Hexapolis: Civilization 4X hex

Ang Hexapolis: Civilization 4X Hex ay isang turn-based strategy game na kung saan ang manlalaro at ang kalaban ay nagsimulang umusbong sa magkabilang dulo ng platform. CPU ang kalaban dito at may story mode na kailangang matapos para makakuha ng story rewards. Ang mga ito ang magbibigay ng panibagong units at coins na magagamit sa pag-upgrade ng karakter. Tumatakbo ang laro sa layuning mapataas ang level ng siyudad habang sinasakop ang kalabang unit. Tatanghaling panalo ang sinumang kampong makagapi at mapasakamay ang capital city ng kalaban.

Ang pundasyon ng larong ito ay nakabatay sa matalinong paglalagay ng units at pagbuo ng angkop na estratehiya. Halaw ang pangalan ng laro sa galaw ng tiles dahil hexagon ang hugis nito. Kung bago ka sa larong ito, ang Laro Reviews ay may pinagsama-samang features, links kung saan pwedeng i-download, tips, tricks, pros, cons, at verdict na tiyak na kapakipakinabang sa paglalaro mo ng Hexapolis: Civilization 4X Hex.

Features ng Hexapolis: Civilization 4X Hex

Army Support – Bumuo ng sariling hukbo gamit ang mga unit na makukuha mula sa chest o kaya naman ay nabili mula sa shop. Ito ay nahahati sa walong seksyon: Archers, Catapult, Defender, Hero (Nation Unit), Knight Rider, Priest, Sailor, at Warrior. Maaari ring i-upgrade ang mga ito at pataasin ang kanilang rarity kung magsasakripisyo ng dalawang magkaparehas na cards at ilang golds. Kakailanganin mo ng 3 stars para ma-upgrade ang grand patungong rare, 4 stars naman para sa rare papuntang epic, at 5 stars para ma-upgrade ito sa pinakamataas na rarity – ang legendary.

Battle Pass – Makakakuha ng libreng rewards gamit ang feature na ito. Samantalang makatatanggap naman ng mas maraming goodies kung bibilhin ang paid version nito. Male-level up ang iyong Battle Pass kung tatapusin mo ang iyong quests.

Turn-based Strategy Game – Salitan ang pagtira sa pagitan ng manlalaro at kalabang CPU. Kaya nararapat lang na pagplanuhan ng maigi ang bawat tira dahil limitado lamang ito sa 40 turns. Ngunit sa kabilang banda, mainam ding damihan ang pagtira dahil magagamit ang coins sa pagbili ng ibang equipment upang magapi ang kalaban.

Saan pwedeng i-download ang Hexapolis: Civilization 4X Hex?

Hindi kailangang magbayad para mai-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa App Store para sa iOS users, at sa Google Play Store naman sa Android users. Ilagay ang Hexapolis: Civilization 4X Hex sa search bar at hanapin ang laro sa search results. Pindutin ang Get o Install button para mai-download ito. Hintaying matapos ang pag-download saka buksan ang app. Kumpletuhin ang mga kailangan sa sign-up details. ‘Pag nagawa mo na ang lahat ng ito, pwede mo nang simulan ang paglalaro!

Narito ang links mula sa Laro Reviews kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Hexapolis: Civilization 4X Hex on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.noxgames.hex.polis.civilization.empire

Download Hexapolis: Civilization 4X Hex on iOS https://apps.apple.com/us/app/hexapolis/id1559236448

Download Hexapolis: Civilization 4X Hex on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/hexapolis-on-pc.html

Kung sa PC mo napiling maglaro ng Hexapolis: Civilization 4X Hex, dapat mo munang i-download ang Bluestacks emulator mula sa kanilang https://www.bluestacks.com. Ang Bluestacks ay isang uri ng emulator kung saan ay ginagaya ng PC ang interface ng isang Android mobile phone. Matapos itong mai-download, kumpletuhin ang access na kailangan. Mag-sign in gamit ang iyong account sa Google Play.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Ang pinakamahalagang gawin sa umpisang bahagi ng laro ay ma-upgrade ang stats ng hukbong gagamitin. Ang iyong units ang pundasyon sa siyudad na bubuuin. Para mapataas ang stats, kailangan ng scrolls na makukuha sa battle chests at mabibili sa shop. Bukod dito, kailangan din ng gold. Mapataataas nito ang attack, counter-attack, defense, hit point, at range of movement. Sa simula, ang pinakamagandang gamiting unit ay ang warrior. Habang nagpo-progreso sa laro, mas mainam kung bibigyang prayoridad ang archers, defenders, at wizards.

