga ito ay ang pinakamahalagang dapat mayroon ang buong pamilya. Maari mong isunod dito ang medkit kung sakaling may masugatan at magkasakit sa inyo. Isama pati na rin ang radio dahil magagamit din ito bilang libangan o komunikasyon sa gobyerno o militar. Mainam rin kung isasama sa mga dadalhin ang suitcase dahil mayroong mga item sa loob nito na magagamit mo pagdating sa scavenging.

Maaari mo ring gamitin sa larong ito ang estratehiya kung saan piliin lamang ang araw na pwede ninyong i-konsumo ng buong pamilya ang tubig at soup. Maaaring makatagal ang tao nang hindi ito nakakakain o nakakainom ng tatlo o limang araw kaya naman isang matalinong desisyon kung hindi muna ikonsumo ito sa unang limang araw. Kung sakaling humingi man ang ilan sa mga miyembro ng pamilya, maaari mo muna itong i-skip.

Related Posts:

The Walking Dead: Survivors Review

State of Survival: The Joker Collaboration Review

Pros at Cons ng 60 Seconds! Reatomized

Isa sa pinakamisyon o nais ituro ng larong ito ay ang matalinong pagdedesisyon lalo na sa panahon kung saan talagang susubukin ang ating survival ability. Sa oras na pasukin mo ang larong ito, unti-unti mong mapagtatantong hindi pumapalya ang 60 Seconds! Reatomized na ituro ang bagay na iyon. Nakakaaliw na sa simula pa lamang ng laro ay agad ka na nitong pinaalalahanan na mahalaga ang bawat desisyong ginagawa mo rito. Mapapansin mo iyon lalo na sa parte kung saan mayroon ka lamang 60 seconds para kunin ang mga bagay na sa tingin mo ay kakailanganin mo. Bagaman maliit lang ang panahon na iyon, dito nakasalalay ang itatagal ng buhay mo at ng iyong pamilya sa laro.

Kung titingnan naman ang itsura nito, masasabi mong maayos at maganda ang pagkakagawa sa graphics ng laro. Maganda ang kalidad nito, sapat na upang makita nang detalyado ang ilan sa mga sitwasyon ng pamilya habang nakikipagsapalaran upang mabuhay sa isang nuclear-apocalypse na lagay ng mundo. Isa rin sa nakapagdala sa larong ito ay ang mga entry ng pamilya na makikita sa isang Journal. May pagka-dark humor ang ilan sa mga nakalagay doon at hindi mo maiwasang matawa habang binabasa ang mga iyon. Isa ito sa mga larong sigurado akong kaaaliwan mo.

Tugma rin maging ang ilan sa mga tunog na nilapat dito na para bang tunay kang nasa loob ng sitwasyon ng magkakapamilya. Ilan sa mga ito ang talagang nakapagdadala ng mood na ikaw ay talagang nasa apocalypse na mundo. Ganoon pa man, kahit gaano kaperpekto ang ilan sa mga iyon, mayroon din namang mga nilapat dito na para bang may kakayahang i-distract ka sa paglalaro. Ilan sa mga ito ay ang masakit sa pandinig dahilan upang hindi ka magdalawang-isip na i-mute na lamang ito.

Konklusyon

Kung titingnan ang kabuuang itsura nito, masasabi mong isa ito sa maituturing na klase ng larong pwedeng sa lahat. Kung naghahanap ka talaga ng isang larong susubukin ang iyong survival at decision making skills, isa ang larong ito sa inirerekomenda ng Laro Reviews para sa iyo. Kaya naman, huwag ka nang magdalawang isip pa, i-download mo na ang 60 Seconds! Reatomized!

Laro Reviews