Zombies vs Heroes Review

Maligayang pagdating mga manlalaro! Dito sa artikulong ginawa ng Laro Reviews ay inyong makikilala ang isang kapanapanabik na laro. Ang Zombies vs Heroes ay isang turn-based card game na ginagamitan ng strategy sa inyong line up para manalo. Ito ay may temang pagkampi-kampi ng plants at heroes para kalabanin ang plants at Heroes mula sa ibang mundo. Ngunit ang lahat ng heroes ay naging zombie na. Sila ay nasa isang card game kung saan ikaw ang may control. Kaya humanap at bumuo ng pinakamalakas na line up upang manalo sa lahat ng katunggali mo.

Mga Tampok ng Laro

Ang tema ng larong ito ay katulad ng sa plants vs zombies ngunit may bagong twist dahil maaari na silang magkampi-kampi at magtulung-tulong upang matalo ang mga kalaban. Ang dami ring spoofs ng iba’t ibang characters mula sa mga popular na pelikula at anime na maaari mo itong ituring na buong pop culture ang ini-spoof nito. Para sa gameplay nito ay kailangan mong buong line up ng limang cards. Nakapaloob sa mga card na ito ang characters na maaring maging plant o heroes. Bawat isa sa mga card ay mayroong stats, skills at startup. Sa stats nakapaloob ang importanteng impormasyon tungkol sa cards tulad ng attack at defense nito. Ang skill ang special na attribute ng bawat card na nakakatulong sa kanila sa bawat laban. Ang start up naman ay tungkol sa pagpapalakas ng level ng iyong card sa pagtulong ng ibang cards sa iyo. Tandaang ang bawat card ay may sariling roles na importante sa pagbuo ng malakas at balanced na team. Pag-uusapan natin ulit ang topic na ito sa tips at tricks para sa mga nagsisimula pa lang. Maaari mo nang simulan ngayon ang story adventure mo kung saan marami kang makakalaban at pahirap nang pahirap sa bawat tagpo ngunit sulit ang rewards. Ito ang main storyline ng laro kaya marami rin itong boss na napaka-exciting makipaglaban. Mayroon din itong ibang challenges at arenas na pwedeng i-raid para sa mas maraming reward na makukuha at makakalaban. Ang arena naman ay kung saan ka maaaring humanap ng katunggaling ibang player at may rewards at rating ang mananalo.

Paano i-download ang Zombies vs Heroes?

Walang mga account na kailangan para makapaglaro. Pero maaari rin namang i-connect ito sa iyong Facebook o Google account para mas maraming rewards at para maiwasang mawala ang iyong account. Upang i-download ang larong ito para sa mga gumagamit ng Android, buksan ang iyong Google Play Store pagkatapos ay i-click ang search icon at i-type ang pangalan ng larong ito. Pagkatapos nito, i-click ang install button. Sa kasamaang palad, wala pa itong iOS at PC versions. Para sa mas madaling pag-access, maaari mo lamang i-click ang link sa ibaba.

Download Zombies vs Heroes on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ggna.zombiesvsheroes

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Kung ikaw ay baguhan sa mga card game, huwag kang mag-alala dahil ang Laro Reviews na ang bahala sa iyo upang mapadali ang iyong buhay. Ang Zombies vs Heroes ay napakadaling laruin dahil isa lamang itong turn based card game kung saan nakabase sa pangkalahatang lakas ng iyong cards at sa pagkakasunud-sunod ang tsansa mong manalo. Ngunit ang larong ito ay medyo nakakalito sa dami ng quests, storyline, at challenges na pwede mong pasukin at ito ay medyo nakakalula sapagkat ikaw ay baguhan lamang. ng tutorial nito ay medyo mahigpit at mahirap intindihin. Ngunit kung susundin mo ito ay madali lang para sa iyong maintindihan kung ano ang ipinagagawa sa iyo. At para mas mapadali ito, narito ang mga dapat mong tandaan:

Card section – Ang lahat ng cards na iyong nakuha at napanalunan ay dito maaaring i-level up at i-reborn o tanggalin ang mga hindi na ginagamit na card.

Forge – Ito ay para sa item na inilalagay sa bawat card na nakukuha sa rewards sa bawat panalo. Maari mo itong i-upgrade sa forge para mas mapabuti.

Training grounds – Kapag nahihirapan ka sa story adventure ay maaari kang pumunta rito para manalo ng resources pang-level up sa iyong cards.

Pano bumuo ng ng malakas na line up?

Depensa muna bago opensa. Malaking bagay ang may malakas na defense sa larong ito dahil sila ang bumubuhay ng SPD o Attack mo kaya huwag mong kalimutang mag-5- star defense cards sa daily rewards at iyon ay si Captain America na makukuha mo sa day 2.

Para sa offense namang mas efficient na may AoE ang mga card tulad ng Calla lily o ng Lemon soldier na kayang mag-damage sa higit sa isa sa bawat skill nila.

Panghuling tips ay ang redeem codes. Para ito sa’yo kung gusto ng mas maraming rewards sa simula ng laro. Hanapin lamang ang redeem button sa iyong profile para iclaim at i-type ang mga sumusunod na redeem codes:

VIP777

LUCKY777

VIP666

LUCKY333

VIP888

Kalamangan at Kahinaan

Ang larong ito ay nakaka-enjoy talaga dahil sa magandang animation nito at napakaraming characters na pwede mong makuha. Mula na rin ito sa mga spoof o cameo ng iba’t ibang characters mula sa mga sikat na pelikula o anime man. Maari mong makuha at malaro sina Captain America, Goku at Harry potter kahit na zombie na nga lang sila pero napakaastig pa rin. Madami rin itong original na design para sa mga plant type nitong magaganda at malalakas din ang power. Sa paglalaro, maganda ring maaari mong i-rebirth ang mga lumang card na gamit mo. Kapag may lumang card na na-level up mo ay maaari mo itong isakripisyo upang maibalik ang resources na nagamit mo at maaari mo itong gamitin sa pagpapa-level up ng mga bagong card. Online rin ang laro at maaari kang makipag-chat at makipaglaban sa ibang players at marami rin silang server para sa mas mabilis na gameplay. Ang hindi ko lang nagustuhan sa larong ito ay kailangan nito ng internet para malarong nakakaubos ng mobile data at kung minsan ay napupuno ang server kaya hindi ka makapasok o mag-iiba ka pa ng server. Ang dami ring pwedeng gawin na kung minsan ay nakakalito na lalo sa home page nito.

Konklusyon

Nagustuhan ko talaga ang larong ito, dahil madali lamang makakuha ng magagandang cards at napakaraming magagandang cards. Marami rin itong freebies at rewards na makakatulong sayo para madali ang pagpapa-level up. Nakaka-enganyo rin ang PvP at PK nito dahil maaari kang makipaglaban sa ibang manlalaro. Kung ang hanap mo ay classic na strategic card game, ito ang para sa iyo.