Maraming mga Nintendo fan ang nahilig sa mga Mario Kart game dahil sa maaari nilang magamit ang kanilang mga paboritong karakter sa isang racing game. Ang Super Mario Kart ay ang unang video game. Inilabas ito noong 1992, at maaari mo itong malaro sa SNES. Ang unang laro ay may simple ngunit magandang mga graphics, at bumuti ito habang nag-improve ang console ng Nintendo. Noong nakaraang 2019, inilabas ang Mario Kart Tour sa Google Play Store at App Store.
Ito ay batay sa mga larong Mario Kart na maaari mong laruin sa mga console ngunit sa isang mobile phone. Makikipag-karera ka sa iba’t ibang track, at magkakaroon ng mga item box na magbibigay sa iyo ng item. Maaari nitong mapalakas ang iyong kart o atakihin ang iyong mga kalaban. Dahil ito ay isang racing game, ang iyong layunin ay maunahan silang lahat sa finish line.
Features ng Mario Kart Tour
Drivers – Ito ang mga karakter mula sa franchise ng Mario na magda-drive sa iyong mga kart. Ang kanilang skill ay nakadepende sa bawat unit, at kung minsan ito ay batay sa kanilang disenyo. Halimbawa, ang skill ni Bowser ay tinatawag na Bowser’s Shell.
Karts – Ano ang silbi ng karera kung walang kart? Ito ang iyong mga sasakyang ginagamit sa isang karera. Ang laro ay may higit sa 200 mga disenyo, at mayroon din silang iba’t ibang mga skill tulad ng jump boost.
Gliders – Ang mga sasakyang panghimpapawid na ito ay magpapalipad sa iyong mga driver sa hangin tuwing sila ay mawawala sa track. Mayroong higit sa 140 glider sa laro, at bawat isa sa kanila ay may special skill na nagbo-boost sa partikular na item sa karera.
Race Cups – Ito ang tatlong kurso at isang bonus na hamong maaari mong laruin. Makakatanggap ka ng mga star bilang gantimpala matapos ang laro, at depende ito sa mga nakuha mong mga puntos sa karera. Ang kanilang mga pangalan ay batay sa mga cast ng Mario franchise tulad ng Mario Cup, Diddy Kong Cup, Toad Cup, at marami pa.
Challenges – Ito ang mga task na maaaring gawin ng mga manlalaro, at makakatanggap sila ng mga badge tuwing magagawa ito. Ang bawat isa sa mga hamong ito ay may siyam na mission, at makakatanggap ka ng mga gantimpala kapag nakumpleto mo ang lahat ng ito.
Saan pwedeng i-download ang Mario Kart Tour?
Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS user ka, at ilagay ang Mario Kart Tour sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying mai-download ito.
Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:
Download Mario Kart Tour on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.nintendo.zaka
Download Mario Kart Tour on iOS https://apps.apple.com/us/app/mario-kart-tour/id1293634699
Download Mario Kart Tour on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/mario-kart-tour-on-pc.html
Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang BlueStacks emulator mula sa kanilang https://www.bluestacks.com. Kompletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.
Tips at Tricks sa Paglalaro
Palaging suriin ang iyong mga bonus login araw-araw. Ito ay magiging isang mahabang proseso dahil aabutin ka ng maraming oras. Ngunit sulit ang mga gantimpala na makukuha mo sa iyong pagsisikap. Maaari kang makatanggap ng mga coin at ruby, kaya magtakda ng oras upang kunin ang mga ito kahit na natatamad kang maglaro. Ang mga ruby ang ginagamit para sa pag-fire ng mga pipe kung saan maaari kang makakuha ng mga gliders, kart, at iba pang mga bagay depende sa iyong swerte.
Related Posts:
Bleach: Brave Souls Anime Game Review
Kids vs Zombies: Donuts Brawl (Early Access) Review
Ang pag-master ng mga kontrol ay depende sa iba’t ibang manlalaro. Kung ano ang gumagana sa iyo ay maaaring hindi gumana para sa iba, kaya i-customize ang mga ito batay sa kung ano ang akma para sa iyo. Kung isa kang klasikong racing gamer, maaari mong piliin ang Manual Drift para magmaneho gamit ang mga button sa iyong screen. Maaari mo ring i-on ang Steer/Drift Button Display para ipakita ang mga kontrol. Ang isa pang opsyon ay ang Gyro Handling, kung saan itatabingi mo ang iyong device para ma-steer ang iyong kart. Mahalagang isaalang-alang ang comfort kapag naglalaro ng racing game dahil maaari itong makaapekto sa iyong performance. Kung nilalaro mo ito sa isang malaking screen tulad ng isang tablet, mas mahusay na gumamit ng landscape mode. Masisiyahan ka sa mas magandang view ng karera, at maaabot mo ang steering button sa iyong screen.
Kapag na-unlock mo na ang Challenges sa pamamagitan ng pag-clear ng limang cup, suriin ang lahat ng mga gawain na dapat mong gawin. Iminumungkahi ng Laro Reviews na bigyang-prayoridad ang mga malapit nang mag-expire. Ang ilan sa kanila ay may mahahalagang reward kapag nakumpleto mo na ang lahat ng siyam na hamon, kaya huwag balewalain ang mga ito.
Pros at Cons ng Mario Kart Tour
Naiparanas ng Mario Kart Tour ang kapanapanabik na karerahan sa laro. Mayroon itong iba’t ibang mga race track na pwede mong mapuntahan. Kakaibang racing game ang malalaro mo dahil sa mga items. Makukuha mo ang mga ito sa mga item box. Hindi ka magiging sigurado kung mananalo o matatalo ka sa laro dahil pwede mong atakehin ang iyong mga kalaban. Parte ng laro ang pagbabato ng bomba sa kanila, kaya hindi mo ito matatawag na pandaraya. Hindi rin magpapatalo ang mga graphics nito. Mas nakaka-enjoy maglaro sa landscape mode dahil sa ganda ng view na makikita mo. Masaya ring panoorin ang animation ng iyong karakter matapos ang karera. Gumawa rin ng effort ang developer sa sound effects nito. Tuwing mapupunta ka sa ilalim ng tubig, mapapansin mong mag-iiba ang quality ng music.
Kung nasanay kang maglaro sa console, maninibago ka sa larong ito. Maaari kang mahirapan na masanay sa pagmamaneho ng kart. Magandang bagay na pinapahintulutan ka ng larong mag-practice sa pagkontrol nito, ngunit may mga pagkakataong mahihirapan ka pa rin dito. Dahill hindi ka mahuhulog sa track, maaaring mawala ang thrill sa laro. Mas magiging kapanapanabik ang larong ito kung alam mong nakataya ang kaligtasan ng iyong kart.
Konklusyon
Hinahayaan ka ng Mario Kart Tour na malaro ang Mario Kart game sa iyong mobile phone. Hindi lahat ng tao ay kayang makabili ng Nintendo Switch, ngunit pinapayagan nito ang mga manlalaro na maranasan ang kasiyahan habang nilalaro ito. Gayunpaman, maaaring hindi nito maibigay ang lahat ng feature ng Mario Kart sa console. Para sa Laro Reviews, ito ay isang disenteng racing game. Inirerekomenda ito para sa mga Nintendo fan na mobile phone lamang ang kayang mabili.
Laro Reviews