Real Drift Car Racing Review

Ang Real Drift Car Racing ay isang 3D drifting vehicular racing game. Makipagpaligsahan at maging bahagi ng worldwide leaderboard. Hasain ang iyong kakayahan sa karera at pag-drift ng sasakyan para i-activate ang Drift Combo at Proximity Factor na nagbibigay sa iyo na makakuha ng mas maraming puntos at gamitin ang mga ito sa pag-upgrade ng sasakyan. Maaari mong i-customize ito ayon sa iyong kagustuhan at baguhin ang bawat bahagi ng iyong sasakyan para tumakbo nang mahusay sa kompetisyon. Magagawa mong makipagkarera sa iba’t ibang lokasyon at track kaya paghandaan nang mabuti para makakuha ng mas maraming puntos at mga reward.

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang pangunahing layunin ng laro ay makakuha ng maraming puntos sa bawat karera. Kung makagagawa ka ng mas maraming puntos, bibigyan ka ng mga karagdagang reward na magagamit mo sa pag-personalize at pagpapahusay sa iyong sasakyan. Dapat mo ring i-activate ang Drift Combo at Proximity Factor dahil ito ay mga multiplier sa laro na nakakapagparami ng puntos. Habang umuusad sa laro ay magkakaroon ka ng mga bagong track na mapagpipilian, pati na rin ang iba pang variable ng sasakyan na maaari mong i-tune. Ang mga virtual control ay maayos na naka-display sa screen para mas madaling imaniobra ang iyong sasakyan.

Paano ito Laruin?

Bibigyan ka ng ideya ng Laro Reviews kung paano laruin ang Real Drift Car Racing. Magagawa mong laruin ang 3D racing simulation na ito kaagad pagkatapos mong ma-download at ma-install ang laro. Makakahanap ka ng iba’t ibang racing tracks at lugar para sa karera rto. Ang larong ito ay naiiba mula sa iba pang mga racing car simulation dahil kakailanganin mong patakbuhin ang sasakyan nang mabilis para ganap itong makapag-drift.

Ang mga kontrol ay madali at nakasentro sa manlalaro. May mga virtual button para sa accelerator at preno, pati na rin ang hand brake. Ang gyroscope ay dapat gamitin para makapagpaikot ng sasakyan. Ang pangunahing layunin ng laro ay makakuha ng matataas na puntos. Habang umuusad ka sa laro, matutuklasan mo ang mga bagong mode ng karera na may 36 na championships na mas nagiging komplikado. Maaari mo ring i-adjust sa manual o awtomatikong transmission ang iyong sasakyan, depende sa iyong mga kagustuhan.

Mayroon ding dalawang alternatibong score multiplier: “Drift Combo” at “Proximity.” Kapag ang mga puntos ay umabot sa 2000, ang Drift Combo multiplier ay tataas ng isa. Kapag binago mo ang direksyon ng iyong drift, idadagdag ang mga puntos sa Total Points Meter. Ang Drift Combo ay tataas ng isa kung lumampas ang mga puntos sa bawat multiple ng 2000. Nangyayari lamang ito kung nagagawa mong mapatagal ang pag-drift nang walang hinto na hindi tatagal ng isang segundo dahil kung hindi, ang Drift Combo multiplier ay ire-reset muli sa isa. Susunod ay ang Proximity, ang multiplier na ito ay gagana lamang sa oras na nag-drift ka gamit ang likod ng iyong sasakyan at kapag malapit ito mula sa pader ng 1.5 na metro. Ang bonus na ito ay lalabas sa pamamagitan ng slow-motion effect at text na nagpapakita ng multiplier factor. Kung ikaw ay tatama sa isang bagay o huminto ng mahabang sandali, mawawala ang lahat ng iyong kabuuang puntos at multiplier.

Paano i-download ang Laro?

