The School – White Day

Nababalot ng misteryo ang mundo at maraming tao ang nahuhumaling sa sa pagtuklas nito. Ngunit paano kung ang hinahanap mong adventure ay ang magdadala sa iyo sa iyong kapahamakan? Kaya mo bang tumagal hanggang sa pagbubukang liwayway? Ang The School – White day ay isang online na larong ginawa ng SONNORI. Isa itong mobile phone version ng PC game na White Day: A Labyrinth Named School. Tiyak na papawiin ng larong ito ang iyong uhaw sa thrilling at horror games. Halika at kilalanin natin itong laro dito sa artikulong ginawa ng Laro Reviews.

Mga Tampok ng Laro

Ang tanging layunin ng laro ay ang manatiling buhay. Mukhang madali lang kung iyong pakikinggan ngunit napakahirap nitong gawin. Upang makalabas sa haunted school, kailangan mong maghanap ng mga clue kung paano makakalabas at habang ginagawa mo ito, makakasalubong ka ng mga multong gusto kang patayin. Mayroong 20 na mga multo at ang bawat isa sa kanila ay may iba’t-ibang istorya kung paano sila namatay at kung bakit sila hindi matahimik. Mayroon din itong interesting na storyline na maaaring ma-unlock lamang kapag nakatagpo mo ang mga multo. Ang audio output naman nito ay nagbibigay ng eerie na vibe na tugma sa bawat jumpscare na mga senaryo. Ito ay mayroong 3D graphics kaya asahan ang malaking file size kapag ida-download mo na ito. Aabot hanggang sa 2 gigabyte ang kabuuang file size ng laro pero paunti-unti ang pag-download nito.

Hindi gaanong komplikado ang controls ng laro at kaunti lamang ang maaari mong pindutin. Sa kaliwang bahagi, makikita mo ang joystick na ginagamit upang gumalaw kaliwa, kanan, atras at abante. Sa kanang bahagi naman ay makikita mo ang buttons upang makaupo at makatayo. Kapag mayroong item na maaaring kunin, kusang lilitaw ang button upang makuha ang item kapag itinapat mo ang cursor sa item. Ito lang ang mga pangunahing tampok ng laro. Maaari itong magbago o madagdagan sa mga susunod na updates.

Paano I-download ang The School – White Day?

Hindi mo na kailangan pang gumawa ng login account upang makapaglaro nito ngunit ito ay isang premium game. Ibig sabihin hindi mo ito maaaring i-download nang libre bagkus kailangan mo itong bayaran bago o ito mai-download mula sa Google Play Store. Para i-download ito sa Android, pumunta sa Google Play Store at i-type sa search bar ang pangalan nitong laro pagkatapos ay i-click ang Install. Pareho lamang ang proseso para sa iOS ngunit sa halip na Google Play Store, maaari itong i-download mula sa App Store. Para naman sa PC, pumunta sa http://gameloop.com at i-type sa search bar ang pangalan nitong laro at i-click ang download. Para sa mas mabilis na pag-access, maaaring i-click ang mga link sa ibaba.

Download The School – White Day on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=kr.co.sonnori.whiteday.g

Download The School – White Day on iOS https://apps.apple.com/us/app/the-school-white-day/id1052020394

Download The School – White Day on PC https://www.gameloop.com/game/adventure/the-school-white-day-on-pc

Tips at Tricks para sa Baguhan

Halos lahat ng puzzle problem ng laro ay madaling i-solve kung mayroon kang mahabang pasensya at sipag sa paghahanap ng clue. Ngunit ang pinakamahirap ng puzzle dito ay ang morse code puzzle pero huwag mag-alala dahil tutulungan ka ng Laro Reviews upang ma-solve itong puzzle.

Talakayin muna natin ang morse code. Ang morse code ay isang sikretong code na binubuo ng mga tuldok at dash. Ang bawat kombinasyon nito ay katumbas ng letra o numero. Upang mas maintindihan pa ang morse code, maaari mo itong hanapin sa Google dahil hindi naman ito mahirap intindihin. Ngunit para sa laro, ito lamang ang kailangan mong malaman. Ang puzzle na ito ay matatagpuan sa music appreciation room. Hanapin ang morse code chart, box na may password at ang metronome na nakatago sa silid. Ang password ng box ay nasa music sheets na matatagpuan sa music appreciation room. Para ma-unlock ang ghost story ng stage na ito, kailangan mo mahulaan ang morse code at upang gawin ito, pansinin ang paggalaw ng metronome. Ang mabilis na paggalaw ay nagrerepresenta ng tuldok at ang mabagal na paggalaw ay nagrerepresenta ng dash. Ang huling paggalaw nito ay nangangahulugang tapos na ang code. Pagsama-samahin ang lahat ng tuldok at dash at tingnan sa morse code chart ang mga katumbas nito at malalaman mo na ang sikretong mensaheng nais ipabatid ng laro. Syempre hindi ko sasabihin dito kung ano ang mga codes dahil ano pang silbi nitong artikulo kung sasabihin ko rin ang mga code sa huli.

Kalamangan at Kahinaan

Maaari nating sabihin na itong laro ay isang remake ng PC version game na White Day: A Labyrinth Named School ngunit hindi ito sinabi ng developers pero kung susuriin nating maigi, makikita natin na malaki ang pagkakapareho ng dalawang nabanggit na laro. Hindi naman ito isang malaking issue dahil parehong maganda ang dalawang laro. Ngayon kung pag-uusapan natin ang gameplay, hindi ito komplikado dahil sa simpleng setup ng mga buttons nito. Ang mga puzzle, gayundin ang kabuuang task nito, ay mapanghamon kaya kahit maglaro ka buong maghapon ay tiyak na hindi ka mababagot kaya naman kung ikaw ay mahilig sa horror at mystery games, hindi ka bibiguin nito.

Ang graphics naman ay 3D ngunit mayroon pa rin itong mga kaunting kapintasan. Mayroon pa ring ilang parte na kung saan pixelated ang graphics tulad ng mga dingding sa malayo at ang ilaw mula sa apoy. Samakatuwid, above average ang graphics ng laro – hindi gaanong maganda. Malaki din ang file size nito kaya hindi ito pwedeng laruin sa mga phone na may mababang specs at hindi rin ito pwedeng laruin gamit ang mobile data dahil napakatakaw ng larong ito sa internet connection. Sa kabuuan, sulit pa rin naman itong laruin kahit na may kapintasan ito sa graphics dahil maganda naman ang storyline ng laro.

Konklusyon

Sa kabuuan, ito ay nakatanggap ng star rating na 4.3 sa Google Play Store at 4.1 naman sa App Store. Kung isasantabi natin ang mga kapintasan nito, hindi maipagkakaila na ito ay isang napakagandang laro at tiyak na magugustuhan ito ng mga manlalarong mahilig sa horror at mystery games. Ngunit isang paalala, marami itong mga jumpscare na senaryo kaya hindi ito pwedeng laruin ng mga taong mayroong mahinang puso. Kaya kung mayroon kang extra na pera, i-download na ang The School – White day ngayon!