Nagkaroon ng trend sa pagitan ng mga developer ng RPG na mag-publish ng isang larong Auto-Battle mula nang naging isang big hit ang mod para sa DOTA 2. Isa na rito ang Riot Games sa kanilang Teamfight Tactics, Valve sa kanilang Dota Underlords, at marami pang ibang mga gaming company. Ngunit hindi magpapatalo ang Ubisoft Entertainment dahil nakisali rin sila sa Auto Chess mania sa kanilang laro na pinangalanang “Might & Magic: Chess Royale – Heroes Reborn.” Ito ay isang labanan sa pagitan ng daan-daang manlalaro upang maabot ang top rank sa bawat laro. Nilagay ang real-time na PvP arena game sa isang chessboard kung saan kailangan mong gumastos ng mga coin sa bawat labanan.
Magsisimula ang laro sa isang daang players na sasabak sa 1v1 na labanan. Bawat isa sa kanila ay may tatlong mga hero, at matatapos ang iyong laro kapag namatay na silang lahat. Maihahalintulad ito sa battle royale kung saan ang huling player na natira ang mananalo. Talunin ang iyong mga kaaway sa pamamagitan ng pagkitil sa lahat ng kanilang mga unit. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-deploy sa kanila o pagbili ng spell. Ang mga character ay lalaban nang mag-isa, kaya ang kailangan mo lang gawin ay gumawa ng diskarte para talunin ang iyong kalaban. Ang huling laban kung saan ka nakaligtas ay ang iyong ranggo. Samakatuwid, kung may anim na manlalaro na natitira at ikaw ang unang natalo, mapupunta ka sa ika-6 na pwesto.
Magsisimula ka sa tatlong panimulang unit sa iyong bench, depende sa kung anong mga hero ang mayroon ka. Magsimula sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ito sa board. Tinutukoy ng icon sa kaliwang ibaba kung gaano karaming mga unit ang maaari mong ma-deploy. Maaari mong taasan ang level nito sa pamamagitan ng paggastos ng mga coin. Dahil dito, madadagdagan ang mga unit na nais mong i-deploy. Magkakaroon ka rin ng limitadong oras para mag-recruit ng mas maraming hukbo sa Shop o bumili ng spell sa Spell Shop bawat round. Sasalakayin ng unit ang kanilang kalaban ng mag-isa kapag tapos na ang oras. At ang bayani ng manlalaro ay mamamatay kung ang lahat ng kanyang hukbo ay nawala.
Features ng Might & Magic: Chess Royale – Heroes Reborn
Mga Hero– Magkakaroon ka ng tatlo sa iyong koponan. Ang active Hero ay nagbibigay ng mga bonus. Maaari itong magbigay ng Synergy Boost sa Favored Unit kapag nagsimula na ang laban. Kapag namatay ang iyong unang Hero, susunod ang pangalawa. At ang pangatlo ang susunod kapag namatay din sila.
Mga Unit – Sila ang iyong mga pwedeng laruin na character na lalaban sa kabilang koponan, at nahahati sila sa anim na Faction at siyam na Class. Ang mga Faction ay Haven, Necropolis, Sylvan, Fortress, Stronghold, Dungeon. Ang siyam na Class ay Warrior, Assassin, Hunter, Guardian, Colossus, Dragon, Mythical, Mage, at Spirit.
League – Makakakuha ka ng mga tropeo sa tuwing mananalo ka sa labanan. Makatanggap ka rin ng mga gantimpala depende sa iyong mga puntos. At ang 3 star Warlord ang pinakamataas na makukuha mong ranggo.
Saan pwedeng i-download ang Might & Magic: Chess Royale – Heroes Reborn?
Pumunta sa Google Play gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung Apple user ka, at ilagay ang Might & Magic: Chess Royale – Heroes Reborn sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install at hintaying ma-download ang laro.
Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:
Download Might & Magic: Chess Royale – Heroes Reborn on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ubisoft.might.magic.heroes.auto.chess.battle.royale.arena.strategy.game
Download Might & Magic: Chess Royale – Heroes Reborn on iOS https://apps.apple.com/us/app/might-magic-chess-royale/id1489336754
Tips at Tricks sa Paglalaro
Dahil may Auto-Battle gameplay ang laro, hindi mo na kailangan pang kontrolin ang iyong mga unit. Ngunit kailangan mong lumikha ng isang diskarte upang manalo laban sa iyong kalaban. Kaya sundin ang mga tip ng Laro Reviews para sa mga baguhang tulad mo.
