Shadow Fight 2 Special Edition Review

Kung nag-enjoy ka sa Shadow Fight 2, siguradong magugustuhan din ang pinakabagong edisyon ng laro, ang Shadow Fight 2 Special Edition, isang premium na bersyon ng orihinal na laro. Inilabas ang laro para sa Android noong ika-17 ng Agosto 2017, at ang para sa iOS naman ay noong ika-22 ng Agosto ng parehong taon. Ginawang simple ng bersyon na ito para ang mga manlalaro ay makakuha ng maraming gems, at may game modes ding nagbibigay ng bonuses para sa players habang umaangat ang kanilang level sa laro. Sinamahan din ito ng one-of-a-kind na storyline na kilala sa pamagat na Old Wounds. Sa bagong edisyong ito, ang players ay magkakaroon ng infinite power, na nagpapahintulot sa kanilang lumaban ng walang katapusan.

Ang Shadow Fight 2 Special Edition ay nagdadala ng pakikipaglaban sa kakaibang level. Simulan ang adventure habang ang rebellious shadow ay lalong lumalakas at sa kalaunan ay maghihiganti! Ikaw ay isang matapang na bayani na dumating sa Gate of Shadows sa paghahanap ng mahusay na kalaban. Sa tuwing papasukin ito, may mga demonyong mula sa ibang mundo na humahampas sa iyo, sinusubukang hatiin ang iyong katawan at iiwanan ka bilang isang Shadow.

Layunin sa Paglalaro ng Shadow Fight 2 Special Edition

Ang players ay gaganap bilang batang Sensei na isang mentor ng Shadow Fight 2 Shadow’s warrior. Ito ay isang kwento mula sa nakaraan ni Sensei kasama ang Prince. Liban sa act 6, na may dalawang phase lang, lahat na ng act ay may tatlong phase ng Old Wounds.

Sumali sa tournaments upang makapaghanda sa paglaban sa mga demonyo. Buksan ang iba pang mga equipment, weapons, magic spells, at mga bagong galaw na makatutulong maabot ang iyong mga layunin.

Maaaring lagyan ng armas at i-gear-up ang iyong character, ang Shadow, at maaari ding maipakita ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban sa iba’t ibang uri ng mga kalaban kasama na ang bayolenteng devil bosses. Ang pinakamahalagang layunin ay maisara ang Gate of Shadows na mangangailangan ng paglalakbay sa anim na magkakaibang mundo.

Pag-Download ng Shadow Fight 2 Special Edition

Lumaban para sa tagumpay sa paglalaro ng Shadow Fight 2 Special Edition kahit nasaan ka man gamit ang iyong mobile phone sa pamamagitan ng pag-download ng laro mula sa online play store. Para sa paglalaro gamit ang Android devices, i-download ito sa Google Play Store, at sa App Store naman para sa mga gumagamit ng iOS devices. Para sa pakikipaglaban gamit ang PC, kailangan ng emulator sa pag-download nito sa computer.

I-download ang laro gamit ang sumusunod na links:

  • Download Shadow Fight 2 Special Edition on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.nekki.shadowfight2.paid
  • Download Shadow Fight 2 Special Edition on iOS https://apps.apple.com/us/app/shadow-fight-2-special-edition/id1261834568
  • Download Shadow Fight 2 Special Edition on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/shadow-fight-2-special-edition-on-pc.html

Tips at Tricks sa Paglalaro

Huwag umatake sa mga kalaban nang basta-basta. Sa paglalaro, mapapansin na pinagmumulta ka ng laro sa mga pag-atake ng walang ingat. Sa buong larong ito, ang all-out aggressive schemes ay hindi makatutulong sa iyo. Hindi rin isang matalinong pasya ang mag-concentrate sa offense at sumugod nang walang ingat sa kalaban dahil may panukat na nagmo-monitor ng health bar na nauubos sa pag-atake ng magkakasunod. Ituring itong isang rage detector. Kapag sumablay sa pagtama ang iyong tira mauubos din ang detector na ito, at kung mananatili sa pagpindot ng hit at kick function keys, ang character ay mapipilitang lumaban kahit mahina na at hindi makaaapekto sa health bar ng kalaban.

Ang rage detector ay mauubos din kung hindi aatake kaya mahalaga ang tamang kumbinasyon at pagkakasunod-sunod ng malalaking atake upang mabilis itong mapataas. Kapag napaabot ito sa pinakamataas, aangat ang level sa Hard; susunod ay ang Brutal, Aggressive, Crazy, at ang pinakahuli, ang Fantastic.

Anuman ang uri ng nilalaro, isang magandang ideya ang pagbabago-bago ng mga galaw. Kahit na ang kalaban ay computer, hindi ito nangangahulugang predictable na ito kapag na-master mo na ang laro. Dahil sa sandaling mapansin ng computer na sinusubukan mong sumipa ng normal mula sa malayo, alam na nila ang kailangang gawin. Magpakita ng iba’t ibang galaw upang hindi maisahan ng AI.

Related Posts:

Cytus II Review

Dead Cells Review

Huwag masyadong lumapit sa kalaban. Maganda ang malapitang tira ngunit dapat malaman kung kailan aatras na o kailangang lumayo dahil maaaring makatira ng mabilis ang kalaban kung masyadong malapit.

Ang tanging paraan upang manalo sa laban ay ang pag-knock-out sa kalaban at pag-ubos ng kaniyang health bar bago maubos ang oras. Sa larong ito, walang draw. Kapag naubos na ang oras at hindi mo napatumba ang kalaban, mananalo ang iyong kalaban.

Pros at Cons ng Laro

Ang Shadow Fight 2 Special Edition ay walang ads. Ito ay nagbibigay sa players ng walang-hanggang enerhiya. Ang ilan sa modes ng gameplay ay nagbibigay ng gems sa players bilang karagdagan sa coins na nakuha. May ilang murang mga equipment. Ang halaga ng gem equipment ay maaaring ma-update gamit ang coins o gems. Mayoon itong sleek animations, mapang-akit na musika sa background, malikhaing tanawin, at easy-to-use controls.

Ang graphics ay sapat naman kahit na ang warriors ay tila mga anino lang. Maganda ang combat animations dito. Kahit na may features itong maaari lang gumana sa isang kumpletong laro, parang may kulang pa rin sa laro at medyo may kababawan ito. Pagkatapos ng battles, mapapansin na ito na ang lahat sa kanya. Walang mini-games o kahit ano para manatili sa paglalaro. Ang body armor ay hindi gaanong kawili-wili at kapag na-upgrade ito para masimulan ang laban sa mas madaling paraan, makararamdam ng kaunting pagkabagot.

Konklusyon

Nasubukan mo na ba ang makipaglaban sa mga demonyo? Hindi lang mga demonyo sa isip mo, kundi ang mga demonyo na kakain sa iyong mga laman hanggang sa maging isang shadow ka na lang. Ito na ang pagkakataon upang umatake at simulan ang paghihiganti!

Nalalapit na ang pagkabigo upang manatili sa teritoryo at makipaglaban sa demonyong minsan mo nang pinakawalan! Kapag natalo mo na sila, maaaring makapasok sa Gate of Shadows kung saan ay matatagpuan ang abang mga lupain na umaasang may darating na tagapagligtas na tulad mo upang makaalpas sa mga mapang-aping Titans. Nasa iyo ba ang mga hinahanap na katangiang makakatalo sa wicked Lords? Mayroon ka bang sapat na kakayahan upang matalo sila? Subukin ang kakayahan, lakas at determinasyon upang mabuhay sa larong Shadow Fight 2 Special Edition.

Laro Reviews