Fruit Ninja Classic Review

Ano ang Fruit Ninja Classic?

Ang Fruit Ninja Classic ay isang nakaka-excite na mobile game. Ito ay ginawa ng Halfbrick Studios at nailabas noong Setyembre 17, 2010 sa mga Android devices. Opisyal na inilabas ang Fruit Ninja Classic 2.4.6, ang pinakabagong bersyon nito, noong Hulyo 22, 2020 para sa mga Android at iOS gadgets at kasalukuyang nagkakahalaga ng $0.74. Ang larong ito ay may rating na 4.4 out of 5 stars galing sa 90,000 reviews. Nagtala rin ito ng mahigit sa 1 milyon na download.

Ang larong ito ay medyo simple ngunit siguradong nakakahumaling. Mauunawaan mo na agad ang gameplay nito sa sandaling malaro mo ito. Ang tangi mong layunin upang manalo ay mag-abang at magbiyak ng pinakamaraming prutas na kaya mong hiwain upang maabot ang isang bagong High Score habang iniiwasang makapagpasabog ng mga bomba. Habang sumusulong ka sa laro at nakakakuha ng mas maraming experience, tumataas rin ang iyong level – mula sa Novice patungo sa pagiging champion. Ang larong ito ay may iba’t ibang mode, ngunit iisa lang ang layunin. Ang laro ay maaaring mai-download gamit ang sumusunod:

  • Download Fruit Ninja Classic on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.halfbrick.fruitninja
  • Download Fruit Ninja Classic on iOS https://apps.apple.com/au/app/fruit-ninja-classic/id362949845

Fruit Ninja Classic: Gabay para sa mga baguhang manlalaro

Hindi na kailangan na mag-register o mag-sign up upang makapagsimula sa paglalaro. Mae-enjoy mo kaagad ang nakakahumaling na larong ito na puno ng aksyon! Gayunpaman, maaari mong i-customize ang iyong profile sa pamamagitan ng pagpili ng sarili mong profile picture at nickname. Bukod pa rito, maaari mo ring iugnay ang iyong Facebook o Google Play account sa mga server ng laro upang madali mong ma-save ang narating mong level o progress ng laro. Ang pagli-link sa parehong account ay makakatulong ito sa iyo na i-import ang iyong naka-save na profile sa iba’t ibang device.

Ang laro ay gumagamit ng napakadali at simpleng gameplay. I-swipe lang ang iyong daliri sa screen para makahiwa ng mga prutas. Mayroon ding iba’t ibang mga mode na inaalok ng laro. Hatiin lang ang icon ng mode na gusto mong laruin para makapagsimula. Maaari kang pumili mula sa mga sumusunod:

  • Multiplayer

Maaari kang makipaglaro sa iyong mga kaibigan sa mode na ito. Ito ay nahahati sa Classic Attack at Zen Duel mode. Sa Classic Attack, maaari mong piliin ang iyong gustong bilis ng laro: Mabagal, Karaniwan, o Mabilis. Ang Zen Duel ay ang P2P mode ng laro. Maaari mong hamunin ang iyong mga kaibigan para magkaalaman na kung sino ang mas mahusay na fruit ninja! Maaari mo ring piliin ang iyong gustong oras ng laro: 30, 60, 90, 120, o 180 seconds.

  • Original

Ang mode na ito ay nahahati sa tatlong sub-modes: Classic, Arcade and Zen. Ang mga features sa bawat mode ay ang sumusunod:

Classic: Talunin ang high score ​​sa pamamagitan ng paghiwa ng maraming prutas hangga’t maaari habang iniiwasan ang mga sumasabog na bomba. Dapat mong hiwain ang bawat piraso ng prutas na lalabas sa iyong screen. Talo ka na sa laro kung hahayaan mong mahulog ang mga prutas ng tatlong beses nang hindi ito nahihiwa, o kaya naman ay kapag natamaan mo ang bomba.

Arcade: Ito ay isang laro na may limitadong oras lamang. Sikaping makapag-ipon ng maraming puntos hangga’t kaya sa loob ng 60 segundo at talunin ang high score. Makakakuha ka ng tulong mula sa mga power-ups tulad ng Berry Blast, Peachy Time, at Bomb Deflect. Mayroon ding mga espesyal na Banana na makakatulong sa iyo na makakuha ng mas maraming puntos. Ang aksidenteng paghiwa sa mga bomba ay makakabawas ng iyong oras, kaya iwasan ang mga ito upang tumagal sa laro at makakuha pa ng maraming puntos. Magtatapos ang laro sa kapag ubos na ang nakalaang oras.

Zen – Ito ay isang laro na may nakalaan lamang na limitadong oras tulad ng Arcade mode, ngunit walang mga bomba dito, bagkus ay mga prutas lamang. Sa tatlong Original na mode, ito ang pinakamadali. Mas mahaba rin ang oras na nakalaan dito na umaabot ng 1 minuto at 30 segundo.

Tips at Tricks

Ang paghiwa ng mga prutas bago mahulog habang umiiwas sa mga bomba ay mas madaling sabihin kaysa gawin lalo na kapag maraming prutas o bomba ang sabay-sabay na lumalabas sa iyong screen. Narito ang ilang tips at tricks upang maging isang mas mahusay na Fruit Ninja:

  • Kumalma at maging consistent

Hiwain kaagad ang prutas kapag nagkita ito sa tuktok ng iyong screen. Mas mahirap iwasan ang mga hindi inaasahang sorpresa kung maghihiwa ka ng mas mababa o malapit nang mahulog na target. Gayunpaman, mahirap itong panatilihin kapag ikaw ay medyo gigil na sa paglalaro. Lalo na kapag lumabas ang Pomegranate! Kapag ikaw ay gigil o kaya naman ay masyadong tense, makakahiwa ka ng maraming beses at maaari mong matamaan ang mga bomba. Kaya mainam na maging kalmado, katulad rin ng mga totoong ninja, sa lahat ng oras.

