Marami sa atin na ang tanging alam lang sa mga online game ay combat, RPG at puzzle. Ngunit marami rin sa atin ang hindi pa nakakaalam na taun-taon, kagaya ng larong Call of Duty at FIFA, sumasailalim rin sa maraming pagbabago ang mga simulation sport game na kagaya ng Soccer Manager 2022- Football, isang laro kung saan inaatang sa iyo ang malaking responsibilidad na bumuo ng isang God-tier na soccer team, o sa madaling salita, gagampanan mo ang role ng isang soccer manager sa larong ito.
Noong nakaraang edisyon, binigyan ng oportunidad ang mga manager na maging mahusay sa kanilang role na ginagampanan, at tumuklas ng higit pang mga kaalaman kung paano ganap na pamahalaan ang kanilang mga sariling koponan. Sa taong ito, itinatampok ng laro ang mas maraming skill na pwedeng matutunan at ang data files kung saan makikita ang statistics summary at performance na ipanapakita ng iyong koponan.
Sa karagdagan, noong nakaraang taon, ang laro ay nagtataglay ng napakahabang starting menu at text display. Ngunit ngayon, kaunting swipe na lang ay pwede na agad makapaglaro ng wala nang marami pang button na dapat pindutin. Sa pagsisimula, tuturuan ka ng laro ng mga basic na dapat gawin bago ka sumalang sa season games. Pagkatapos nito, maaari ka na ring magsimula sa pagre-recruit ng iba pang staff at mga batang manlalaro na ihahanda para sa potential league promotion. Sa taon ding ito inilunsad ang mga friendly game na itinuturing bilang pre-season tournament at pagkakaroon ng mga assistant managers na may malaking papel na ginagampanan sa laro.
Tips at Tricks sa Paglalaro
Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at trick na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:
Mahalaga na makilala ang bawat manlalaro na ilalagay sa team at malaman ang kanilang mga kakayahan kaya sa tulong ng bagong feature ng laro na Search System, dapat na maging mabusisi ka sa pagpili. Laging bumatay sa statistics at edad ng mga manlalaro.
Bago pa man makapili ng mga manlalaro, kailangan mo na magkaroon ng sapat na pera upang bumili ng magagaling na uri ng players. Ngunit dahil bago ka pa lamang sa laro, wala ka pang sapat na mapagkukunan kaya napakahalagang magkaroon ng sponsorship deal sa mga kilalang brand upang matustusan ang mga pangangailangan ng players at makabili ng mga upgrade.
Hindi lamang pisikal na katangian ng iyong mga manlalaro ang dapat mong bantayan, mahalaga na palagi mong nasusuri ang sikolohikal na aspeto ng bawat manlalaro lalo na ang mga player na hindi mo nagagamit sa laro dahil bumababa ang morale ng mga ito hanggang sa magkasakit at tuluyan nang bumaba ang kanilang statistics.
Sa laro, napakahalaga rin na makinig sa mga sinasabi at suhestiyon ng iyong Assistant Manager dahil mas alam nila ang nangyayari sa loob ng soccer field kabilang na ang mga strategy na ginagawa ng mga kalaban.
Sikapin rin na makapagtala ng maraming panalo dahil bawat barya ay napakahalaga sa laro lalo pa at habang tumatagal, mas lalo ring tumataas ang hinihinging talent fee ng iyong mga star player. Kung hindi maiiwasan na kulangin sa pera, maaaring pumunta sa Transfer Market upang mag-loan at mag-set ng pre-contract sa mga nais bilhing manlalaro.
Upang siguraduhin na nasa kondisyon ang iyong mga manlalaro sa lahat ng larong sasalihan, huwag kakalimutan na gamitin ang Training Facility upang isalang sa ensayo ang iyong buong koponan. Mahalaga rin na marunong kang humawak ng iyong pera kaya sa pamamagitan ng Club Zone Facility magagawa mong kontrolin ang mga natatanggap na revenue at i-upgrade ang iyong mga TV revenue at merchandise.
