Tile Connect – Classic Match Game sa Kabuuan
Ang Tile Connect – Classic Match ay isang tradisyunal at madaling laruing tri-match game na tunay na nakakalibang at mapanghamon. Sa larong ito, kailangang makahanap ng tatlong magkakaparehong tiles para makapagpatuloy sa mas susunod na level kapag ang lahat ng blocks ay na-i-match na. Ang larong Tile Connect – Classic Match ay may malawak na bilang ng mga levels na humihirap habang tumatagal. Para makarating sa mahihirap na levels at ma-power up ang maraming skins at maps, kailangang magkaroon ng mahusay na kasanayan at diskarte. Hindi lang ito makakapagbigay ng sense of fulfillment, makakatulong rin ito upang masubok ang kakayahang mag-isip at bumuo ng estratehiya.
Layunin sa Paglalaro ng Tile Connect – Classic Match Game
Pagkune-kunektahin ang mga tiles upang makabuo ng isang malaking larawang sa loob ng maikling oras. Magtatagumpay sa level kapag nakumpleto ang lahat ng tiles sa board. Unti-unti, magiging eksperto ka sa pagbuo ng mga tiles! Humanda na para sa nakamamanghang mga larawan na mabubuo! Mayroon itong nakakatuwang mga hayop, sariwang mga prutas, masarap na mga cakes, magagarang kasuotan, magagarang mga sasakyan, nakaktuwang mga laruan at marami pang iba. Walang dudang ma-eenjoy mo talaga ang bago mong paboritong blocks!
Humanap ng dalawang magkaparehong tiles na hindi nahaharangan ng iba pang tiles. Tingnan mabuti ang mga larawan. Pindutin ang mga tiles para makabuo ng 3 line segments dahil kapag mahigit sa tatlo ay hindi ito uubra. Huwag manghinayang na gumamit ng kahit ilan pang effective features hangga’t kailangan. May mga pagkakataong makakaranas ng mga balakid sa laro, pero walang sukuan! Sa halip ay matutong maghanap ng tulong. Paghiwa-hiwalayin ang mga tiles sa loob ng itinakdang oras. Habang naglalaro, ugaliing tingnan ang oras. Kumpletuhin ang mga level upang maging isang eksperto sa tiles match! Makipaglaro at makipaglaban sa mga kaibigan para malaman kung sino ang pinakamagaling!
Pag-download
Simulan na ang pagkunekta ng tiles gamit ang smartphone at i-download ang laro sa Google Play Store, kung Android device ang iyong gamit, at sa App Store naman para sa mga iOS devices. Para ma-enjoy ito sa PC, dapat na i-download ang app gamit ang isang emulator. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod:
- Download Tile Connect game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=link.merge.puzzle.onnect.number&hl=en_SG&gl=US
- Download Tile Connect game on iOS https://apps.apple.com/us/app/tile-connect-classic-match/id1529839083
- Download Tile Connect game on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-link.merge.puzzle.onnect.number-on-pc.html
Paglalaro ng Tile Connect – Classic Match Game
Gumamit ng mga estratehiya sa paglalaro. Alamin kung alin sa mga pagpipiliang hakbang ang magbibigay ng pinakamagandang resulta sa mga susunod pang tira pagkatapos maalis ang tiles na nabuo. Mukhang mahirap itong gawin sa simula ngunit sa kalaunan ay makakasanayan na ito at makakabisado mo rin ang mga diskarte sa laro.
Isa pang magandang tip ay ang pagtitipid sa paggamit ng power-ups o boosters. Nakakatuwang gamitin ang mga ito ngunit may ilang mga bagay na dapat maintindihan. Ang pagkuha ng mga power-ups sa Tile Connect – Classic Match ay may kahirapan. Makatuwiran naman ito dahil may malaking pakinabang ang bawat power-up items sa sa paglalaro. Magagamit ito sa ilang sitwasyon, lalo na kapag wala na talagang ibang makitang paraan para ma-clear ang kasalukuyang level. Huwag gumamit nito kung hindi siguradong magtatagumpay upang hindi ito masayang.
