Ang Solitaire Tripeaks Magic Games ay isang card game na hango sa Solitaire Tripeaks. Ito ay unang inilabas noong Disyembre 29, 2018 ng Card Games Inc. Sa kasalukuyan, nakapagtala na ito ng mahigit sa 500,000+ na downloads sa Google Play. Ito ay isang offline card game na hindi mo dapat palampasin.
Ang mechanics ng solo-player game na ito ay katulad din ng Solitaire Tripeaks, subalit ito ay may kakaibang mga twist. Ang layunin ng mga manlalaro ay tulungan si Winnie at ang kanyang kaibigang si Wilbur na mailigtas ang Witch Kingdom. Para magawa ito, kailangang malampasan ang mga hamong hango sa Solitaire Tripeaks card game.
Paano I-download ang Laro?
Sa kasalukuyan, ang larong ito ay nasa beta testing stage pa lamang upang masubukan ang bagong features nito. Hindi pa ito available sa App Store kaya hindi ito malalaro gamit ang mga iOS device. Samantala, kung ikaw ay naman ay Android device user, makukuha ang laro sa pamamagitan ng pag-download ng app mula sa Play Store. Kung nais mo namang maglaro gamit ang laptop o desktop, maaari mong i-download ang APK file nito sa iyong computer at i-run gamit ang isang Android emulator. Para hindi ka na maabala pa, maaari mong gamitin ang mga sumusunod na link mula sa Laro Reviews:
Download Solitaire Tripeaks Magic Games on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ntg.solitaire.witch
Download Solitaire Tripeaks Magic Games on PC https://apkfab.com/solitaire-wonderland-adventure/com.ntg.solitaire.witch
Ultimate Guide para sa mga Manlalaro
Hindi tulad ng mga karaniwang solitaire, dadalhin ka ng Solitaire Tripeaks Magic Games sa isang mahiwagang mundong puno ng kakaibang mga hamon. Kasama ng witch na si Winnie at kanyang Persian cat na si Wilbur, kailangan ninyong mailigtas ang Witch Kingdom mula sa pagkawasak. Sasabak ka sa isang mahiwagang paglalakbay para makuha ang Philosopher’s wand mula sa masamang dragon na si Skrill.
Ang layout ng cards sa tableau ay ibang-iba kung ikukumpara sa Solitaire Tripeaks, hindi kasi ito nakaayos ayon sa pyramid pattern. Ito ay patuloy na nag-iiba sa bawat level at mas nagiging challenging. Hindi ka magsasawa at mabuburyong dahil ito ay may daan-daang game levels. Bukod dito, regular ding nagdaragdag ng bago at kapanapanabik na levels ang developers nito. Mayroon itong featured special cards na maaaring magamit para sa iyong kalamangan o maaaring maging sanhi ng iyong pagkatalo.
Kahit na pwede ka ditong maglaro “as a guest” mas mainam gumawa ng game account upang hindi mawala ang iyong game progress at makakuha ng mga eksklusibong bonus. Para magawa ito, i-click ang settings icon na matatagpuan sa kaliwang-itaas na bahagi ng iyong gaming screen. Makikita rito ang Facebook login button, i-click lang ito at i-link ang iyong account.
Bago simulan ang iyong mahiwagang pakikipagsapalaran, narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat mong malaman tungkol sa laro:
- Gameplay
Sa simula ng laro, mapapansin mo ang tatlong card piles sa iyong gaming screen. Ang tableau ay tumutukoy sa card pile na nasa gitna. Upang manalo, dapat mong mailipat ang lahat ng cards na nasa tableau sa discard pile sa pamamagitan ng pag-tap sa linked card. Kailangan ding abangan at hindi dapat palampasin ang random na paglabas ng libreng special cards. Bukod dito, may ilang puzzle games din na tampok sa laro at kailangan mong i-solve ang mga ito upang makumpleto ang special tasks.
