Ang Figure Fantasy ay isang solo-player, role-playing game na inilunsad noong Nobyembre 17, 2021. Ito ay mula sa Komoe Game Limited, isa sa mga nangungunang mobile game distributor sa Timog Silangang Asya. Ang kumpanyang ito ay itinatag noong Pebrero 2021. Sa kasalukuyan, mayroon na silang limang larong nailunsad at ang lahat ng ito ay mainit na tinanggap ng mga manlalaro sa buong mundo.
Ang layunin sa larong ito ay lumikha ng isang koponan ng anime figurines upang talunin ang mga kalaban. Ang mga manlalaro ay magsisilbing master at tagapag-alaga ng mga ito. Kailangang matugunan ang mga pangangailangan ng figurines at maitago ang kanilang lihim.
Paano I-download ang Laro?
Maaaring i-download ang Figure Fantasy app sa Android o iOS devices. Hanapin lang ito sa App Store o sa Play Store at i-download. Kung gumagamit ka ng laptop o desktop sa paglalaro, maaari mong i-access ang laro sa anumang mga gaming website o i-download ang app sa iyong computer gamit ang isang emulator. Maaari mo ring gamitin ang mga sumusunod na download links mula sa Laro Reviews:
- Download Figure Fantasy on iOS https://apps.apple.com/us/app/figure-fantasy/id1581721115
- Download Figure Fantasy on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.komoe.fsgp
- Download Figure Fantasy on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/figure-fantasy-on-pc.html
Figure Fantasy: Gabay para sa mga Manlalaro
Para ma-enjoy ang larong Figure Fantasy, kailangan mo ng internet connection. Maaari kang magsimula gamit ang isang registered account o kaya ay ang pag-login bilang guest. Para magparehistro, i-link ang iyong email address at i-verify ito. Huwag kalimutan na i-click ang “I agree” na tugon sa User Agreement at Privacy Policy ng laro.
Ang larong ito ay hango sa kwento ng lihim na buhay ng figurines. Bilang manlalaro, ikaw ay magkakaroon ng tsansa na matuklasan ang kanilang sikreto. Ikaw ang magsisilbingmaster at tagapangalaga ng mga ito. Marami kang responsibilidad na dapat gampanan tulad ng pag-aalaga sa kanila ng tama, pagprotekta laban sa mapaminsalang mga hayop, at paninigurado na sila ay hindi mababasa o kaya ay labis na maiinitan. Kapag sila ay nabasa, nasisira ang kanilang kulay at kapag nababad naman sa matinding init, sila ay natutunaw. Kailangan mo ring itago ang kanilang lihim.
Ang mga bidang figurine ay mayroon ding pabagu-bagong emosyon kaya, hindi magiging madali ang papel na gagampanan mo. Mayroon itong battle mode kung saan maaari kang sumali sa mga labanan. Kailangan mong bumuo ng grupo ng figurines at manalo laban sa mga masasamang loob.
Ang sumusunod ay ang iba’t ibang klasipikasyon ng figurines:
- Helpers
Ang mga Helpers ang pinakamapapakinabangang klase sapagkat marami silang pwedeng gampanang roles. Sila ay nagbibigay ng buffs at pwede ring makatulong sa pagpapagaling.
- Specialists
May kakayahan silang ma-control ang mga grupo. Ang kakayahan nila ay nakapokus sa pag-buff ng mga kakampi at pag-debuff naman sa mga kaaway.
- Defenders
Ang kakayahan ng mga defender ay nakasentro sa pagdepensa sa mga kasamahan. Sila ang nagsisilbing pagtatanggol at tagasalo ng atake mula ng mga kaaway.
- Militarists
Hindi tulad ng Defenders, ang Militarists ay mahusay pagdating sa pag-atake subalit mababa naman ang defensive skills.
- Vanguards
Ang Vanguards ay kayang umatake nang malapitan. Ang kakayahan nila sa pagdepensa at pag-atake ay pantay.
