Abangan ang mga bumabagsak na balakid, lumukso sa mga umuugoy na bagay, at makipagkumpitensya sa 32 iba pang manlalaro mula sa buong mundo. Subukin ang iyong liksi at manguna sa karera upang manalo sa laban. Mabuhay nang paulit-ulit, at harapin ang bawat hamon ng buong tapang. Iba-iba ang lokasyon ng karera na tiyak na hahamon sa iyong makabuo ng iba’t ibang mga diskarte. Sumali sa nakakaaliw na labanan at damhin ang saya habang nakikipagbungguan sa ibang mga manlalaro. Ito ay nakakahumaling at napakahusay na mapagkukunan ng kasiyahan.
Ano ang layunin ng laro?
Ang pinakalayunin ng manlalaro sa larong Stumble Guys: Multiplayer Royale ay tapusin at makaligtas sa bawat karera. Ang kailangan mo lang gawin sa larong ito ay tumakbo, umiwas sa mga balakid at makipagkumpitensya laban sa 32 iba pang manlalaro mula sa buong mundo. Siyempre, ang laro ay hindi ganun kasimple! Sa daan patungo sa finish line, makakatagpo ka ng maraming uri ng mga hadlang at kahirapan. Mayroong mga naglalakihang bola na gumugulong sa paligid ng arena, mga humahampas na bagay na magpapatalsik sa iyo palabas ng arena, at iba pang uri ng mga kumplikadong hamon na maaari mong kaharapin sa bawat level. Maaaliw ka sa kakaibang hamon na hatid ng larong ito na dapat mong pagtagumpayan upang maging pinakamahusay sa lahat ng mga manlalaro sa buong mundo!
Paano ito laruin?
Ang konsepto ng laro ay sadyang simple at madaling maunawaan. Hindi na kailangan dumaan sa isang tutorial upang simulan ang paglalaro. Maaari ka ng magsimulang maglaro kaagad pagkatapos i-download at i-install ito sa iyong smartphone device. May dalawang kontrol lang na dapat mong matutunan, isa na kumokontrol sa paggalaw ng iyong karakter at ang isa naman para pagalawin ang view ng camera. Maaari mong baguhin ang layout ng mga virtual control button pati na rin ang laki ng mga ito upang umangkop sa iyong kagustuhan.
Ang mga manlalaro ay haharap sa 32 iba pang mga kakumpitensya mula sa buong mundo. Upang matiyak ang mahusay na performance at maiwasan ang lag sa buong laro, kakailanganin mo ng malakas na internet connection. Ang mga gantimpala ay maaaring mga bituin, tropeo, o gem, na maaari mong gamitin upang makabili ng mga bagong skin, emote, animation effect, at footstep. Maaari ka ring lumahok sa mga tournament at manalo ng mga libreng premyo sa pamamagitan ng panonood ng mga advertisement.
Ang mga stumble token ay maaaring makuha sa pamamagitan ng mga duplicate na skin o bilang isang bonus sa ilang mga pagbili. Sa tuwing makakakuha ka ng mga bituin pagkatapos maglaro, idinaragdag ang mga ito sa iyong Stumble Pass, at kapag nakaabot ka sa isang partikular na level ay maaari kang mag-claim ng mga random na skin, emote, footstep, at iba pa. Nag-aalok ito ng in-app purchases kung saan maaari kang bumili kaagad ng isang bundle ng mga gem o skin. Subukan ito at tuklasin ang iba pang feature ng laro habang umuusad ka at maranasan ang mga nakakamanghang pagsubok na dapat mong pagdaanan para maabot ang tagumpay!
Paano i-download ang laro?
Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Stumble Guys: Multiplayer Royale sa Android devices ay dapat Android 5.1 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 13.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 114 MB at 322.3 MB naman para sa iOS.
Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:
Download Stumble Guys: Multiplayer Royale on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.kitkagames.fallbuddies
Download Stumble Guys: Multiplayer Royale on iOS https://apps.apple.com/us/app/stumble-guys/id1541153375
Download Stumble Guys: Multiplayer Royale on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.kitkagames.fallbuddies-on-pc.html
Hakbang sa paggawa ng account sa larong Stumble Guys: Multiplayer Royale
- Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
- Hanapin ang bersyon ng larong Stumble Guys: Multiplayer Royale pagkatapos ay i-download at i-install ito.
- Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
- Ang data ng laro ay maiingatan o mase-save kung ili-link mo ito sa isang account.
- Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Stumble Guys: Multiplayer Royale!
Tips at tricks sa paglalaro ng Stumble Guys: Multiplayer Royale
Ang laro ay simple lamang at walang tiyak na diskarte para malagpasan ang mga balakid dahil maaari mong gawin ang anumang gusto mo sa arena. Gayunpaman, ang Laro Reviews ay nag-aalok pa rin ng mga diskarte na maaaring maging kapaki-pakinabang kapag nagiging mahirap na ang laro.
Maaari mong ayusin ang posisyon ng iyong mga control button. Dapat kang maging komportable sa iyong mga kontrol dahil may mahalagang papel ang mga ito para ikaw ay manalo sa laro. Kakailanganin mo rin ang malakas na internet connection upang maiwasan ang mga abala sa gitna ng laro dahil ang laro ay dumaranas ng mga pagkaantala sa tuwing humihina o nawawala ang internet.
Sanayin ang iyong karakter sa paglukso at pag-iwas dahil ito ang pinakamahalagang paggalaw na maaari mong gawin dito. Ang paglalaro nito ay dapat gawin nang regular upang maging pamilyar sa karerahan. Sa totoo lang, mahirap talagang kontrolin, lalo na kung baguhan ka. Mahirap iwasan ang mga paparating na hadlang sa iyong landas, kaya kailangan mong magsanay sa pagkontrol ng iyong karakter.
Pros at cons sa paglalaro ng Stumble Guys: Multiplayer Royale
Ang Stumble Guys: Multiplayer Royale ay magdadala sa iyo sa isang kakaibang karera laban sa mga manlalaro mula sa buong mundo. Ang laro ay sadyang simple upang maunawaan at hindi na kailangang dumaan sa isang tutorial upang ipaliwanag ang lahat. Maaari kang magpatuloy direkta na sa karerahan upang makipagkumpitensya laban sa 32 iba pang mga manlalaro at paghihirapan mong makatawid sa mga pagsubok na iyong kahaharapin. Ang virtual control ay maaaring i-adjust ayon sa iyong mga kagustuhan para mas maging komportable ka. Ang mga skin, kulay, emote, animation, at footsteps na mga tab ay maaaring matagpuan sa ilalim ng icon na Customize. Maaari mong i-personalize ang iyong karakter at gamitin ang lahat ng mga reward na makukuha mo.
Ito ay nakakahumaling ngunit napakahirap din. Sa daan patungo sa finish line, pagdaraanan ng mga manlalaro ang sari-saring hamon. Sa totoo lang, sadyang nakakadismaya sa tuwing nakakaranas ka ng mga pagkaantala dahil sa mahinang koneksyon sa internet. Hangga’t hindi mo pa nauubos ang lahat ng iyong pagkakataong mahulog at ang kabuuang bilang ng mga nakaligtas ay maaari kang mabuhay muli at magpatuloy sa karera.
Ang mga kontrol ay mahirap gamitin. Talagang kailangan itong ayusin dahil, bukod sa pagkakaroon ng matatag na koneksyon sa internet, ito ay may mahalagang papel para manalo sa laro. Ito ay masayang laruin ngunit mayroon pa ring konting problema na dapat solusyunan ng mga developer. May mga bug na mararanasan sa gitna ng paglalaro nito at nangangailangan pa rin ng mga bagong feature upang mapanatiling interesado ang mga manlalaro.
Konklusyon
Ang mapanghamong real-time multiplayer game na ito ay lubos na inirerekomenda ng Laro Reviews. Lubos mong ikasasaya ang paglalaro nito at ito ay magiging isang mahusay na paraan upang gugulin ang iyong oras. Palawakin lamang ang iyong pasensya dahil medyo nakakairita ang pagkontrol sa karakter. Kaya sikapin mabuti na sanayin ang iyong kakayahan upang malagpasan ang bawat pagsubok.