Ang pagtangkang makabuo ng magkakasunod na blocks sa mga 3-match game ay makakapagbigay din ng combo rewards para mapataas ang score. Gayunpaman, mas magandang bumuo ng pares sa bandang ibaba ng board. Ito ay magdudulot ng mas malawak na paggalaw ng mga tiles na nasa ibabaw nito na magbubukas ng karagdagang pagpipiliang galaw para sa mas mabilis na pagkatapos ng level. Magsimulang maghanap ng pares mula sa baba pataas na siguradong magkakapagbigay ng mas maraming match kada mabubuong pares.
Ipwesto at ikalat ang mga power tiles sa kabuuan ng board. Ang pagkakumpleto ng tatlong tiles ay maaaring makapagbigay ng isang power tile. Kapag na-activate ang power tile ay kaya nitong makapagpasabog ng isang buong linya. Ang kumbinasyon ng dalawang magkatabing power tiles ay maaaring maging daan para maubos ang lahat ng tiles. Laging asintahing na mabuo ang mga pirasong makakapagbigay ng power tiles at ipwesto ito sa bawat sulok. Magugulat ka na lang sa maaaring maging resulta nito!
Reviews Para sa Larong
Ang larong Tile Connect – Classic Match ay tunay na nakakalibang, kawili-wili at kaaya-aya. Ang artwork ng larong ito ay gumagamit ng casual atmosphere na hinaluan ng bahagyang touch ng comic book na nagpaparanas sa mga manlalaro ng kakaibang gameplay experience at nakakapagbigay ng oras para makapag-relax. Ang larong ito ay nilagyan ng marami at iba’t ibang challenges.
Related Posts:
The Sun: Origin Review
World of Tanks Blitz Review
Ang larong Tile Connect – Classic Match game ay mayroong napakaraming levels at mapa na maaaring gamitin sa paglalaro. Ang mga karaniwang thrill na hinahanap sa puzzle games ay matatagpuan dito. Marami itong levels ng may kakambal na iba’t ibang challenges.
Ginamitan ang larong ito ng nakakamanghang mga tiles, multi-skin at mga genres. Ang bawat kakaibang skin tone ay nakakalikha ng kakaibang moods.
Ang larong Tile Connect – Classic Match ay challenging at medyo addictive kahit na may mga pagkakataon na kinakailangang manood ng mahabang mga advertisements upang magkapagpatuloy sa paglalaro.
Ang iba’t ibang boards ay nakatutuwa ngunit pagkatapos ng 100, nagiging halos imposible na itong matapos lalo na at hinahabol ka ng explosive bomb at mga bagong tiles.
Konklusyon
Ang larong Tile Connect – Classic Match ay isang uri ng three-match game na masayang laruin. Ang larong ito ay madali lang sa umpisa ngunit nagiging mahirap at kumplikado sa pag-angat sa ng level. Dahil sa mga pinagdadaanang pagsubok dito, madalas ay nagiging nakakapagod na at nakakasawa para sa mga manlalaro. Sa tuwing hindi nakakabuo ng puzzle, emotionally draining ito para sa naglalaro dahil uulitin niyang muli ang paglalaro ng pahirapang level upang malampasan lamang ito.
Sa ganitong sitwasyon, kailangang magpahinga muna sa paglalaro. Magugulat ka na lang sa pagbabalik mo sa paglalaro, madali na lang at mas mabilis na mareresolba ang mga puzzle matches.
Kahit na may mga bahagi ng laro na kailangang manood ng mga advertisements para makapagpatuloy, mangingibabaw pa rin ang pagiging enjoyable ng larong ito. Dahil ang mga ads ay parte na ng mga free games, dapat nang masanay ang players na madalas makakakita ng mga ito.
Kaya kung naghahanap ka ng casual at relaxing game bilang pampalipas-oras, i-download mo na ang Tile Connect – Classic Match at gawin ang kauna-unahan mong tile match!
Laro Reviews