Sa Papa’s Pizzeria To Go! ay matututunan mo kung paano maglagay ng toppings, mag-bake, at maghiwa ng pizza! Maghanda para sa isang multi-tasking na trabaho at kabisaduhin ang bawat istasyon upang makagawa ng masasarap na pizza na magpapabilib sa iyong mga customer. Tutulungan ka ng Laro Reviews na tumuklas ng mga bagong toppings para sa iyong pizza at pagbutihin ang iyong kakayahang pangasiwaan ang lahat ng mga istasyon. Kung magtagumpay ka sa lahat ng istasyon, gagantimpalaan ka para sa lahat ng iyong pagsusumikap at dedikasyon. Kumita ng pera sa pamamagitan ng pagbibigay-kasiyahan sa iyong mga customer at mag-level up para umasenso sa laro!
Ano ang Layunin ng Laro?
Ang layunin ng laro ay bigyang-kasiyahan lamang ang mga customer na bibisita sa Papa’s Pizzeria upang magpatuloy sa laro. Dapat mong kunin ang kanilang mga order at gawin ang mga ito ayon sa kanilang mga kagustuhan at ang uri ng pizza na gusto nila. Ikaw ay gagantimpalaan para sa iyong pagsusumikap at dedikasyon kung ikaw ay nasisiyahan at mahusay na gumaganap sa bawat istasyon. Magagawa mong i-unlock ang toppings at palamutian ang tindahan upang makaakit ng higit pang mga customer. Hindi mo na kailangang mag-alala dahil ang laro ay medyo simple, at ang kailangan mo lang gawin ay mag-toppings, mag-bake, at maghiwa ng pizza sa buong laro.
Paano Ito Laruin?
Ang mga mekaniks ng laro ay sobrang simple at napakadali lamang. Ito ay mahusay na idinisenyo para turuan ang mga manlalaro ng mga pangunahing kaalaman sa paggawa o paghahanda ng pizza. Dito ay kailangan mo lang malaman ang tungkol sa limang istasyon na iyong hahawakan nang mag-isa: order station, lobby, topping station, baking station, at cutting station. Aktibo kang magtatrabaho sa lahat ng limang istasyong ito, kaya sigurado na magmu-multitasking ka pero ang lahat ng ito ay bahagi ng laro at hindi mo kinakailangan makaramdam ng anumang pressure.
Sa Topping Station, dito ka muna maghahanda ng pizza pagkatapos mong magkaroon ng dalawa o tatlong order na nakapila sa order station. Napakasimple lamang mag-topping, kailangan mo lang ilagay ang iba’t ibang toppings sa pizza batay sa kagustuhan ng customer. Nagiging mahirap at mapanghamon ang mga bagay kapag ang customer ay humiling hindi lamang sa uri ng toppings kundi pati na rin kung saan ito ilalagay sa pizza. Upang makagawa ng masarap na pizza, dapat na pantay na ilagay ang mga topping sa bahagi ng pizza kung saan gusto niyang ilagay ang mga sangkap.
Kapag natapos mo na ang paglalagay ng toppings, maaari mong dalhin ang iyong pizza diretso sa oven upang maluto. Responsibilidad mong alisin ang pizza mula sa oven kapag naluto na ito. Matapos alisin sa oven, ibibigay ang pizza sa tabi mismo ng cutting area. Hahatiin mo ang pizza batay sa hinihiling ng customer na hiwa nito. Pagkatapos nito, maaari mo nang ibigay ang pizza at ihain ito sa customer. Ang rewards na matatanggap mo rito ay magmumula sa iyong mga customer. Pagkatapos mong maibigay ang mga order ng mga customer ay magbibigay sila sa iyo ng tips. Kaya kailangan mong husayan ang paggawa ng pizza para mas marami ang tips na ibibigay nila sa iyo.
Paano I-download ang Laro?
Ang mga kailangan para matagumpay na ma-download ang Papa’s Pizzeria To Go! sa mga Android phone ay nag-iiba ayon sa gamit na device. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 8.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay nag-iiba rin ayon sa device at 83.9 MB naman para sa iOS.
