Ang Horus Heresy: Legions Trading ay isang competitive, card battler game. Ang larong ito ay inilabas noong Hulyo 25, 2018 ng Everguild Ltd., isang UK-based Android game developer. Sa kasalukuyan, mayroon na itong mahigit sa isang milyong downloads sa Google Play Store.
Ang layunin ng mga manlalaro dito ay talunin ang Warlords ng mga kalaban at maging isang legendary Warmaster! Kailangan nilang maglunsad ng mga atake upang maubos ang health points ng kalabang Warlord. Sa ganitong paraan tuluyang mapapabagsak ang buong unit ng kalaban at manalo sa labanan.
Paano I-download ang Laro?
Ang game app na ito ay available sa Play Store at sa App Store. Kaya maaari itong laruin gamit ang Android at iOS devices. Maaari rin itong ma-enjoy sa mga laptop o desktop sa pamamagitan ng pag-download ng app at paggamit ng lehitimong Android emulator. Maaari mo ring gamitin ang mga sumusunod na link para hindi ka na maabala pa:
Download Horus Heresy: Legions Trading Card Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/the-horus-heresy-legions-tcg/id1398384203
Download Horus Heresy: Legions Trading Card Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.Everguild.HorusHeresy
Download Horus Heresy: Legions Trading Card Game on PC https://www.ldplayer.net/games/com-everguild-horusheresy-on-pc.html
Ultimate Guide para sa mga Manlalaro
Dadalhin ka ng Horus Heresy: Legions Trading Card Game sa isang kakaiba at kapanapanabik na dystopian adventure. Kapag ito ay iyong nasubukan, tiyak na mahuhumaling ka sa simple ngunit challenging nitong gameplay. Ang storyline nito ay naka-set sa Horus Heresy, sa loob ng magulong mundo ng Warhammer Universe. Nag-uumapaw ang tapang at pag-asa rito dahil tungkol ito sa pagsagip sa isang sibilisasyon mula sa matinding pagkawasak.
Isa sa ipinagmamalaking aspeto ng laro ay ang detalyado at kawili-wili nitong storyline. Puno ito ng mga matitinding sagupaan laban sa masamang minions ng Chaos. Pwede kang maglaro sa single-player campaign kung saan kailangan mong malampasan ang iba’t ibang hamon. Kailangan mong talunin ang mga kalaban sa pamamagitan ng pagbuo ng pangmalakasang card deck. Hindi lang ito, maraming uri ng Legions na pwede mong pagpilian at napakaraming cards na pwede mong kolektahin at gamitin dito.
Bago makapagsimula sa pakikipagsapalaran, kinakailangan munang mag-sign up para sa isang game account. Para magawa ito, i-click ang settings icon at piliin ang account option. Kailangan mong gamitin ang iyong email address dito. Kasunod nito ay sasabak ka sa isang mabilis na game tutorial. Tandaan na kailangan mong pag-isipang mabuti ang username na iyong gagamitin dahil hindi na ito pwedeng baguhin pa. At bago ka magpatuloy sa iyong maaksyong pakikipagsapalaran, tutulungan ka ng Laro Reviews na mas makilala pa ang laro. Narito ang ilang mahahalagang bagay na kailangan mong malaman:
- Gameplay
Ang gameplay nito ay halos kapareho ng sa Hearthstone at sa Shadowverse. Ang regular match ay binubuo ng dalawang manlalarong maglalaban sa pamamagitan ng turn-based strategy game. Ibig sabihin nito, sila ay magsasalitang aatake at dedepensa. Sa simula, isa sa manlalaro ay makakakuha ng 3 cards habang ang isa naman ay makakatanggap ng 4 cards. Ang bawat isa ay may kakayahang gamitin ang mulligan o card shuffle batay sa bilang ng cards sa kanilang deck. Gayunpaman, isang beses lamang itong magagamit kaya kailangan talagang maging maingat at madiskarte sa pagpili ng cards sa unang round pa lamang. Tandaan na makakakuha ka lamang ng karagdagang cards kapag pagkakataon mo ng tumira.
