Iron Marines: RTS Offline Game Review

Ang Iron Marines: RTS Offline Game ay isang real-time strategical at tower defense game na binuo ng Kingdom Rush. Upang maprotektahan ang mga tirahan sa planeta mula sa hukbo ng kaaway na pawang mga alien, ang mga manlalaro ay may misyong pakilusin ang isang natatanging hero at isang selection ng mga grunt squad.

Habang ang laro ay nagtuturo sa iyo ng mga pangunahing kaalaman sa unang mga antas, karamihan ng mga misyon ay mga biglaang aksyon na.

Ang Layunin ng Laro

Ang layunin ng laro ay tapusin ang lahat ng level at talunin ang lahat ng mga kalaban. Kailangan mong ipagtanggol ang iyong tore at mag-survive sa bawat antas.

Ikaw, bilang isang manlalaro, ang magiging tagapagligtas ng mga tao mula sa alien invasion.

Iron Marines – Paano Simulan ang Paglalaro?

Sa larong ito, maglalaro ka bilang kapitan ng titular marines na matatagpuan sa malalim na bahagi ng kalawakan.

Aatasan kang ipagtanggol ang mga pamayanan ng tao mula sa sumasalakay na puwersang extra-terrestrial. Habang umuusad ang laro, bibigyan ka ng mga karagdagang tools na gagamitin para magawa ito.

Ang hero unit ang iyong pangunahing sandata. Sila ay matatag, pangmatagalan, at may mga partikular na talento o skills na magagamit sa labanan. Mayroon kang isang seleksyon ng mga sundalo upang sumama sa kanila. May mga grenade lumping mechanics na naghahagis ng nakamamatay na apoy, sniper at rangers. Habang nagkakaroon ka ng progreso sa laro, bubuo ka ng iyong hukbo at pahuhusayin pa ang iyong heroes.

Gaya ng maaaring asahan mula sa lumikha, may tower defense rin sa larong ito. Ngunit huwag ma-turn off dito. Marami ritong sorpresa at mga dapat asahan.

Ang mga misyon ay nangangailangan ng mga malalayong pagtawid at pagtupad sa mga layunin. Kailangang protektahan ang mga naka-ilaw na base, bantayan ang mga installations, at talunin ang mga kalaban. Kapag mayroon kang pera, magtayo ng outposts ng machine gun at tawagin ang iyong hukbo sakay ng mga espesyal na sistema ng transportasyon.

Iron Marines: RTS Offline Game – Paano i-download ang Laro?

Ang Iron Marines: RTS Offline Game ay isang may bayad na laro para sa parehong mga Android at iOS devices. Maaari mong i-download at bilhin ang mga ito sa Google Play store at App Store o maaari mong i-click ang links sa ibaba:

  • Download Iron Marines: RTS Offline Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ironhidegames.android.ironmarines
  • Download Iron Marines: RTS Offline Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/iron-marines-rts-offline-game/id1056920931

Ang laro ay pwede para sa siyam na taong gulang pataas. Hindi ito inirerekomenda sa mga batang may mas mababang edad dahil sa karahasan na ipinapakita sa mga kaganapan o pangyayari sa laro.

Mga Hakbang para Gumawa ng Bagong Account sa Laro

Dahil ito ay isang bayad na laro, tiyak na kakailanganin mong mag-login sa Google Play Store o App Store upang bilhin ang laro. Kakailanganin rito ang mga detalye ng iyong bank o Paypal account upang makapagbayad.

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Iron Marines

Ang mga sumusunod na mungkahi ay makatutulong para sa mabilis na pag-aadjust sa tungkulin bilang isang komandante na magbibigay-daan para makapaglaan ka ng mas maraming oras sa pagliligtas ng buhay ng mga tao at mas kakaunting oras sa pagbawi o pag-regenerate ng life.

May ilang partikular na layunin sa Iron Marines: RTS Offline Game na mas fixed at may tower-defense style. Gugugulin mo ang karamihan ng oras sa laro dahil sa paglilipat ng iyong mga pwersa sa pagitan ng mga mahahalagang rehiyon at pakikipaglaban habang nasa daan. Hanggang sa literal kang lumakad sa mala-ulap na digmaan. Sasaklawin nito ang karamihan sa lugar na nagpapahirap sa pagtukoy kung gaano karaming mga kalaban ang nakatago sa malapit.

Dahil dito, gusto mong maging maingat habang inililipat ang iyong units sa mga hindi pa tukoy na lokasyon. Ang mga ito, gayundin ang iyong hero, ay hindi maaaring umatake habang sila ay gumagalaw. Samakatuwid, ang pagpapadala sa lahat ng tao sa madilim na lugar ay maaaring magresulta sa isang ambush.

Maglaan ng maliliit na distansya gamit ang isa o dalawang units nang hindi nagsasabay-sabay ang pananatili ang isang backup unit sa loob ng saklaw na nakatayo lang at hindi gumagalaw. Ilipat ang backup unit sa unahan ng iyong frontline na pwersa habang sila ay papunta sa kanilang destinasyon at ipagpatuloy ang paraang ito hanggang sa matapos mo ang lahat sa iyong misyon.

