Tower Hero – Tower Defense Review

Sa dinami-rami ng mga tower defense game na kaya mong malaro, malamang ay iisa lamang ang gameplay na maiisip mo. Magtatayo ka ng mga toreng lalaban sa mga kaaway tulad ng mga goblin. Mayroon silang path na daraanan, at kailangan silang mapatay bago makarating sa dulo. Ngunit sa Tower Hero – Tower Defense ng Block Stack, iisa lamang ang daraanan ng mga kaaway. Iilan lamang ang iyong mga tower, ngunit maaari mong dagdagan ang mga hero na magdedepensa sa iyong bayan. Magiging kasing ganda kaya ito ng ibang mga tower defense game? Alamin sa artikulong itong mula sa Laro Reviews.

Sa pagsugod ng mga halimaw sa inyong bayan, dinakip nila ang ilan sa mga mamamayan nito at sinira ang inyong lugar. May isang hero ang dumating para iligtas ito mula sa mga mananakop. Kailangan mong palakasin ang inyong depensa sa pagle-level up ng mga hero, mga makina, at ilang mga tower. Hindi lang ito ang dapat mong gawin dahil maaari mo ring paunlarin ang inyong bayan sa pag-upgrade ng mga gusali rito. Sa iyong pakikipagsapalaran, makakatagpo rin kayo ng mga dalagang binihag ng mga halimaw. Iligtas sila upang makamit ang Ending. Maaari mo ring makita ang Real Ending kapag na-max mo na ang kanilang favorability.

Features ng Tower Hero – Tower Defense

Wave Battle – Ang casual na labanan kung saan makakatagpo ka ng mga kaaway sa iba’t ibang waves. Maaari mong i-on ang auto-battle upang magpatuloy sa susunod na wave. Maaari mo ring pabilisin ang laban. Lalakas ang iyong mga kaaway habang sumusulong ka sa laro.

Recapture Battle – Nilusob ng Absolute Lord Cayron ang mga village. Ang iyong misyon sa mode na ito ay ang palayain at itayo ang mga itong muli. Sa lugar na ito mo rin pwedeng itanim ang World Tree na nagbibigay ng effects at mga reward kapag na-clear mo ang mga halimaw.

Rescue Battle – Labanan ang iba’t ibang halimaw sa bawat yugto. Makakakilala ka ng isang dalagang nakakulong sa isang tore habang papasok ka sa level ng boss. Tapusin ang yugtong ito para iligtas sila.

Occupational Battle – Magkakaroon ng labindalawang yugto sa mode na itong may hanggang dalawampung kabanata. Ang kanilang kahirapan ay maaaring Normal, Difficult , Very Difficult, at Hell. Makakakuha ka ng mga star sa tuwing mananalo ka, at magagamit mo ang mga ito upang magbukas ng isang treasure box.

Dungeon – Ang lugar kung saan ihuhulog ng bawat boss ang iba’t ibang loots. Ang Devil Advent ay maghuhulog ng mga item, ang Legendary Miner naman ay maghuhulog ng mga ore, ang Golden Goblin ay maghuhulog ng mga coin, at ang Crystal Golems ay maghuhulog naman ng mga gem.

Boss Dungeon – Wala nang ibang halimaw dahil kakalabanin mo lang ang mga boss dito. Lalabanan mo sila sa isang levelled tower. Kung mas mataas ang level, mas magiging malakas ang mga kalaban. Kakailanganin mo ang isang susi upang buksan ang bawat yugto. Makukuha mo ang general reward nang libre, ngunit kailangan mong bilhin ang mga advanced reward gamit ang iyong pera.

Saan pwedeng i-download ang Tower Hero – Tower Defense?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone, at ilagay ang Tower Hero – Tower Defense sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintayin itong mai-download.

Narito ang link kung saan mo maaaring mai-download ang laro:

Download Tower Hero – Tower Defense on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.blockstack.tophero

Download Tower Hero – Tower Defense on PC https://www.fibonair.com/en/games/download-51804-tower-hero-tower-defense/pc

Tips at Tricks sa Paglalaro

Sundin ang mga tip sa artikulong ito upang mas mapadali ang iyong karanasan sa pag-grind.

Iligtas ang mga dalaga

Pumunta sa Rescue Battle at talunin ang boss sa yugtong iyon. Siguraduhing pataasin ang kanilang favorability upang makatanggap ng mga buff. Ang mga epektong ito ay makakatulong sa labanan at sa iyong ekonomiya.

Hanapin ang Dedicated Hero

Bago i-mount ang anumang mga item, armas, o pet, palaging tingnan ang kanilang Dedicated Hero upang itugma ang kanilang mga skill sa kanila.

I-upgrade ang tamang equipment

Maaaring mapalitan ang lahat ng mga item, kaya masasayang lamang ang mga resource kapag na-max out mo ang isang mas mababang uri ng armas. Hintaying i-mount ang higher grade equipment at saka ito i-reinforce

Mag-grind sa Dungeon Battle

Madaling makakuha ng mga resource sa Wave Battle, ngunit maaari kang makakuha ng higit pang mga item sa Dungeon Battle. Hindi limitado ang pakikipaglaban dito, kaya mag-grind sa pinakamahirap na labang kaya mong talunin ng ilang beses. Wala itong auto-battle, kaya kakailanganin mong mag-click muli kapag tapos ka na.

I-level up ang Castle

I-invest ang iyong mga coin sa pagli-level up ng iyong Castle. Hindi lamang nito maa-unlock ang iba pang mga hero, ngunit tataas din ang HP at pag-atake nito.

Pros at Cons ng Tower Hero – Tower Defense

Ang pagiging offline nito ang isa sa mga magagandang bagay sa laro. Hindi mo kailangan ng internet connection para ma-enjoy ito. Makakatanggap ka rin ng reward kahit na hindi ito nilalaro. Kung pag-grind din ng mga resource ang kailangan, hindi ka rito mahihirapan. Nakakuha ako ng tatlong milyong coins nang wala pang isang oras. Hindi ka rin mahihirapang mabawi ito, dahil maiipon mo ito sa bawat segundo. Kumpara sa ibang mga mode, pwede mong ulit-ulitin ang paglalaro sa Dungeon Battle. Kung kulang ang iyong mga item, malaki ang maitutulong nito. Maaari ring maka-summon ng mga box na naglalaman ng item at pet dahil hindi imposibleng mag-grind ng mga gem para rito.

Gayunpaman, may mga ilang bagay pa rin itong maaaring idagdag sa susunod na upgrade. Wala masyadong silbi ang arena kundi ipagkumpara ang iyong score sa ibang mga player. Mas maganda kung mayroon itong league na matatapos sa bawat season. Kung sino man ang nakakamit ng mataas na pwesto sa rank ay makakatanggap ng reward. Mas magiging kapanapanabik ang iyong paglalaro kung alam mong may makukuha ka sa mga pagsisikap na ginawa mo. Pwede rin nilang idagdag ang PvP battle upang makipaglabanan sila sa mga ibang player. Dahil dito, maipagkukumpara mo ang iyong galing.

Konklusyon

Hindi basta-basta ang larong Tower Hero – Tower Defense, at marami itong mga feature na maibibigay. Bukod sa pakikipaglaban sa mga halimaw, kailangan mo ring pamahalaan ang iyong bayan sa pagtatayo ng mga gusali. Para sa Laro Reviews, nababagay ang larong ito sa mga player na mahilig sa tower defense na mahilig mag-grind ng mga resource at walang internet connection. Gayunpaman, sa Android mo lamang ito malalaro.