Upang makapaglunsad ng atake sa kalaban, i-tap ang napiling card at i-drag ito sa card ng kalaban. Dito magsisimula ang salitan ng mga atake hanggang sa ang isang hukbo ang tuluyang mapabagsak. Ang matitira ang s’yang panalo.
- Card Types
May tatlong pangunahing uri ng cards sa Horus Heresy: Troops, Tactics at Warlord. Ang Troop cards ang nagsisilbing back up ng buong unit. Huwag maliitin ang mga ito dahil mayroon itong sariling HP at Attack value. Maaari rin itong magdulot ng mas malakas na pinsala sa kalaban kung ikukumpara sa ibang cards. Sa kabilang banda, ang Tactic cards naman ay nagtataglay ng abilities na maaaring i-summon ng Warlords. May iba’t ibang uri ng Tactic cards dito at ang karamihan dito ay maaari lamang magamit sa mga partikular na kondisyon. Halimbawa, ang Rage cards ay hindi maaaring i-activate kapag ang iyong unit ay nakatanggap ng matinding pinsala. Ang Warlord card type naman ang nagsisilbing pangunahing bida ng laro. Samakatuwid, ang mga ito ang nagsisilbing deck commander. Ang malaking bahagi ng tagumpay ay sa kanila nakasalalay. Ang Warlords ay may kanya-kanyang attack at defense values. Bukod dito, maaari pa silang mag-summon ng karagdagang abilities gamit ang Tactic cards.
- Features
Ang larong ito ay nagpapakita ng iba’t ibang solo-player campaigns at competitive multiplayer games. Dito, mararanasan ng mga manlalaro ang mga kakaibang hamon at makakaharap ang iba’t ibang uri ng kalaban. Interactive rin ang larong ito dahil maaari kang sumali sa Lodges o guilds upang makipag-ugnayan sa iba, makakakilala ng mga bagong kaibigan at matuto ng mga diskarte. Tandaan na ito ay hindi nakakaapekto sa pangkalahatang ranking ng mga manlalaro. Ang pagsali rito ay nagbibigay-daan din upang magkaroon ng access sa mga special in-game events at magkaroon ng tsansang makakuha ng bagong cards.
Ang bawat deck ay may 30 cards at ang mga manlalaro ay kailangan pumili kung saan nila gustong mapabilang, sa Warlord Legions ba o sa Neutral Legions.
Pros at Cons ng Horus Heresy: Legions Trading Card Games
Marami ang pumupuri sa gameplay ng larong ito lalo na at hindi kinakailangang gumamit pa ng in-app purchases upang makapag-rank up. Ang game cards nito ay kakaiba rin at talagang nakakaaliw gamitin. Tinitiyak din ng matchmaking system nito na patas ang laro sa lahat sa pamamagitan ng pagtatapat sa mga manlalarong magkakasing-rank. Bibihira rin ang paglabas ng ads dito at hindi ito negatibong nakakaapekto sa kabuuang gaming experience. Ang isa pang kalamangan nito ay ang pagkakaroon ng maayos na controls at interface. Ang special events at lodge features nito ay kapanapanabik.
Sa kabilang banda, may ilang mga isyu ring nangangailangan ng kaukulang tugon ang larong ito. Ang game app ay puno ng bugs na nagdudulot ng madalas na glitches at crashes. May ilang mga manlalaro ang biglang nadi-disconnect sa laro sa kabila ng malakas nilang internet connection.
Konklusyon
Ang Horus Heresy: Legions Trading Card Game ay may average rating na 4.7 stars mula sa halos 700,000 reviews sa Play Store. Sa kabilang banda, ito ay may 4.8-star rating mula sa mahigit 4,000 reviews sa App Store. Kung ikaw ay mahilig sa strategy at cards games, inirerekomenda ng Laro Reviews na subukan mo ito. Sa kabila ng nabanggit na cons, mas lamang pa rin ang saya at aliw na dala nito.