Ano nga ba ang tunay na nangyari sa mga magulang ni Kapitan Aimee, paano sila nawala at matatagpuan pa kaya sila? Sa larong ito, tanging ikaw lamang ang makakatulong kay Aimee na muling maibalik sa kanyang piling ang matagal nang nawawalang mga magulang. Samahan siya sa mahabang paglalayag sa karagatan ng Carribean at gabayan siya sa paggawa ng mga desisyon.
Sa karagdagan, ang The Hidden Treasures: Objects ay mayroong dalawang game modes na pwedeng laruin. Ang una ay ‘Finding Hidden Objects’ at ang pangalawa ay Match 3. Sa naunang nabanggit na laro, layunin mong matagpuan ang lahat ng bagay na dapat mahanap. Habang sa pangalawang mode naman, maglalaro ka ng gem-matching kung saan ang gameplay nito ay kagaya sa kung paano nilalaro ang Candy Crush. Ang pinagkaiba lamang, sa halip na mga kendi, gems ang kailangan mong tanggalin sa board.
Upang maipagpatuloy ang paglalayag ninyo ni Aimee, kailangan mong maipanalo ang bawat hamong ibinibigay ng laro. Tungkulin mo ring pangalagaan si Aimee mula sa banta ng mga pirata sa kanyang buhay. Maliban pa rito, makikilala niyo rin ang iba’t ibang uri ng mga tao na maaaring makatulong sa inyo na matunton ang kinaroroonan ng nawawalang mga magulang ni Aimee.
Tips at Tricks sa Paglalaro
Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at tricks na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:
Ang pinakapangunahing layunin mo sa laro ay tulungan si Aimee na matagpuan ang kanyang mga magulang. Ngunit hindi magiging madali ang iyong paglalayag. Haharap kao sa maraming pagsubok sa daan kaya kailangan mong maging matalino sa mga desisyong gagawin habang isinasaalang-alang ang kaligtasan ninyong lahat.
Huwag ding basta-bastang magtiwala sa lahat ng makikila ninyong nag-aalok ng kanilang tulong dahil ang iba sa kanila ay may masamang balak. Pagdating naman sa paglalaro sa Finding Hidden Objects, kailangan mo lang ng talas ng mata upang mahanap ang lahat ng bagay na kailangan mong makita. Gumamit ng mga upgrade kung kinakailangan. Sa paglalaro naman sa Match 3, sikaping makagawa ng maraming combo upang higit na mas maraming coins at mga reward ang iyong makokolekta.
Sa paglalaro, dapat tandaang mayroon kang limitasyon. Hindi ka maaaring makapagpatuloy sa paglalayag, o maglaro sa dalawang game modes kung wala kang sapat na energy bar kaya upang masiguradong hindi ka mauubusan nito, sikaping maipanalo ang lahat ng mga level sa laro at makakolekta ng mahahalagang bagay upang tuloy-tuloy na madadagdagan ang dami ng iyong energy bar.
Hindi niyo rin maipagpapatuloy ang paglalayag kung hindi niyo makukumpleto ang mga hamong ibinigay sa inyo ng laro kagaya ng paghahanap sa mga nawawalang debris ng wrecked ship, makakuha ng port pass at iba pa. Napakahalaga ng bawat panalo sa laro dahil dito nakasalalay ang perang ipangtutustos niyo sa inyong mga pangangailangan at energy bar na siyang nagsisilbing lifespan mo sa laro.
Marapat na matulungan niyo rin ang mga taong manghihingi ng tulong sa’yo dahil kapag nagawa mo silang matulungan sa kanilang suliranin, tiyak na mayroon rin silang tulong na maibibigay sa’yo. Maaari mo ring ibenta sa trading store ang ilan sa mga bagay na iyong natagpuan habang naglalayag upang magkaroon kayo ng sapat na pera sa oras ng pangangailangan. Gayundin, maaari mong i-customize ang ship ni Aimee.
Mga Feature ng Laro
- Two-in-one game modes – Hindi lamang ang paghahanap sa mga bagay ang pwede mong laruin dito, sapagkat mayroon ding itong gem-matching kaya kung sawa ka na sa paglalaro sa unang mode, maaari kang lumipat dito.
