Halos bawat isa sa atin ay nakasanayan nang maglaro ng solitaire, at bagama’t nakakaaliw ito, hindi ito palaging nagbibigay ng malaking challenge. Itinaas ng Solitaire TriPeaks – Classic ang pamantayan ayon sa gusto at kaalaman ng players tungkol sa solitaire kasama na ang challenge. Ang larong ito ay tulad ng traditional solitaire card game na may twist.
Layunin sa Solitaire TriPeaks – Classic
Ang layunin ng Tri Peaks Solitaire Classic ay i-clear ang table mula sa lahat ng tatlong hanay ng card. Tanging ang mga card na mas mataas o mas mababa kaysa sa ibabang deck card ang maaaring alisin. I-tap ang deck para ilantad ang susunod na card at galingan sa paglalaro para simulan ang paggawa ng mga combo branch kung saan kikita ka ng mga points. Kapag na-stuck ka, maaaring gumamit ng wild card at ituloy ang layuning tapusin ang ilang rounds hangga’t kaya mo.
Pagsisimula sa Solitaire TriPeaks – Classic
Ang tableau ay bibigyan ng tatlong katabing peak ng anim na nakaharap na card sa pagsisimula ng laro. Sa itaas ng nasabing tatlong peak, 10 face-up cards ang ibibigay. Ang natitirang 24 na card ay binabalasa ng nakataob sa stock. Ang nasa ibabaw na card ng stock pile ay nakaface-up o nakatihaya. Ang card na ito ay tinutukoy bilang “deck card” at “waste pile.”
Kapag ang isang card sa buong tableau ay magiging isang rank na mas mababa o mas mataas kaysa sa kasalukuyang deck card, maaari itong alisin. Walang pagkakaiba kung ano ang angkop sa mga card. I-tap lang ang card na gusto mong itapon, at ililipat ito patungo sa waste pile. Sa pamamagitan ng pag-click sa bawat card nang paisa-isa, maaaring alisin ang mga ito sa tableau.
Kapag walang mga card sa ibabaw ng isang nakaharap na card sa isa sa tatlong peak, ito ay i-flip face-up. Kapag wala ng magagamit na mga tira, i-tap ang stock para i-flip ang itaas na card nang face-up at pag-isipang ilipat ito sa waste pile. Ito na ngayon ang bagong deck card. Wala na muling re-dealing ng stock.
Features ng Solitaire TriPeaks – Classic
Ang Solitaire TriPeaks – Classic ay isang simple at kasiya-siyang laro na mabilis mong makakabisado. Mayroon itong mahigit 3,000 na kahanga-hangang mga level at may mga paparating pa! Kamangha-mangha ang graphics at napakaganda ng mga tema. Isang Journey Island kung saan makakahanap ka ng mga bagong pakikipagsapalaran pati na rin ng mga libreng reward. Ang Global Leaderboard ay magbibigay-daan sa iyo na makipagkumpitensya laban sa mga manlalaro mula sa buong mundo. May daily missions, events, activities, challenges, at bonuses na maaaring makuha! Maglaro ng mga kapanapanabik na mini-games upang makatanggap ng mga engrandeng premyo. Nagbibigay ang laro ng iba’t ibang tema ng card at marami pang ibang darating. Bawat araw, maaari kang magsimulang makipagkumpitensya sa iyong mga kaibigan sa Facebook upang makakuha ng libreng extra coins.
Pag-download ng Solitaire TriPeaks – Classic
Ang Solitaire TriPeaks – Classic ay available sa Google Play Store para sa mga Android device. Sa App Store naman para sa mga iOS device, bahagyang naiiba ang pangalan ngunit pareho pa rin ang laro. Maaari kang gumamit ng emulator upang i-download ang laro sa PC.
Maaaring i-download ang laro gamit ang sumusunod na links:
Download Solitaire TriPeaks – Classic game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ntg.solitaire.tripeaks
Download Tripeaks Solitaire Classic game on iOS https://apps.apple.com/us/app/tripeaks-solitaire-classic/id1238115846
Download Solitaire TriPeaks – Classic game on PC https://pcmac.download/app/1211733197/tripeaks-solitaire-classic
Tips at Tricks sa Solitaire TriPeaks – Classic
Isang bagay na higit pa sa pagki-clear sa tableau ang nakataya sa Solitaire TriPeaks – Classic. Kabilang dito ang napakaraming reward score habang naglalaro at para sa pagkumpleto ng round na maaaring magdala sa iyo sa leaderboard. Ang score para sa bawat card ay malamang na tumaas kung magdi-delete ka ng multiple cards sa row mula sa pagkakaayos ng hindi nagpapasyang i-turn over ang stock.