- Features
Sa bahaging ito, tatalakayin natin ang natatanging features ng laro. Sa pamamagitan ng pag-click ng Chest icon, makikita ang in-app packages na pwede mong bilhin. Subalit, hindi ibig sabihin nito ay kailangan mong gumastos para malaro ito. Ang Solitaire Tripeaks Magic Games ay free-to-download at free-to-play. Kailangan mo lang gamitin ng maayos ang libreng game resources na iyong makukuha.
Ang bilang ng natitirang life points at total amount ng diamonds na iyong nakuha ay makikita rin sa kaliwang-itaas na bahagi ng iyong gaming screen. Habang ikaw ay nagli-level up sa laro, magagawa mong i-unlock ang iba pang special features tulad ng wild cards, wands at fireballs. Samantala, ang Chapter, Inbox, Leaderboard at Guild icons naman ay makikita sa ibabang bahagi ng gaming screen.
Sa pamamagitan ng pag-click ng Chapter icon, makikita ang featured maps at chapters sa laro. Ang Inbox naman ay naglalaman ng mahahalagang mensahe kung paano makakakuha ng karagdagang diamonds. Maaari namang ma-access ang Leaderboard kapag narating mo na ang Level 12. Dito makikita ang kabuuang ranking ng mga manlalaro. Kapag nakarating ka na sa Level 22, magkakaroon ka ng pagkakataon na makasali sa isang guild at makapaglaro kasama ang ibang players.
- Boosters, Power-ups at Hazard Cards
May Booster cards at Power-ups na bibihirang lumalabas sa laro. Huwag palampasin ang bawat pagkakataong makakuha ng libreng items. Ang mga ito ay malaking tulong upang manalo sa laro. Maliban sa pag-aabang ng random na paglitaw ng mga ito, pwede ka ring bumili gamit ang diamonds o kaya ay manood ng ads. Upang hindi kaagad maubos ang iyong in-game resources, gamitin lamang ang mga ito kapag talagang kinakailangan na. Tandaan na bukod sa special cards na ito, may hazzard cards din na lumilitaw paminsan-minsan. Hindi katulad ng mga naunang nabanggit, ang mga ito ay nagdudulot ng karagdagang hamon sa laro.
Pros at Cons ng Solitaire Tripeaks Magic Game
Maraming manlalaro ang nahuhumaling sa Solitaire Tripeaks Magic Game dahil ang mechanics nito ay madaling matutunan at talagang nakakaaliw. Ang graphics at animations nito ay makulay, de-kalidad at nakakalugod panoorin. Ang bago nitong features ay kakaiba at ginawang mas exciting pa! Ang game controls ay gumagana ng maayos at smooth gamitin.
Gayunpaman, may mga isyu at problema pa ring dapat ayusin sa larong ito. Marami ang nagrereklamo tungkol sa ilang technical issues tulad ng glitches, biglaang pagla-lag at pagka-crash. Medyo nakakadismaya rin ang kawalan ng Undo option sa larong ito. Hindi kasi maiiwasan na minsan ay magkamali sa kalagitnaan ng paglalaro at nakakalungkot isipin na hindi mo na ito mababago pa. Ang game resources ay nagiging limitado sa mga mataas na game levels. May mga pagkakataon ding hindi gumagana ng maayos ang reward system ng laro dahil marami ang hindi nakakatanggap ng pinaghirapan nilang rewards.
Konklusyon
Ang Solitaire Tripeaks Magic Games ay may average rating na 4.6 stars mula sa 15,000+ reviews sa Play Store. Tulad ng nabanggit, ito ay kasalukuyang nasa beta stage. Kaya inaasahan talagang mayroon pa itong mga isyu na kailangang masolusyunan. Sa kabuuan, iminumungkahi ng Laro Reviews na kung gusto mong magkaroon ng mas mahusay na gaming experience, kailangan mong hintayin na matapos ang beta testing at mailunsad ang official version ng app bago ito subukan.