Oddly satisfying. Marahil narinig o nabasa mo na ang term na ito sa tuwing nag-i-scroll ka sa iyong social media. Karamihan sa mga ito ay mga maiikling clip ng mga taong perpektong naghihiwa ng isang bagay, pumipisil ng slime, naglalaro ng mga fidget toy, at iba pang mga kataka-taka ngunit nakakatuwang panooring mga video. Sumikat ang term na ito kaya napunta ito sa mga video game. Nangako ang FLICK SOLITAIRE – Card Games na bibigyan ka ng oddly satisfying gameplay habang naglalaro ka ng solitaire.
Wala itong end goal kundi ang maranasan ng mga player na malaro ang mga classic solitaire game sa kanilang mga mobile phone. Ipakikita ng Laro Reviews ang lahat ng mga mode ng laro at mechanics nito sa Features ng FLICK SOLITAIRE – Card Games. Makakukuha ka ng mga coin sa tuwing mananalo ka, at magagamit mo ang mga ito para i-unlock ang isang disenyo ng card. Maaari ka ring bumili ng surface gamit ang mga ito.
May tatlong paraan para ilipat ang iyong mga card. Ang pinakakaraniwan ay ang pag-drag sa kanila kahit saan mo gusto. Ang pag-click naman sa kanila ay ang pinakamadali dahil mapupunta sila sa tamang lugar nang mag-isa, at ang pinakamasayang paraan ay sa pamamagitan ng pag-flick sa kanila sa gusto mong direksyon, at mapupunta sila sa tamang card.
Features ng FLICK SOLITAIRE – Card Games
Mga Card – Magkakaroon sila ng iba’t ibang mga disenyong ginawa ng iba’t ibang mga artist. Maaari mong bilhin ang mga ito nang hiwalay gamit ang mga coin at i-unlock ang ilan sa mga ito kapag natapos mo ang isang laro.
Fastest Flicker – I-flick mo ang mga card sa deck na tumutugma sa kanilang simbolo. Dapat itong gawin nang mabilis, at makakakuha ka ng karagdagang tatlong segundo kung gagawa ka ng maling move.
Elevens Solitaire – Sa mode na ito, kailangan mong ipares ang mga card na may total na labing-isa. Kailangan mong i-drag ang card sa isa pa at i-flick ang mga ito sa deck. Ang pagsasama-sama ng Jack, Queen, at King ay may bilang ding labing-isa. I-clear ang lahat ng 52 cards upang manalo sa laro.
Patience – Ang klasikong solitaire game kung saan kailangan mong ilipat ang lahat ng card sa mga foundation, mula Ace hanggang King. Maaari mo lamang ilipat ang mga card sa ibang kulay sa pababang pagkakasunud-sunod. Ang Kings ay ang tanging card na maaari mong ilagay sa mga bakanteng column. Maaari mo ring ilipat ang chain ng mga baraha.
Pyramid Solitaire – Ang mga card ay inilalagay sa isang pyramid na hugis, at maaari mo lamang i-drag ang mga walang nakapatong na card sa kanila. Kailangan mong ilipat ang mga pares na nagdaragdag ng hanggang 13 at i-discard ang mga ito. Ang mga King card ay maaaring pumunta nang mag-isa dahil ang kanilang halaga ay 13 din. I-clear ang lahat ng 52 cards upang manalo sa laro.
Saan pwedeng i-download ang FLICK SOLITAIRE – Card Games?
Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS user naman, at ilagay ang FLICK SOLITAIRE – Card Games sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying mai-download.
Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:
Download FLICK SOLITAIRE – Card Games on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=games.flick.solitaire
Download FLICK SOLITAIRE – Card Games on iOS https://apps.apple.com/us/app/flick-solitaire/id1470955012
Download FLICK SOLITAIRE – Card Games on PC https://www.ldplayer.net/games/games-flick-solitaire-on-pc.html
Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang LDPlayer emulator mula sa kanilang https://www.ldplayer.net. Kumpletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.
