Ang Modern Combat 4: Zero Hour ay isang action-packed first-person shooter na may mga kabanatang susubok ng higit sa iyong limitasyon sa paglalaro ng video games. Pagkaraan ng nuclear war, ang tanging paraan upang makatakas sa pagkawasak ng buong mundo ay nasa kamay ng ilang mga piling mandirigma na naatasang humanap at magligtas sa mga pinuno ng mundo mula sa nakakatakot na samahan ng mga terorista.
Ang larong ito ay ang pantapat ng Gameloft sa pagkakasunud-sunod ng Modern Warfare game consoles at ito ay patuloy na naghahatid ng kakaibang kasiyahan sa murang halaga. Ang Modern Combat 4: Zero Hour ay paganda rin ng paganda sa bawat update na nilalabas nito.
Magkakaroon ng mas malawak na pagkakaunawa sa laro kung tatapusin ang Laro Reviews na ito.
Mga Misyon sa Modern Combat 4: Zero Hour
Ito ay tipikal na gun and run action game na sinamahan ng rocket releasing, sniping, at ilang mga maaksyong eksena gamit ang sasakyan.
Ang pinakaimportanteng misyon sa larong ito ay ang makapagpatuloy kasama ng kahit isa sa mga kagrupo mo. Habang wala ka, ang AI ang nagtatrabaho upang mapabagsak ang kalaban at hindi maghihintay na lang upang sumalubong sa mga bala. Hindi matalino ang mga AI at kadalasan ay hindi ito lilingon kahit nasa malapit ka. Gayunpaman, magaling silang makahanap ng paraan upang makapagkubli at lumitaw na bigla at maghatid ng malaking pinsala. Tulad nila, dapat matutong tumakbo at magtago para makaiwas sa mga bala dahil kung hindi ito magagawa, hindi ka tatagal sa labanan kahit na limang segundo. Ang sistema ng pagtatago ay madali lang at magagawa ito sa pamamagitan ng pagtatago sa likod ng kahit anong bagay at pagyuko o pagdapa upang hindi tamaan at mapababa ang pinsalang matatamo.
Sa ilang mga stage, ang manlalaro ay magagawang ma-control ang kalabang si Edward Page, habang ang iba naman ay magiging drone pilot. Sa isa sa mga stage, ang manlalaro ay may kontrol kay Sergeant Anderson. Malalaro ito sa pamamagitan ng on-screen online icons. Ang mga galaw ay tinutulungan ng isang digital gamepad habang ang pag-asinta ay magagawa sa pamamagitan ng paghipo sa screen. Mayroon din itong gyroscopic features. Gamit ang touch screen display, ang manlalaro ay maaaring yumuko, magbato ng mga granada, gamitin ang mga kakayahan ng mga armas, mag-reload, magpalit at pumili ng mga armas, saksakin ang mga kalaban, lampasan ang mga balakid, at magsimulang bumaril. Ang main menu ay nagpapahintulot sa pag-customize ng lahat ng control. May kasamang Quick-time activities ang single player battle.
Pag-download ng Modern Combat 4: Zero Hour
Damhin ang pagwasak at kamatayan sa larong Modern Combat 4: Zero Hour! I-download ito sa mobile phones mula sa online play store. Upang masimulan ang paglalaro sa Android devices, i-download itong direkta sa Google Play Store at App Store naman para sa iOS devices. Para ma-enjoy ang digmaan sa PC, bisitahin ang kanilang website na https://www.gameloft.com/en/game/modern-combat-4/
Maaaring i-download ang laro dito:
- Download Modern Combat 4: Zero Hour game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.gameloft.android.ANMP.GloftM4HM
- Download Modern Combat 4: Zero Hour game on iOS https://apps.apple.com/us/app/modern-combat-4-zero-hour/id558433129
- Enjoy the Modern Combat 4: Zero Hour game on PC https://www.gameloft.com/en/game/modern-combat-4/
Mga Estratehiya Upang Tumaas ang Pagkakataong Manalo
Ilipat agad ang granada sa lugar na mas madali itong makukuha. Sa kalagitnaan ng mainit na laban, delikadong mapindot ang icon ng granada. Sa pagsisimula ng laro, ilipat na ito agad sa mas maayos na lokasyon. Sa katagalan, mababawasan ang mga pagkakamali.