Dahil sa kanilang kakayahang manatili nang mas malayo sa likod habang nananatili sa loob ng saklaw, ang mga snipers ay nagbibigay ng mahusay na cover para sa mga gumagalaw na troops. Samantala, ang iyong hero ay isang mahusay na opsyon para samahan ang mga frontliners.

Kapag nasigurado mo ng ligtas ang isang bahagi ng mapa, huwag mag-atubiling ilipat ang lahat ng iyong units nang sabay-sabay. Sa pamamagitan ng pag-double-tap sa isang unit, mapipili mo ito pati na rin ang anumang karagdagang malapit na tropa. Ididirekta ang lahat ng napiling tropa na lumipat sa posisyong iyon kapag nag-drag ka pagkatapos ng double tap. Hanggang sa mag-tap ka ng isang unit, mananatiling naka-select ang lahat ng iyong piniling mailipat. Kung ang iyong snipers ay nasa likuran, ang pag-usad ng lahat ng units ay magiging sabay-sabay ngunit hindi nito mapananatili ang mga maiiwang snipers sa lokasyong itinalaga sa kanila.

Tandaan na maaari mong baguhin ang oryentasyon ng unit anumang oras sa pamamagitan ng pag-drag nito sa isang bagong lokasyon. Maaari mong i-drag ang unit mula sa orihinal na lokasyon nito upang mahinto ang progreso ng pag-unlad kung sakaling hindi sinasadyang ma-overshoot ang pagkakalagay nito.

Maaari mo ring hilahin ang iyong mga sundalo pabalik sa iyong kinalalagyan. Gabayan mo ang kanilang dadaanan para makaiwas sa mga hadlang habang sinusubukan nilang makabalik. Sa halip na kaladkarin ang isang unit sa upang ikutan ang mga barrier, direktang i-drag ito sa gusto mong paglagyan at hayaan ang pathfinding feature na ang magturo ng mga daraanan nila.

Maaari mong ulitin ang mga yugto ng maraming beses hangga’t gusto mo para sa credits, techpoints, at Hero EXPs. Kung gusto mong i-level up ang isang hindi nagamit na hero o magpakitang-gilas para sa ilang higit pang mga antas ng pananaliksik, ito ay isang magandang opsyon.

Sa larong ito rin ay padadalhan ka ng refineries ng Etherwatt na isang berdeng pera. Hangga’t mayroon kang refineries, awtomatiko itong mina at pupunuin ang iyong metro sa paglipas ng panahon. Maaaring kolektahin at iimbak ang mga ito ng maramihan kung nagmamay-ari ka ng mas maraming refineries.

Related Posts:

Life Challenges: Game Royale Review

Taptap Mining Review

Ang mga Kalamangan at Kahinaan ng Laro

Ang Iron Marines ay itinuturing na isa sa pinakamahusay na Real-time Strategy Games dahil maaari mong baguhin ang tungkulin o posisyon ng iyong mga marino kahit na ikaw ay nasa gitna ng isang laban. Maaari mong baguhin ang isang ranger na maging sniper o mga flamethrowers bilang missile launchers. Maaari ka ring mag-recruit ng pinakamahusay na mga marino mula sa kalawakan. Maaari mong pangunahan ang buong tropa sa pinakamapanganib na misyon mararanasan mo.

Maaari mong laruin ito offline! Kaya hindi na kailangang mag-alala tungkol sa posibleng pagkatalo kahit saan ka man naroroon. Mayroon itong 21 campaign missions sa tatlong sci-fi planets na makatutulong sa iyo na palawigin ang iyong skills at diskarte. Ang laro ay may humigit-kumulang 40 upgrades upang mabuo mo ang iyong hukbo nang mas malakas! Mayroon itong hindi bababa sa walong espesyal na armas na magagamit mo at ang mga boss dito ay mas lalo pang gagawing mahirap at mapanghamon ang laro.

Bagaman, sa larong ito, ang ilang mga yunit ay hindi maaaring ilipat sa paligid ng field. Ang mga kontrol ay medyo mahirap at ang pagpili at paglipat ng mga yunit ay ganun din. Napakahaba ng mga diyalogo at pag-uusap ng bawat karakter na hindi mo naman pwedeng lampasan. Ang mga manlalaro ay nagrereklamo sa pagkakaroon ng mahabang pag-uusap sa entablado ng Borealis sa bahagi ng mga boss.

Sa ngayon, tatlo na lamang ang mga hero ngunit umaasa pa rin ang marami na ang mga developers ay lilikha ng marami pang heroes upang masiyahan ang mga manlalaro. Kahit na nagbayad ka para sa laro, mayroon pa ring ilang mga heroes na naka-lock at hindi ma-access. Ito ay magiging isang karagdagang gastos para sa manlalaro upang makuha ang mga ito.

Laro Reviews