Tips at Tricks sa Paglalaro
Walang gaanong magagawa sa larong ito kundi ang maranasan ang classic solitaire habang tinatangkilik ang mga disenyo ng card at mga animation. Hindi mo kailangang mag-grind ng mga coin maliban lang kung nais mong i-unlock ang deck na nagustuhan mo. Kaya narito ang ilan sa mga tip na makakatulong sa iyo sa laro.
Hints
Siguraduhing panatilihing naka-on ang iyong auto-hint sa iyong settings. Magbibigay sa iyo ng clue ang laro sa kung ano ang dapat mong gawin at makakatulong ito sa iyo kung hindi ka makaalis sa isang laro.
Daily Double
Kapag hindi ka makapagpasya kung ano ang lalaruin, i-click ang menu at hanapin ang mode na mayroong Daily Double. Makakukuha ka ng mas maraming coins kung mananalo ka rito.
Bonus Rewards
Hindi lamang nito susuportahan ang mga developer, ngunit maaari kang makakuha ng mga libreng bonus pagkatapos manood ng ad. Tiyaking mayroon kang malakas na internet connection upang maiwasan ang mga pagkaantala.
Pag-tap sa mga Card
Hindi ito kasingsaya ng pag-flick ng mga card, ngunit maililipat ang mga ito sa tamang lugar. Makakatulong ito kapag wala kang ideya kung saan mo ilalagay ang mga card.
Pros at Cons ng FLICK SOLITAIRE – Card Games
Hindi tulad ng iba pang mga solitaire game, nagtatampok ito ng iba’t ibang mga artista na nagpapakita ng kanilang mga disenyo. Lahat sila ay may kaaya-ayang art style, at bawat isa ay natatangi. Dahil dito, magiging mas masaya ang paglalaro nito. Ang laro ay may kasiya-siyang mga sound effect, kaya mag-e-enjoy ka kung ikaw ay isang ASMR fan. Ginagaya nito ang tunog ng mga card kapag binabalasa, kinukuha, at inililipat ang mga ito sa isa pang deck. Pinakamabuting magsuot ng earphone habang naglalaro. Ang pag-flick ng card ay ang aking personal favorite. Nakakatuwang makita ang mga card na lumilipad sa isang direksyon at panoorin ang mga effect nito. Smooth ang animation, kaya mas magiging masaya kung malalaro mo ito sa isang device na may malaking screen. Ang laro ay ginawa lamang ng dalawang tao, at nakakatuwang malaman kung paano nila ginawa ito.
Ito ay isang offline game, kaya maaari mo itong laruin kahit saan. Ngunit kailangan mo ng internet connection upang malaro ang Fastest Flicker. Gayunpaman, may ilang mga bug sa mode na iyon. Palaging sasabihin ng laro na wala kang internet connection, ngunit malakas ang iyong WiFi. Kung kaya’t sinimulan kong muli ito nang maraming beses upang malaro. Maliban doon, walang gaanong problema sa laro.
Konklusyon
Ang FLICK SOLITAIRE – Card Games ay hindi lamang isang ordinaryong laro sa mobile dahil sa mga natatanging disenyo ng mga card nito. Makikita mo ang mga pagsisikap ng mga developer sa pamamagitan ng paggawa ng mga komisyon sa iba pang mga artist. Makatuwiran din kung kailangan mong magbayad ng totoong pera upang agad na ma-unlock ang deck dahil ito ay isang paraan upang suportahan sila. Para sa Laro Reviews, tinupad ng laro ang mga pangako nitong magbibigay sa iyo ng oddly satisfying game dahil sa mga kasiya-siyang sound effect at mga animation ng card. Namumukod-tangi ang laro dahil sa pag-flick ng mga card at naging mas masaya itong paraan upang malaro. Kung naghahanap ka ng isang klasikong solitaire game na may modernong twist, ito na ang iyong hinahanap.