Ituloy ang paggamit ng Aim Assist. Huwag i-disable ang feature na ito. Ang Aim Assist feature ay magpapanatili ng pag-asinta ng baril sa kahit sinong kalaban na malapit. Kapag naka- enable ito, ang pagpapanatiling buhay ng mandirigma at pagbaril ay mas magiging madali. Sa madalas na pagkakataon, ibaba ang pag-asinta dahil hindi epektibo ang pagbaril sa bandang hita. Ang pag-atake na pinakaepektibong paraan ay may kalakip na pagtingin sa baba, pagtatangkang magapi ang baddie, ang pagbabalik sa regular na FPS view, at pag-ulit ng mga ito.
Ugaliing kumuha ng maraming Single-Player items. Ang single-player mode ay siksik ng goods, perks, at rewards na makakatulong gawing mas rewarding ang oras ng paglalaro. Gamitin ang Blue Credits sa pagkuha ng mga protective gear, automated cannon, mas mabilis na reloading, at pati na rin ang red dot vision add-on. Ang pagpapaganda na ito ay siyang nakukuhang prayoridad kumpara sa iba pa.
Masdan ang Multiplayer ammo crates. Ang kahit sinong bihasa sa multiplayer game ay nagpapahalaga sa pangangailangan ng iba’t ibang armas para sa pagtatagumpay. Maaaring maniwala na ang tanging maaasahang load out ay kayang makakumpleto ng tungkulin ngunit ang pagkakaroon ng higit sa isa nito ay makapagbibigay ng dagdag na experience. Maaaring makumpleto ang anim na loadouts kasama na ang unang mayroon ka sa pagsisimula ng laro.
Laro Reviews ng Modern Combat 4: Zero Hour
Ang kabuuang anyo ng Modern Combat 4: Zero Hour ay tulad ng makikita sa PlayStation o sa PC. Syempre, gumugol ng maraming oras ang lumikha ng laro upang makagawa ng mas magandang character at istorya, ngunit sa kabila nito ay nananatiling sobrang kasiya-siya ang laro. Ang pagiging maikli ngunit matapang nito ay bumagay sa kaaya-ayang multiplayer games. Magugulat ka na lang na sa ilang araw mong paglalaro ay nakumpleto mo na ang single-player phase.
Related Posts:
METAL SLUG X Review
Bike Mayhem Mountain Racing Review
Ang mga mode ng laro ay nakakaaliw at ang multiplayer option ang nagbibigay ng dahilan sa iyo upang bumalik sa paglalaro ng ilang buwan. Maaaring makilahok sa 12-player deathmatches o makipag-alyansa sa ibang manlalaro sa objective-based na mode ng laro. May walong magkakaibang bersyon ng normal play modes at ang mga mapa ay magkakaiba rin.
Ang controls ng laro ay may mangilan-ngilan pa ring glitches. Ito ay may motion sensor mode na gumagalaw at maaaring gamitin ngunit hindi ito nirerekomenda dahil sa halip na makatulong ay parang pabigat pa ito. Sa pagtagal ay makakasanayan din ang normal touch controls dahil hindi lang naman ang Modern Combat 4: Zero Hour ang unang nagkaroon ng ganitong mga problema.
Konklusyon
Ang aksyon sa Modern Combat 4: Zero Hour ay maituturing na isang matured na laro na siyang naghihiwalay dito sa iba pang mga mobile shooting games na available sa ngayon. Mahirap makita ang pagkakaiba ng paglalaro sa smartphone o sa video game. Kahit na hindi lahat ng mga pagsubok ay may kabuluhan at ang ibang mga sitwasyon sa laro ay parang nandoon lang para lang masabing mayroon noon, o para makagawa ng impresyon na ito ay isang console game, ang kinalabasan naman ay maganda.
Ang tanging drawback ng laro ay ang controls nito, na siyang pagkakamali naman ng platform. Ngunit kung tinatanggap mo naman ang kakulangang ito, o gustong gumamit ng console sa smartphone, hindi na ito problema para sa iyo.
Laro Reviews