Ang mga kailangan para matagumpay na ma-download ang Real Drift Car Racing sa Android devices ay dapat Android 4.1 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 9.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 51 MB at 697.2 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang magkapag-download:

  • Download Real Drift Car Racing on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.realdrift.sipon
  • Download Real Drift Car Racing on iOS https://apps.apple.com/us/app/real-drift-car-racing/id999623871
  • Download Real Drift Car Racing on PC https://www.bluestacks.com/apps/racing/real-drift-car-racing-on-pc.html

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Real Drift Car Racing

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Real Drift Car Racing. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Real Drift Car Racing!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Real Drift Car Racing

Maaaring magbigay sa iyo ang Laro Reviews ng mga paraan o diskarteng makatutulong sa iyong mapanalo ang mga hamon dito. Ito ay katulad din ng iba pang mga racing game simulation, ang kaibahan nito sa iba ay pinapatakbo mo nang mabilis ang iyong sasakyan hindi para makatapos ng karera pero para makapag-drift.

Ang mga kontrol ay maayos na naka-display sa screen at ang mekaniks ay nakatuon lamang sa pag-drift ng sasakyan. Kung mas matagal ang iyong pag-drift, mas maraming puntos ang iyong makukuha. Gayunpaman, kung ito ay huminto nang higit sa isang segundo, ang iyong iskor ay magre-reset. Ang timing ay mahalaga sa larong ito. Kailangan mong kabisaduhin kung paano ang pag-drift ng tama.

Kailangan na mag-upgrade ka ng iyong sasakyan dahil habang umuusad ka sa laro ay tiyak na mas humihirap ang mga hamon dito. Mahalagang i-upgrade ang iyong muffler, engine, transmission, at iba pang makatutulong sa iyong sasakyan na mas maging mahusay pa lalo.

Related Posts:

Papa’s Pizzeria To Go! Review

Dungeon Princess 2: Offline Dungeon RPG Review

Pros at Cons sa Paglalaro ng Real Drift Car Racing

Ang Real Drift Car Racing ay hindi pangkaraniwang laro. Kailangang maisagawa mo nang tama ang pag-drift para makakuha ng maraming puntos at rewards. Mayroong ilang mga lokasyon kung saan maaari kang makapag-drift gamit ang iyong mga nakamamanghang sasakyan. Ang pag-customize ng mga sasakyan ay napakasaya, at ang pakikipagpaligsahan sa worldwide leaderboard ay napakahirap. Mapapabuti rin nito ang iyong mga kakayahan sa pagmamaneho at magbibigay sa iyo ng visual na representasyon kung paano magmaneho at mag-drift ang isang sasakyan.

Ang mga virtual control ay angkop na nakaayos sa screen upang ang mga manlalaro ay mapatakbo nang maayos at mahusay ang kanilang mga sasakyan. Available ito sa mga smartphone, na maaari mong laruin kahit saan at anumang oras. Marami ring features, lalo na pagdating sa pagsasaayos ng bawat parte o piyesa ng iyong sasakyan at pag-customize ng mga itsura nito, gaya ng kulay ng rim, kulay ng katawan, at pagpili ng rim. Maaari mo ring i-upgrade ang performance ng iyong sariling sasakyan tulad ng mga makina at manibela.

Maaari kang kumita dito sa pamamagitan ng pag-drift ng mas mahabang oras para ma-trigger ang Drift Combo at Proximity Factor. Habang umuusad ka sa laro, magagawa mong gamitin iyon para sa mga pag-upgrade, pag-customize, at pag-unlock ng mga bagong track. Ang graphics at visual effects ng laro ay maganda ang ipinapakita ngunit kailangan pa rin ng konting pagsasaayos pati na rin ang background music. Nangangailangan pa rin ito ng ilang mga pagsasaayos upang makuha ang interes ng higit pang mga manlalaro. Ang larong ito ay angkop para sa lahat ng edad at naa-access para sa lahat ng gumagamit ng Android, iOS, at PC na mas marami ang magiging bilang ng mga manlalaro na masisiyahan sa pag-drift ng sasakyan.

Konklusyon

Hindi na nakakapagtaka na ang Real Drift Car Racing ay napakahusay at tiyak na kahuhumalingan ng maraming manlalaro. Ang performance nito ay higit na gumanda simula nang mag-update ang program nito. Hindi ka magsisisi kung susubukan mo ang isang ito. Nagbibigay ito ng napakaraming features para ma-explore at maranasan ng maraming manlalaro.

Laro Reviews