Baby Panda’s City Review

Baby Panda’s City – Mag-enjoy sa iba’t ibang establisyimento sa isang lungsod! Maging ito ay salon, hotel, mall at iba pang mga gusali o shop, lahat ay makikita at mapupuntahan mo sa larong ito. Matuto at magsaya habang nararanasan ang iba’t ibang propesyon. Ito ay isang kamangha-manghang educational app lalo na para sa mga bata.

Mayroon itong 5 lungsod na maaari mong tuklasin at sa bawat isa ay may iba’t ibang gusali na pwede mong puntahan. Maaari kang maging isang chef, magsasaka, stylist, at marami pang iba. Makakatulong ito sa iyo sa pagtuklas ng iyong hilig sa hinaharap.

Ano ang layunin ng laro?

Ang laro ay eksklusibong idinisenyo para sa mga bata na nagsisimulang tumuklas at magtanong tungkol sa mga bagay-bagay. Alam natin na likas na sa mga bata ang maging mausisa dahil hindi pa nila masyadong nauunawaan ang ilangsitwasyon. Narito na ang app na magbibigay ng may iba’t ibang aktibidad na magpapalawak ng kaalaman ng mga bata. Natural na ang atensyon ng mga bata ay mabilis na mailihis ng iba’t ibang impluwensya sa kanilang kapaligiran. Ang larong ito magbibigay ng kasiyahan sa mga bata habang natututo rin.

Ang layunin ng laro ay tiyakin na ang karamihan ng mga gumagamit nito, pangunahin na ang mga bata, ay matuto mula rito. Ang bawat lungsod dito ay may iba’t ibang mga tindahan at negosyo kung saan maaari mong subukan ang iba’t ibang mga bokasyon. Maaari kang magtrabaho bilang chef, magsasaka, makeup artist, basurero, at iba pa.

Paano ito laruin?

Sa totoo lang ay napakahirap isa-isahin ng mekaniks dahil ang bawat building dito ay may kanya-kanyang uri ng trabaho. Naglalaman ito ng iba’t ibang mga establisyimento kaya nag-iiba ang gameplay depende sa uri ng building na mapupuntahan mo. Maaari mong simulan kaagad ang paglalaro kapag natapos mo nang i-download at i-install ang app. Maaari mong piliin kung anong lungsod ang gusto mong bisitahin pero dapat mo muna i-download ang bawat building at maghintay upang malaro ito.

Ang app na ito ay gumagamit ng malaking space sa iyong storage device, kaya mas mabuting mag-clear muna ng bahagya sa storage ng phone o tablet bago mag-download. Ang mga resources ng bawat feature ay kailangan ding i-download muna. Mayroon itong opsyon na pwede mong bilhin ng totoong pera ang in-app purchases upang ma-unlock ang lahat ng features nang sabay-sabay at hindi mo na kailangang i-download ng pa isa-isa.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Baby Panda’s City sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 9.0. Ang space na dapat ilaan para sa app kung Android ka ay 88 MB at 348.4 MB naman para sa iOS.

  • Download Baby Panda’s City on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.sinyee.babybus.city
  • Download Baby Panda’s City on iOS https://apps.apple.com/us/app/baby-pandas-city/id1561117155
  • Download Baby Panda’s City on PC https://napkforpc.com/apk/com.sinyee.babybus.city/

Hakbang sa paggawa ng account sa Baby Panda’s City

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Baby Panda’s City. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka na nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account dahil sa oras na inalis na ito sa mga device ay hindi na mase-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Baby Panda’s City!

Tips at tricks sa paglalaro ng Baby Panda’s City

Ang larong ito ay walang kahit anumang kakaibang technique. Malayang magagamit ng mga bata ang kanilang imahinasyon para tumuklas ng mga bagay-bagay. Ito ay isang educational app para sa mga bata na maaaring maging daan para sila ay matuto habang nagsasaya. Payagan ang mga bata na laruin ito dahil maganda ang maidudulot nito sa kanila. Lahat ng maaari nilang makuha dito ay maiuugnay sa edukasyon at pagkatuto.

Mahirap banggitin ang bawat mekaniks dahil magkakaiba ang mga ito batay sa lungsod at building na nakapaloob dito. Kung nagtatrabaho ka sa isang restaurant, malamang na gaganap ka bilang isang chef. Walang rules or kumpetisyon sa larong ito. Palalawakin at pauunlarin nito ang isip at kamalayan ng mga bata sa iba’t ibang larangan. Sa panahon ngayon, maituturing itong isang complete package bilang paraan sa pagtuturo sa mga bata. Dapat nating higit na gamitin ang teknolohiya upang gawing mas madali ang mga bagay.

Pros at cons sa paglalaro ng Baby Panda’s City

Maraming magulang ang natuwa sa larong ito dahil bukod sa paglalaro ay nagsisilbi rin itong instrumento para matuto ang kanilang mga anak. Nakatanggap ang Baby Panda’s City ng mga positibong reaksyon mula sa karamihan ng mga magulang dahil sa ilang aspeto ng laro. Sa laro ay mayroong voice-over o tila isang virtual teacher na nagpapaliwanag at nagbibigay-aliw sa mga bata. Ito ay tulad ng isang guro na nagtuturo sa mga bata kung ano ang dapat gawin at pumupuri sa kanila kapag ginagawa nila ito ng tama. Bawat instruction ng laro ay ipapaliwanag kaya ang bata ay matututo kahit walang patnubay ng magulang. Mayroon din itong nakaka-engganyong visual effects at graphics. Nagtatampok ito ng mga cute na hayop bilang mga karakter sa bawat laro.

Related Posts:

1945 Air Force: Airplane Games Review

456 Squid: Survival Red Light Review

Isa rin itong mobile app na maaari mong laruin at dalhin kahit saan. Maaari mo rin itong laruin offline at hindi na nangangailangan ng koneksyon sa internet o mobile data. Kasama sa programa ang mga in-app purchases na nag-aalok sa iyo na bumili ng mga feature na babayaran gamit ang totoong pera. Sa sandaling nakuha mo na ito, magagawa mong ma-access ang lahat ng mga feature o iba-ibang lungsod nang sabay-sabay. Sulit itong paglaanan ng pera dahil ito ay para sa ikabubuti ng mga bata. Ito ay mura at matipid din. Ang tanging downside sa program na ito, kung ayaw mong bilhin ang mga lungsod ay kailangan mong matiyagang maghintay para ma-download ang ilan sa mga bagay na minsan ay napakatagal dahil sa laki ng space na dapat ilaan sa iyong device.

Konklusyon

Ito ay isang program na makakatulong sa pag-aaral ng mga bata. Hayaang lumawak pa ang kanilang imahinasyon at mas magamit sa magandang pamamaraan. Mas mapapabuti nito ang kanilang isipan dahil sa pagdiskubre ng mga bagay-bagay. Ito ay nagtatampok din ng iba’t ibang propesyon na maaaring makatulong sa kanila upang malaman kung ano ang kanilang nais o pangarap sa buhay.

Laro Reviews