Related Posts:

Arena: Idle Arena & AFK Epic Heroes

Defenders 2 TD: Zone Tower Defense Strategy Game Review

Gamitin din sa iyong kapakinabangan ang Talents Tab na maaaring tahasan o ‘di tahasang makaapekto sa iyong siyudad, ekonomiya, at hukbo upang mabilisang umunlad gamit ang mas maliit na bilang ng turns. Gamit ang iyong gold, mayroong random system na nakalaan upang ma-unlock ang talents sa isang slot style na mechanics. Ilan sa mga ito ay ang pagtaas ng iyong attack at defense power, pagdami ng kita sa siyudad, at mas mababang kailangang resource sa pag-research. Maaari ding mapataas ang level ng mga ito para mas maging epektibo.

Ilagay ang ranged units kagaya ng archers malapit sa iyong siyudad upang maprotektahan ang mga ito. Ilipat din ang kanilang direksyon tungo sa mga kaaway na nagtatangkang sakupin ang iyong capital city. I-maximize din ang potensyal ng katubigan para atakihin ang kalaban dahil nagbibigay ito ng mas malayong range ng pagtira.

Pros at Cons ng Hexapolis: Civilization 4X Hex

Nakakaaliw laruin ang Hexapolis: Civilization 4X Hex dahil bagamat simple ang game mechanics, maraming pagpipiliang diskarte ang pwedeng magawa na nagbibigay hamon at intensidad sa manlalaro. Mahahasa rin ang iyong pag-iisip na gumawa ng mga estratehiya kung paano manalo laban sa kalabang siyudad. Masasabing cute din ang graphics ng laro. Maaliwalas ito at makulay na tiyak na magugustuhan ng mga mas batang manlalaro. Akma rin ang ginamit na background sounds na mas lalong nagbigay-buhay sa kabuuang karanasan ng laro. Bukod sa mga nabanggit, marahil ang limitadong ads na makikita ang isa sa pinakapositibong aspeto ng laro. Maaaring manood ng ads kung gusto mong madoble ang rewards na matatanggap ngunit oras na pindutin mo ang skip, tunay ngang hindi ipapakita ang ads. Hindi kagaya ng ibang laro, nirerespeto ng Hexapolis: Civilization 4X Hex ang desisyon ng mga manlalaro kung gusto nga bang mapanood ang video ads.

Gayunpaman, mainam kung lalagyan ng game developers ng save option ang laro. Paano kung nagpalit ng device ang manlalaro? Dahil walang ganitong feature, babalik na naman sa simula ang iyong laro dahil wala itong cross-save feature sa pagitan ng magkaibang device. Dagdag pa rito, maraming manlalaro ang dumadaing na sobrang hirap oras na tumuntong sa pampito at pangwalong world. Bukod sa napaka-advance na ng mga unit ng kalaban, kung mamalasin ka pa ay mag-spawn ka pa malapit sa kanilang capital city. Dahil kapapasok pa lang sa mataas na level, mahina pa ang units kumpara sa kalabang units. Nawawala na tuloy ang kasiyahang nararamdaman dahil sa ganitong pangyayari sa mas matataas na worlds.

Konklusyon

Sa kabuuan, nakakaaliw laruin ang Hexapolis: Civilization 4X Hex lalo na’t kung ikaw ay baguhang manlalaro pa lamang. Maraming rewards at freebies ang matatanggap na makakatulong upang mas mapabilis ang iyong progreso sa laro. Ngunit sa kabilang banda, nawawala na ang balanse ng kabuuang laro oras na tumuntong sa mas matataas na world. Mas mahirap na ang pag-level up dahil mas advance na ang mga kalabang units. Kung pag-iibayuhin ng game developers ang aspetong ito ng laro, nakatitiyak akong muling manunumbalik ang mga dating manlalarong matagal nang nahumaling sa laro.

Laro Reviews