Para makamit ang pinakamataas na score, dapat mag-assemble ng mahahabang sequence nang hindi kinakailangang i-on ang stock dahil ang puntos para sa bawat card ay tataas kada barahang inaalis sa tableau. Dahil dito, dapat pagplanuhan ang estratehiyang gagamitin para sa paglalaro!
Sa tuwing kailangang pumili sa pagitan ng dalawang alternatives, gaya ng dalawang card na may parehong score, pag-isipang kunin ang isa na maglalantad ng higit pang mga nakataob na cards, dahil ang mga bukas na card na ito ay kadalasang nagbibigay-daan sa iyong gumamit ng extra moves.
Maaari mong i-undo ang anumang single move, gaya ng pag-clear ng card mula sa layout o pagkakaroon ng pag-turn over ng deck card sa pamamagitan ng pagpindot sa undo key. Minsan kapag gusto mong maging agresibo, maaari mo itong gamitin para silipin ang mga undercard sa setup na mapapakinabanagan kung mayroon kang dalawa o higit pang pagpipilian para sa mga card na aalisin. Kung gagamitin mo ito para sumilip sa ilalim ng deck card, palaging i-undo ang paglipat nang mabilis pagkatapos mong gawin ito! Mag-ingat, dahil ang undo icon ay magpapawalang-bisa sa sequence’s score reward.
Kahit na ang mga gawain ay straightforward, hindi ka dapat maging labis na kumpiyansa. Isaalang-alang ang pag-iisip sa iyong susunod na hakbang at huwag i-click lamang ang pinakaunang pagpipilian na mayroon ka. Panatilihing bukas ang iyong mga option bago magpasya kung ano ang gagawin dahil palaging kailangang pumili sa pagitan ng dalawang option. Maaaring makaligtaan ang isang laban sa tuwing napakabilis mong kumilos.
Pros at Cons ng Solitaire TriPeaks – Classic
Bagama’t walang masama sa traditional solitaire game, hindi ito nagbibigay ng maraming challenge o thrills. Ang Solitaire TriPeaks – Classic app, sa kabilang banda, ay mayroong mahigit sa 600 stages ng mga challenging na gawain at entertainment para sa mga manlalaro kaya ito nakakaengganyo.
Ang konsepto at lokasyon ng larong ito ay nakakuha ng atensyon ng Laro Reviews dahil hindi ito ang karaniwang nakakainip na deck ng mga baraha, sa halip, maglalaro ka sa isang tropical environment na mayroong white sand beach, coconuts, pati na rin ang araw na tumatama sa iyo.
Ang Solitaire TriPeaks – Classic ay isang free-to-play na uri ng laro at sa pag-register, makakatanggap ka ng 12,500 coins. May karapatan ka ring tumanggap ng Daily Return Bonus para sa bawat araw na nakikipagkumpitensya ka. Kung magsisimula kang maubusan ng mga coin, palaging isaalang-alang ang pagbili ng mga coin bundle sa in-app shop. Ang larong ito ay may napakataas na customer reviews – 4.5/5 stars .
Ang laro mismo ay madaling maunawaan, ang kontrol ay madaling makabisado, responsive, at entertaining. Ito ang uri ng laro na ideal para sa casual gaming at paglalaro ng pangmatagalan. Ang tanging hadlang dito ay may mga isyu sa game functioning at itinuturing ng ilang manlalaro na overpriced ang in-app buying.
Konklusyon
Babaguhin ng Solitaire TriPeaks – Classic card game ang lahat ng naiintindihan mo tungkol sa solitaire. Ito ay talagang kasiya-siya at nakakaengganyong laro na may taglay na maraming challenges. Maaari itong laruin ng maraming beses, hangga’t gusto mo. Ang bawat round ay magkakaroon ng ibang dynamics, at walang katapusang bilang ng stages sa Solitaire TriPeaks – Classic.
Ang iyong kakayahan sa paglalaro ay hahamunin at mati-testing habang nakikipagkumpitensya ka laban sa orasan para sa mga coin at pagkakataong mag-explore ng iba’t ibang levels. Pagkatapos nito, habang sumusulong ka, magagawa mong alisin ang mga bitag, i-activate ang mga booster, at matuklasan ang mga kapanapanabik na mga sikretong card!
Kung masisiyahan ka sa pakikipaglaro sa iba, maaari kang magsimulang makipagkumpitensya laban sa kanila sa weekly ranking list challenges. Kung mas gusto mong maglaro nang mag-isa, ang Solitaire TriPeaks – Classic ay maaaring isang magandang paraan upang subukan ang iyong mga kasanayan. Gumawa ng substantial progress, manalo at magsaya! Hinahamon ka ng Laro Reviews na maging Solitaire TriPeaks – Classic King!