Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Early Access) Review

Ang CCG, o collectible card game sa direktang kahulugan nito, ay isang laro kung saan ang mga manlalaro ay mangongolekta ng cards sa isang private library at dito nila iaayos ang kanilang customized deck of cards at makikipaglaban sa ibang manlalaro. Dahil sa maraming laro ang sumasailalim sa kategoryang CCG, ang kahulugan nito ay nagkakaroon ng pagkakaiba-iba.

Ang basic explanation ng laro ay para bumuo at laruin ito bilang mga trading card sa pamamagitan ng pagma-mass-produce nito o di naman kaya ay upang maging isang koleksyon at magkaroon ng isang tactical gameplay guidelines.

Ang Collectible Card Games ay tumutukoy sa laro kung saan ang mga manlalaro ay gagamit ng stack of cards, na binebenta rin sa iba’t ibang random bundles. Lahat ng cards sa laro ay mabibili ng limitado lamang.

Isa sa mga bagong released CCG sa ngayon ang Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access) na tatalakayin ng Laro Reviews sa artikulong ito, kaya magpatuloy sa pagbabasa hanggang dulo upang makakuha ng sapat na kaalaman sa ganitong uri ng laro.

Layunin sa Paglalaro ng Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access)

Ang pangunahing layunin sa larong Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access) ay ang talunin ang kalabang manlalaro sa pamamagitan ng pagbuo ng customized decks at paggamit ng card efficiencies na nakalagay dito. Ang mga subtle deck ay gumagamit ng supplementary at ito ay maituturing na effective cards na responsable rin sa pagkakaroon ng unpredictability na nabubuo sa pamamagitan ng preliminary shuffling ng deck at sa mga hakbang ng kalaban.

Ang gameplay sa kabuuan ay turn-based at ang bawat manlalaro ay magsisimula na mayroong shuffled deck, drawing, paglalaro ng cards sa bawat pagtira upang atakihin ang kalaban, at kasama rin ang pagpapababa ng health marks ng kalaban hanggang sa maging zero ito bago pa ito magawa ng kalaban mo sa iyo. Ang mga manlalarong bihasa na sa paglalaro ay maaaring sumali sa PvP modes upang lumaban at makakuha ng mga premyo.

Features ng Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access)

Ang Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access) ay mayroong mahigit 25 iconic heroes na maaaring mapagpilian ng mga manlalaro. May higit sa 25 spells na maaaring saliksikin sa larong ito at gamitin ang active skills ng mga hero sa matalinong paraan. Bawat hero ay may 20 exciting levels ng progreso. Maaaring makipagtunggali ang mga player sa iba’t ibang PvP modes. Magkakaroon ka ng napakaraming one-of-a-kind spell cards sa iyong mga kamay na makakatulong na mabago ang kahihinatnan ng bawat labanan. Ang mga hero at cards ay maaaring i-mix and match. Simulan ang paglalaro at mawili sa exciting na mundo ng Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access).

Pagsisimula sa Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access)

Ang mga manlalaro ng Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access) ay magsisimula sa isang pre-made introductory deck at kalaunan ay gagawa ng custom deck na may random collection ng cards na makukuha sa pamamagitan ng booster bundles o sa pakikipag-trade sa ibang manlalaro hanggang sa unti-unting mabuo ang partikular na mga catalog ng cards. Habang lumalago ang collection ng cards ng isang manlalaro, magagamit nila ito upang makagawa ng bagong decks mula sa baba pataas. Ang mga manlalaro ay hahamuning makabuo ng deck sa ilalim ng mga pagsubok na dala ng guidelines ng laro na siyang mag-o-overrule sa decks na gawa ng iba pang manlalaro. Ang larong ito ay karaniwang nilalaro ng dalawang manlalaro, gayunpaman, ang multiplayer modes ay hindi rin magpapahuli.

Pag-download ng Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access)

Maaaring i-download ang Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) sa Google Play Store para sa Android devices lamang at hindi pa ito available sa App Store para sa iOS devices. Kailangang gumamit ng emulator upang ma-enjoy ang laro sa PC.

Maaaring i-download ang laro rito:

Download Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access) on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.rokotgames.regheroes

Download Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access) on PC https://www.gameloop.com/game/card/com.rokotgames.regheroes

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG)

Ang Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access) ay mayroong specific set ng guidelines na bumubuo sa layunin ng mga manlalaro sa paglalaro nito, sa card classifications ng laro, at sa mga alituntunin kung paano gagamitin ang mga card sa laro. Bawat card ay naglalaman ng content na nagpapaliwanag kung paano ito nakakaapekto sa laro.

Bilang karagdagan, bawat laro ay may unique aspect na nabubuo mula sa partikular na genre, setting o set ng mga karakter. Ang reference elements ay nakaayos at nakalagay sa cards at ang game features ng card ay may kaugnayan sa topic. Karamihan sa cards ay pagsasalarawan ng mga karakter at enchanting spells mula sa mundong ito.

Ang Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access) ay nilikha sa loob ng isang resource system na kumokontrol sa bilis ng bawat laban. Ang mga card na bumubuo sa deck ng manlalaro ay itinuturing na resource na may intensity kung saan ang mga card ay gumagalaw mula sa deck patungo sa playground kung kaya’t ang paggalaw ng mga manlalaro ay nagiging limitado at mahigpit na kinokontrol ng regulasyon ng laro. Ang percentage o type ng resources na kinakailangan sa paglalaro ng card ay kadalasang bumabalanse sa comparative card strength at progreso, pagkatapos nito ay maaring matiyak na ang mga stream ng baraha ay sumusubok na lumipat papasok o palabas ng laro.

Pros at Cons ng Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access)

Ang pagpapahintulot sa mga manlalaro sa pag-customize ng kanilang encounter ay isa sa maituturing na key points ng larong Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access). Ang pinakasimpleng paraan ay ang pagkakaroon ng deck structure kung saan ang mga manlalaro ay pipili ng cards. Makakamit ito mula sa larong nagpapahintulot sa mga manlalaro na lumikha, mag-develop o gumawa ng estratehiya mula sa predetermined set ng skills. Sa isang banda, ang mga manlalaro ay may restriction at hindi magagamit ito nang sabay-sabay, kaya dapat piliin nila kung alin ang gagamitin.

Sa paglalaro ng Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access), kasama na ang gameplay, hindi maaaring lumihis mula sa setup o magdagdag ng anumang materyal. Dahil dito, maituturing ng Laro Reviews na ang gameplay nito ay base sa CCG layout sa pinakasimpleng ayos nito.

Mapapansin na ang core game systems sa genre na ito ay hindi rin nade-develop sa kabuuan ng paglalaro. Kung ano ang makikita sa unang mga minuto ng paglalaro ay siya ring makikita sa kabuuan ng paglalaro.

Konklusyon

Hindi katulad ng mga karaniwang conventional card na laro kung saan ang composition ng deck ay confined o predefined, ang Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access) ay nagpapahintulot sa mga manlalarong pumili ng card na bubuo sa kanilang deck sa kung ano ang available na nakalagay sa cards. Ito ay nagbibigay sa mga manlalaro ng pagkakataon upang makabuo ng taktikang gagamitin sa pagbuo ng deck upang magkaroon ng higit na advantageous card interplay, pairings, at statistical data.

Para sa mahihilig sa mga larong nagbibigay ng pagkakataong makapag-customize, ang Regular Heroes – Steampunk Card Game (CCG) (Easy Access) ay maaaring maikonsiderang subukan.