Features ng Laro
- Lots of Players to choose from – Sa larong ito, magagawa mong makapili ng iyong mga player mula sa mahigit 900 participating soccer clubs.
- Manage your own dream team – Bumuo ng sarili mong soccer team ayon sa iyong kagustuhan. Ikaw ang laging magdedesisyon sa mga bagay na gusto mong ipagawa sa iyong koponan at bawat tactic na dapat gamitin sa oras ng mga laro.
- Training Reports – Makikita sa feature na ito ng laro ang iyong mga improving player, peak player at declining player. Ang mga improving player ay nagpapakita ng magandang potensyal upang maisali sa iyong line-up. Ang mga potential player naman ay mga manlalarong ganap ng magagaling. Habang ang mga declining player naman ay nangangailangan gamitan ng boost at upgrades.
- Training Drills – Mahalagang mapanatiling malusog at malakas ang iyong koponan kaya mahalaga rin na magkaroon sila ng maraming training drills na nalalaman. Sa tulong ng pag-update sa Training Facility, magkakaroon ka ng mas maraming training drill slots na makukuha.
- Facility Finances – Sa pamamagitan ng Club Zone Facility Finances, makikita mo rito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa progreso ng iyong koponan, income history na natatanggap ng iyong koponan at levels of injury at recovery ng bawat manlalaro.
Saan maaaring i-download ang Laro?
Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user, sa App Store para sa mga iOS user at kailangan naman na i-download ang Android emulator sa PC para gumana ito. Maaaring gamitin ang mga link sa ibaba:
Download Soccer Manager 2022 – Football on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.soccermanager.soccermanager2022
Download Soccer Manager 2022 – Football on iOS https://apps.apple.com/td/app/soccer-manager-2022/id1549696616
Download Soccer Manager 2022 – Football on https://www.bluestacks.com/apps/sports/soccer-manager-2022-on-pc.html
Pros at Cons ng Laro
Kung ikukumpara ang Soccer Manager 2022 – Football sa mga nagdaang edisyon nito, kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa graphics ng laro. Isang 3D match gameplay ang inihahandog ng laro ngayon kung saan higit na mas makulay na ang makikita sa screen ng iyong device. Higit na mas maganda na rin ang mga stadium dahil mas detalyado na ang pagkakagawa sa mga ito at nadagdagan din pati ang dami ng animation.
Ang pagkakaroon ng Data Center na feature ngayong edisyon ng laro ay masasabi ng Laro Reviews na isa sa pinakamagandang additional feature na ginawa ng developer. Sa nasabing center na ito mababasa ang data reports kaya malalaman mo rito kung ano ang mga kalakasan at mga kahinaan ng iyong koponan at maging kung sino sa mga manlalaro mo ang mahuhusay at mahihina.
Ngunit sa kabila ng maraming feature na nadagdag ngayong taon, hindi pa rin nabibigyang solusyon ng laro ang problema sa ads dahil bukod sa mga optional ad, iinit din ang ulo mo sa dami ng mga pop ad na lumalabas. Maging ang problema sa glitching at lagging ay hindi pa rin tuluyang nawawala sa larong ito. Maliban pa rito, bukod sa pataas ng pataas ang hinihinging talent fee ng mga star player, madalas din na magkaroon ng injury ang mga manlalaro mo kahit nasa training pa lang kaya hindi maiiwasan na talagang mairita ka dahil maging ang mga nakatalagang physiotherapist at sport scientist ay wala rin masyadong nagagawa upang mapadali ang recovery ng mga injured player.
Konklusyon
Upang malaro ang Soccer Manager 2022 – Football, kailangan na ang gamit mong device ay may mataas na Android version, o mayroong malaking storage upang magawa itong ma-install. Bukod sa mga nabanggit na negatibong katangian ng Laro, lubos pa ring naniniwala ang Laro Reviews na ang kasalukuyang bersyon ay ang pinakamaganda sa lahat. Subalit, nararapat pa ring pagtuunan ng pansin ng developer ang matagal nang problema sa ads. Kung naghahanap ka ng isang magandang sport-game simulation, tiyak na magugustuhan mo ang larong ito.