Ang Clash of Lords ay isang mobile strategy game kung saan kailangan mong bumuo ng isang kaharian, umatake sa village ng ibang manlalaro, at makipag-alyansa sa ibang manlalaro at bumuo ng mga clan. Mula nang i-release ng Supercell ang larong ito, marami ng mga laro ang naimpluwensyahan at sinubukang gayahin ang formula nito.
Hindi naman natin masisisi ang game developers nito. Noong 2015, Clash of Clans ang top grossing mobile game sa Google Play at App Store. Sa katunayan, marami ng laro sa Google Play at App Store ang kagaya ng Clash of Clans. Ang isa sa mga larong ito ay ang Clash of Lords: Guild Castle na ultimo pangalan ay sa Clash of Clans din hinango.
Para sa ating Laro Reviews article ngayon, titingnan natin kung ang Clash of Lords: Guild Castle ay isang copycat lang ng bestselling na laro o kumuha lang ng impluwensya mula rito.
Clash of Lords: Guild Castle
Ang Clash of Lords: Guild Castle ay isang mobile strategy game. Sa larong ito, isa kang Lord kung saan nawasak ang iyong kaharian at kailangan mo ulit itong buuin. Ngayong bumubuo ka ng sariling kaharian, kailangan mong sugurin ang outpost ng kalaban upang maghiganti at makakuha ng resources para sa iyong kaharian.
Kung pagbabatayan naman ang storyline nito, may isang Great Lord na nagmamay-ari sa Ancient Continent. Masayang naninirahan ang mga tao sa Ancient Continent sa ilalim ng kanyang pamumuno. Subalit, nagbago ang lahat ng ito matapos niyang mamatay. Nabalot ng kadiliman ang kaharian at nasakop ang Ancient Continent. Nasa kamay mo ang susi upang bumuo ng mas malaking kaharian upang wasakin ang kasamaan.
Game features
Ang isa sa features ng larong ito ay ang mga hero. Ang mga hero sa larong Clash of Lords: Guild Castle ay ang ginagamit mo upang umatake sa outpost ng kaaway at iba pang manlalaro. Ang mga hero sa Clash of Lords: Guild Castle ay may kanya-kanyang skills na pwede mong i-activate real time.
May mga tauhan at mercenaries ka rin na pwedeng sanayin sa larong ito. At gaya ng ibang strategy games para sa mobile phones, maaari mo ring palaguin sa Clash of Lords: Guild Castle ang mga tauhang ito upang mas lalo silang lumakas. Sa kaso naman ng mga hero, maaari mo rin silang i-upgrade upang mas lumakas. Pagdating sa Level 10, maa-unlock mo ang kanilang talents. Maaari ring mag-evolve ang mga hero sa larong ito.
Related Posts:
Vikings: War of Clans strategy review
War Alliance – PvP Royale review
Kailangan mo ring bumuo ng mga gusali sa Clash of Lords: Guild Castle upang mas lumawak ang iyong kaharian. Sa unang bahagi ng larong ito, ang tatlong uri ng gusali na kailangan mong pagtuunan ng pansin sa larong ito ay ang mga gusali para sa resources, defense, at military dahil ito ang magbibigay sa iyo ng mga una mong kailangan sa laro.
Gaya ng larong Clash of Clans, mayroon ding Town Hall ang larong ito na kailangan mong i-upgrade dahil dito mo mas mapaparami ang iyong pwersa at gusaling maaaring itayo.
Pagdating naman sa mga pag-atake, may player vs. environment (PvE) mode ang larong ito na sumusunod sa storyline nito at mayroon ding player vs. player (PvP) mode kung saan maaari kang mang-raid o umatake. Kapag sumali ka sa isang alyansa, mas lalakas ang iyong pwersa at maaari ka na ring makipagdigmaan sa mga manlalaro sa buong mundo.
Saan maaaring i-download ang Clash of Lords: Guild Castle
Gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro.
Download Clash of Lords: Guild Castle on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.igg.clash_of_lords
Download Clash of Lords: Guild Castle on iOS https://apps.apple.com/us/app/clash-of-lords-2/id1012274724
Tips at Tricks para sa Clash of Lords: Guild Castle
Ang una mong kailangang gawing prayoridad sa larong ito ay ang pag-upgrade sa iyong Town Hall. Ang Town Hall ang sentro ng iyong kaharian at kapag nawasak ito ng kalaban, tapos na ang raid at awtomatikong talo ka na. Dapat mo itong i-upgrade hindi lang para mas tumibay pa ito, kung hindi para rin mas dumami ang mga sundalong maaari mong maarkila at mga gusaling maaaring ipatayo.
Ngunit, kailangan mo ring isipin na dapat sabay sa pag-upgrade ng Town Hall ang iyong buong base. Kung uunahin mong i-upgrade ang iyong Town Hall pero mahina ka pa sa depensa, makakaharap mo ang mga manlalarong may parehas na Town Hall level pero mas maraming upgrades pagdating sa gusali at mga units.
Sa katunayan, dapat mong i-upgrade sa umpisa pa lang ang iyong mga sundalo, tapos mga gusali. Kapag maxed out na lahat ng ito, saka isunod ang Town Hall. Pagdating naman sa pag-atake, mas mainam ang estratehiyang quantity kaysa quality sa Clash of Lords: Guild Castle. Subalit, huwag mong kalilimutang mabisa lang ang opensibang ito kapag maganda ang kalidad ng mga sundalo.
Pros at Cons ng Clash of Lords: Guild Castle
May kaibahan ang Clash of Lords: Guild Castle sa Clash of Clans gaya ng proseso sa pag-upgrade ng mga hero at pagkakaroon ng campaign. Maliban sa mga kaibahang ito, masasabi mo na ang larong ito ay isang malaking kopya lang ng Clash of Clans sa puntong pati ang pangalan nito ay isang salita lang ang ipinagkaiba sa sikat na laro.
Sige, ipagpalagay na nating may kaibahan ang Clash of Lords: Guild Castle pagdating sa ilang bagay, pero ang gameplay at graphics? Kulang na lang ay sabihin mong isang bootleg copy ng Clash of Clans ang Clash of Lords: Guild Castle. Kung ang ginawa nila ay isang larong kaparehas ng mechanics ng CoC pero iba ang tema, maaari pa sana itong mapagbigyan.
Para sa Laro Reviews, maganda naman ang Clash of Lords: Guild Castle. May mga konsepto itong unique sa Clash of Clans, halimbawa nito ang mga resources na ginagamit sa laro. Pagdating sa units, iba rin ang approach ng Clash of Lords: Guild Castle dahil tinatrato nila ang mga hero na para bang nasa isang MOBA game ang mga ito dahil sa equipment na dala nila.
Marahil, itinatanong mo pa rin kung saan banda nagmukhang Clash of Clans ang larong ito. Ang sagot diyan – sa mechanics at packaging.
Konklusyon
Maganda sanang laro ang Clash of Lords: Guild Castle at hindi maikukumpara sa Clash of Clans pero dahil sa title, mechanics, at graphics nitong kagaya ng laro mula sa Supercell, nagmumukha itong bootleg version nito.
Laro Reviews