- Storyline – Nakakatuwa rin ang feature na ito ng laro dahil dito mo makikilala nang husto ang bawat karakter. Maaari mo ring mapanood ang mga kasaysayan ng ilan sa mga lugar na iyong pagdadaungan.
- Lots of Characters – Bukod kay Aimee, napakarami pang in-game characters ang iyong makakasama sa paglalayag at bawat isa sa kanila ay may natatanging kwento ng buhay kaya mas binibigyang buhay ng feature na ito ang laro.
- Diary – Sa tulong ng talaarawan ni Aimee, makikilatis mong mabuti kung sino ang masama at kung sino ang mabuti sa mga makakasalamuha ninyong mga tao.
- Compass – Ang bagay na ito mayroong espesyal na kakayahan. Kaya nitong ituro sa’yo ang kinaroroonan ng mga hidden object sa nabanggit na unang mode ng laro.
- Collection – Dito naman matatagpuan ang lahat ng mga bagay na inyong nakolekta mula sa paglalayag at mga award na natanggap. Maaari mo silang ipunin lahat upang ibenta kapalit ng mga upgrade.
Saan maaaring i-download ang laro?
Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user, sa App Store para sa mga iOS user, at i-download ang laro sa Microsoft para naman sa mga PC user. Maaaring gamitin ang mga link sa ibaba:
Download The Hidden Treasures: Objects on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.g5e.thehiddentreasurespg.android
Download The Hidden Treasures: Objects iOS https://apps.apple.com/us/app/the-hidden-treasures-search/id1466926109
Download The Hidden Treasures: Objects on https://www.microsoft.com/en-ph/p/the-hidden-treasures-find-hidden-objects-mystery-match-3-puzzle-game
Pros at Cons ng Laro
Kung matagal ka nang naglalaro ng mga larong hidden object, tiyak na hindi na bago sa’yo ang gameplay ng The Hidden Treasures: Objects. Wala itong pagkakaiba sa kung paano laruin ang mga kalasikong laro sa nasabing genre. Ngunit, isa sa mga katangian ng larong ito na lubos na ikinagagalak ng Laro Reviews ay ang pagkakaroon nito ng magandang storyline. Maliban pa rito, may isa pa itong game mode na maaari mong laruin kapag nagsawa ka na sa paghahanap ng mga bagay.
Sa karagdagan, maaaliw ka rin sa mga in-game character na iyong makikilala sa laro kaya hindi mo mararamdamang mag-isa ka lamang na naglalaro. Nakakamangha rin ang tanawin ng mga islang inyong madaraanan kaya walang rason upang antukin ka sa paglalaro. Kung pag-uusapan naman ang ads, masasabi ng Laro Reviews na katamtaman lamang ang mga lumalabas na pop-ad. Higit sa lahat, isa pa sa mga bagay na kapuri-puri sa larong ito ay hindi ka makakaranas ng lag, o glitching kaya walang istorbo sa iyong paglalaro.
Sa kabilang dako, may ilang mga negatibong katangian rin ang larong ito na hindi dapat palampasin. Isa na rito ang napakadaling maubos na energy bar, ngunit napakahirap na makuha ito kaya kung sakaling maubusan ka ng energy bar, kailangan mo talagang gumastos ng totoong pera upang bilhin ito.
Konklusyon
Totoong hindi na bago sa gaming world ang mga larong hidden object. Ngunit hanggang sa ngayon, patuloy pa ring namamayagpag at tinatangkilik ng maraming tao ang larong The Hidden Treasures: Objects. Hindi naman kasi maaaring ipagkaila ng Laro Reviews na bukod sa magandang gameplay ng laro, mabubusog rin ang iyong mga mata sa makikitang mga tanawin. Bukod pa rito, talagang masusubok ang linaw ng iyong mga mata sa paghahanap ng mga bagay na hindi basta-bastang mahahanap. Kung curious ka sa larong ito, huwag ka nang mag-aksaya pa ng panahon. Hanapin na ang larong ito sa mga gaming store, at i-install sa iyong device.