Tipirin ang iyong mga coin
Nakakatuksong gumastos para i-recruit ang bawat mga army at bilhin ang bawat spell sa labanan. Ngunit hindi mo kailangang bilhin lahat ng mga unit dahil sampu lamang ang maximum capacity mo, kaya huwag masyadong gumastos.
Related Posts:
Random Dice: Wars Review
Talking Tom Hero Dash Review
Unahin ang Synergies
Maaari kang mag-activate ng effect kung naglagay ka ng mga unit na may parehong faction at class. Lagi silang tingnan at unahin sila sa mga laban.
Pag-upgrade ng Star Levels
Ang pagsasama-sama ng mga magkakatulad na unit ay isang diskarte na kadalasang makikita sa mga larong Auto-Battle. Magagawa mo rin ito sa larong ito gamit ang iyong mga barya. Kapag bumili ka ng tatlong unit, maaari mong pagsamahin ang mga ito sa isang 2-star unit. At kung nagmamay-ari ka ng tatlong 2-star units, maaari mong pagsamahin ang mga ito sa pinakahuling bersyon nito.
Mga Placement ng Unit
Bago i-deploy ang iyong mga army, alamin ang range ng kanilang pag-atake. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagtingin sa mga dilaw na tile kapag inilalagay mo ang mga ito sa board. Ang mga Melee attacker at Tank ay may mas maikling range ngunit mas tumatagal sa labanan, kaya kabilang sila sa frontline. At ang mga unit na may mas mahabang range ng pag-atake ay pinakamainam na ilagay sa likuran upang maiwasang makatanggap ng mga pag-atake mula sa iyong mga kalabang unit.
Pros at Cons ng Might & Magic: Chess Royale – Heroes Reborn
Ang battle royale kung saan kailangan mong labanan ang 99 na iba pang manlalaro sa real-time ay nagdaragdag ng kasabikan sa laro. Ito ay isang makabagong paraan upang magkaroon ng tuloy-tuloy na laban ang mga competitive at casual player. May tatlong slot para sa mga Hero, kaya mas nakakasabik kung ikaw at ang iyong kalaban ay may isa na lang na natitirang buhay. Laging nangyayari sa akin ang ganitong sitwasyon kapag mayroon na lamang sampung manlalaro. Isa na lang ang aking active Hero at gayundin ang aking kalaban, at kung sino ang matalo ay out na sa game. Ang labanan sa pagitan ng top 10 ang pinakamasaya dahil ito ay maihahalintulad sa life or death experience. Ngunit sa laro lamang. Walang nakitang mga pag-crash at bug rito. At mayroon ka ring opsyon na baguhin ang kalidad ng mga graphics kung hindi kaya ng iyong mobile phone ang laro.
Ngunit gaano man kapanapanabik ang gameplay ng battle royale, may kulang pa rin sa laro. Maaari mo itong pagsawaan, dahil sa paulit-ulit na gameplay. Walang mga goal para sa katagalan. At dahil dito, maaring umalis ang mga manlalaro kapag lagi silang nakakarating sa top 5. Mas maganda kung magdadagdag sila ng mas maraming missions at ng mas maraming mode ng gameplay. Maaari itong maging casual at random na pakikipaglaban sa ibang mga player ngunit hindi sa battle royale game mode.
Konklusyon
Maaaring ma-overwhelm ang mga beginner dahil agad kang isasabak sa laro laban sa iba pang mga player. At ang mga kontrol ay maaaring nakalilito sa una. Ngunit masasanay ka rin sa mga ito pagkatapos ng ilang labanan. Ang battle royale ay nagdaragdag ng bagong twist sa gameplay, ngunit maaari silang magdagdag ng higit pang mga mode upang laruin. Inirerekomenda ng Laro Reviews ang larong ito para sa mga tagahanga ng Might & Magic franchise. At mag-e-enjoy ka kung naghahanap ka ng ibang mode ng RPG.
Laro Reviews