Ang hex grid ay nagsisilbing gabay mo sa battleground. Sa tulong nito, malalaman kung paano ang tamang pagposisyon sa figurines. Matutukoy mo rin kung anong direksyon at hanggang saan ang abot ng kanilang atake. Kailangan mong ilagay ang Defenders sa unahan upang masalo nila ang lahat ng atake ng kalaban at protektahan ang kanilang kasamahan. Sa pamamagitan ng tamang estratehiya, tataas ang tsansa mong manalo. Pwede mong subukan ang iba’t ibang kumbinasyon at tukuyin kung alin sa mga ito ang pinakaepektibo.
Hindi mo rin dapat palampasin ang pagsali sa special events sa laro dahil makakakuha ka rito ng mga espesyal na papremyo. Kung sawa ka na sa pakikipaglaban o kaya ay nais mong matuto ng ibang diskarte sa laro, pwede mong subukan ang scout features. Sa pamamagitan nito, pwede kang manood ng mga aktwal na labanan sa pagitan ng ibang manlalaro. Maaari mo ring gamitin ang pagkakataong ito upang masubaybayan at pag-aralan ang mga estratehiya ng mga kalaban.
Pagdating naman sa pagpili ng figurines na ilalaban, dapat mong isaalang-alang na ang mga ito ay gawa ng limang mga manufacturer: Lets Red, Tenma, Snow-A, Night-9, at Galatea. Kung gagawa ka ng hukbo, kailangan mong i-check ang manufacturer ng bawat figurine na gagamitin mo. Mas mainam kasi na ang mga ito ay gawa ng iisang kumpanya lamang. Huwag mo ring kalimutan na i-upgrade ang mga figurine nang regular upang mapataas ang kanilang skills at ability levels. At kung sakaling mahumaling ka sa paglalaro at gusto mong mapabilis ang iyong pag-level up sa pamamagitan ng in-app purchase, i-click lamang Store icon. Dito mo makikita ang ibinebentang in-app packages. Mas mainam bilhin ang mga abot-kaya at discounted na offers upang makatipid.
Related Posts:
Forsaken World: Gods and Demons Reviews
Family Island™ – Farming Game Review
Figure Fantasy: Pros at Cons ng Figure Fantasy
Maraming manlalaro ang naaaliw sa larong ito na may hindi pangkaraniwang konsepto. Ang de-kalidad na graphics, animation, at character design ay nakakamangha at makulay. Kung ikaw ay tagahanga ng anime, tiyak na kaaaliwan mo ito dahil nagtatampok ito ng ilang mga sikat na anime characters. Nakakahumaling din ang gameplay nito. Kakaiba at mas simple ang game controls kung ikukumpara sa mga pangkaraniwang RPG. Bukod sa pakikipaglaban marami ka pang mga aktibidad na pwedeng gawin sa laro.
Sa kabilang banda, ang isa sa cons ng Figure Fantasy ay ang mga isyung teknikal nito katulad ng connectivity issues kapag gumagamit ng mobile data. Kailangan ding ma-optimize ang mobile app dahil sa glitches at bugs. Nakakaistorbo rin sa paglalaro ang paulit-ulit na pop-ups. Ang English translations nito ay mali-mali at nakakalito. Ang mabagal nitong story progression ay nakakairita, bagaman hindi nakakaapekto sa gameplay ang paglaktaw sa mga hindi mahahalagang bahagi, nagdudulot pa rin ito ng pagkainip.
Konklusyon
Makalipas ang mahigit sa dalawang buwan pagkatapos ilunsad, ang Figure Fantasy ay nakakuha ito ng average rating na 4.1 stars mula sa mahigit 23,000 reviews sa Play Store. Mayroon naman itong 4.2-star rating mula sa mahigit 500 reviews sa App Store.
Ang aesthetics ng Figure Fantasy ang itinuturing ng Laro Reviews na kalamangan nito sa iba. Ang character design at 3D graphics nito ay kahanga-hanga. Maraming mga manlalaro ang tiyak na nahuhumaling sa kaakit-akit nitong visual presentation. Ang kwento ng larong ito ay may pagkakatulad din sa sikat na pelikulang Toy Story. Sa kabuuan, kung gusto mong sumubok ng bagong uri ng laro tulad ng idle RPG, kailangan mo itong subukan.
Laro Reviews