Maaari ring i-click ang links sa ibaba upang magkapag-download:
- Download Papa’s Pizzeria To Go! on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=air.com.flipline.papaspizzeriatogo
- Download Papa’s Pizzeria To Go! on iOS https://apps.apple.com/us/app/papas-pizzeria-to-go/id925494667
- Download Papa’s Pizzeria To Go! on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/papas-pizzeria-to-go-on-pc.html
Mga Hakbang sa Paggawa ng Account sa Papa’s Pizzeria To Go!
- Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
- Hanapin ang bersyon ng larong Papa’s Pizzeria To Go! Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
- Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
- Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro Papa’s Pizzeria To Go!
Tips at Tricks sa Paglalaro ng Papa’s Pizzeria To Go!
Ang Laro Reviews ay magbibigay sa iyo ng ilang tips kung paano makukumpleto ang mga gawain sa larong Papa’s Pizzeria To Go! Nakita nating lahat kung gaano kadaling gawin ang mekaniks ng laro. Ang kailangan mo lang gawin ay kumuha ng mga order, maglagay ng toppings sa ibabaw, i-bake ang mga ito, hiwain ito batay sa gusto ng customer, at pagkatapos ay ihain o i-deliver ang mga ito sa iyong mga tapat na customer.
Dapat mong sundin ang gusto ng isang customer ayon sa kanyang panlasa, uri ng toppings at kung saan ito ilalagay. Ang paglagay ng toppings, pag-set ng temperature, at kung paano dapat ang hati ng pizza ang iyong magiging pangunahing prayoridad habang inihahanda ang kanilang mga order. Kung matagumpay mong magawa ang mga layuning ito, hinding-hindi ka mabibigo na makakuha ng malaking tip mula sa kanila na magagamit mo sa pagbili ng upgrades, kasangkapan, at dekorasyon. I-customize ang iyong establisyemento upang makaakit at makahikayat pa ng mas maraming customer. Sundin lamang ang kanilang mga kagustuhan at ihanda ito sa paraang gusto nila.
Related Posts:
Dungeon Princess 2: Offline Dungeon RPG Review
Farm Frenzy Premium: Time Management Game
Pros at Cons sa paglalaro ng Papa’s Pizzeria To Go!
Ang laro ay may maraming magagandang aspeto na pumupukaw sa interes ng mga manlalaro. Ang graphics ay mahusay na ipinakita at mahusay na angkop sa mga maliliit na smartphone device. Ito ay maaari mong dalhin at laruin saan at kailan mo man gusto. Ang mga konsepto at layunin ng laro ay napakadali lamang. Magagawa mong makabisado ang mga pangunahing kaalaman sa paghahanda ng pizza at maranasan ang buhay bilang isang virtual na panadero. Habang umuusad ka sa laro ay maaari mong ma-unlock ang iba’t ibang toppings, dekorasyon at mga upgrade na mas lalo mong kapapanabikan sa laro. Babayaran ka depende sa pagkakagawa mo ng kanilang pizza at kung nasunod mo ba ang kanilang mga kagustuhan.
Maaari mo ring i-customize ang lugar gamit ang mga tip na iyong pinaghirapan. Bumili ng mga dekorasyon at banner para makaakit at mahikayat ang higit pang mga customer at bigyan sila ng rason para muling mag-order sa iyong tindahan at para mas maraming tips ang iyong makuha. Hindi lamang mga dekorasyon sa iyong tindahan ang iyong makukuha kapag nag-level up ka sa laro, maaari ka ring makakuha ng karagdagang mga topping. Matututuhan mo rin kung paano pagbutihin ang time management dito dahil magkakaroon ka ng limang istasyon na ikaw lang mismo ang mamamahala ng lahat.
Ang laro ay angkop para sa lahat ng edad at available para sa mga user ng Android, iOS, at PC. Ang laro ay nangangailangan pa rin ng higit pang improvement sa gameplay nito. Dapat magkaroon ng mga karagdagang upgrades at layunin para mas lalo pang makuha ang interes ng mga manlalaro.
Konklusyon
Ang laro ay napakadali at simple lamang laruin. Halos matututunan mo kung paano maghanda ng pizza at ang mga pangunahing pamamaraan para sa paggawa nito. Ang graphics, gameplay, at music effects ay maayos na na-apply sa laro. Ilang mga pag-aayos at pag-upgrade na lamang ang kinakailangan at siguradong magbibigay ito ng entertainment para sa mga manlalaro.
Laro Reviews