Mainam rin na maging consistent. Sa Arcade mode, ang kailangan mo lang gawin para ma-activate ang Blitzes ay maging consistent sa iyong mga combo. Habang pinapanatili mo nang mas matagal ang iyong mga combo, bibigyan ka nito ng mas maraming puntos.

  • Gumamit ng Power-ups

Magkakaroon ka ng kalamangan sa paggamit ng ilang mga Power ups. Ang mga karaniwang uri ng power ups ay Berry Blast, Peachy Time at Bomb Deflect. Ang mga power-up na ito ay mabibili bago ka magsimula ng laro at magagamit lang sa mga Original mode ng laro. Gayunpaman, hindi lahat ng power-up ay available sa lahat ng Original game mode. Maaaring makakuha ng mga power-up sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga misyon o panonood ng mga video na may kapalit na rewards.

  • I-check ang iba pang features

May iba pang mga feature sa Blades at Dojos menu na available lang sa Original game mode. Pumili ng mode pagkatapos ay i-tap ang maliit na pulang arrow sa ibaba – alinman sa Dojo o Blade menu – upang makita ang lahat ng laman nito. Ang lahat ng Blades at Dojos ay may partikular na kapangyarihan na lalabas lamang habang ikaw ay nagle-level up. Maa-unlock ang mga bagong makapangyarihang Blades at Dojo kapag naabot mo ang kinakailangang level para sa kanila.

Related Posts:

Stickman Legends: Offline Game Review

Make Up Battle Review

Mayroon ding mga Special Bananas sa Arcade mode. Ang Blue Stripes Banana ay nagbibigay ng ‘Score Times Two’ sa loob ng maikling panahon. Ang Red Stripes Banana ay nagbibigay ng ‘Frenzy’ kung saan lalabas ang maraming prutas sa iyong screen. Ang Frozen Banana ay nagpapabagal sa oras at sa mga prutas ng ilang sandali.

Dapat mo bang laruin ang Fruit Ninja Classic?

Ang Fruit Ninja Classic ay talagang isang kamangha-manghang laro para sa lahat. Walang duda na nakakahumaling at nakakatuwa ang larong ito. Kuhang-kuha ng Halfbrick Studios ang husay sa paggawa ng gameplay! Ang laro ay sobrang cool dahil mayroon itong napaka-responsive na mga kontrol. Tumpak ang bawat hiwa – masisisi mo ang iyong sarili kapag may may nakalusot na mga prutas sa iyong paningin.

Pagdating sa graphics ng laro, mapapanganga ka sa makulay nitong 3D graphics at visual effects tulad ng pagtalsik ng katas ng mga prutas. Talagang mahusay ang pagkakagawa nito at masasabi mo na mayroon itong kakaibang istilo. Kung ikaw ay isang fan ng mga mahuhusay at namumukod-tanging graphics, ang larong ito ay para sa iyo!

Ang Fruit Ninja Classic ay mayroong napakaraming kahanga-hangang feature na maipagmamalaki gaya ng maraming chapters nito, malalakas na espada, magagandang background, makatotohanang cut effects, at marami pang iba. Maaari ka ring makipaglaro sa iyong mga kaibigan sa Multiplayer mode. Makipagkumpitensya sa kanila upang makita kung sino ang makakahiwa ng mas maraming prutas gamit ang parehong device. Patunayan mong ikaw ang pinakamahusay na Fruit Ninja! Nagbibigay rin ng ito variability sa paglalaro. Maaari kang maglaro sa iba’t ibang bilis o iba’t ibang oras. Maging isang undefeated Fruit Ninja!

Kasama sa mga hindi mo gugustuhin sa laro ang randomness ng mga bomba. Minsan ang mga bomba ay lilitaw sa harap ng prutas, kaya wala kang magagawa kung hindi iwasan ang dalawa. Dahil dito, mawawalan ka ng buhay o matatalo ka sa game. Bukod pa rito, dapat rin na subukan ng mga developer na ayusin ang musika ng laro. Kung tutuusin, maganda naman ang tunog ngunit ito ay napapakinggan lamang sa home screen at walang musika na lumalabas kapag ikaw ay nasa aktwal na laro. Masasabing ito ay isang kahinaan dahil maraming manlalaro ang naeenganyong maglaro sa dahil sa musika at mga espesyal na sound effect. Panghuli, ang pagkuha ng high score minsan ay pahirapan dahil ang pagdating ng mga bonus ay swertehan lamang.

Gayunpaman, kung gusto mo lang namang maaliw at magkaroon ng simple ngunit nakakahumaling na libangan, Fruit Ninja Classic ang pinakamagandang laro para sa iyo. Napakadaling laruin, ngunit mapaghamon at nakakahumaling din!

Konklusyon

Ang Fruit Ninja ay talagang nararapat lamang sa katanyagan nito! Ikaw ba ay isang manlalaro na naghahanap ng isang laro na puno ng aksyon pero dapat chill pa rin? Magandang balita dahil ang Fruit Ninja Classic ay bagay na bagay sa iyo! Walang mga ad o in-game na babayaran sa premium na larong ito. Tiyak na masisiyahan ka sa ganda ng Fruit Ninja Classic bilang isang ultimate Fruit Ninja!

Laro Reviews