Ang Insilentium: Fantasy CCG ay isang card game mula sa LLC MONOLITHMIND, isang Ukraine-base game developer. Simula nang ito ay inilabas noong Mayo 11, 2021, ito ay nakapagtala na ng mahigit sa 10,000 downloads sa Google Play Store.
Ang mga manlalaro rito ay maglalakbay sa Insilentium, isang kathang-isip na mundo ng mga patay. Ang layunin nila ay talunin ang mga kalaban sa larangan ng deck building card game. Kinakailangan din nilang mag-rank up at sa kalaunan ay maging isang legendary card batter sa nasabing mundo.
Paano I-download ang Laro?
Ang larong ito ay available pa lamang sa Google Play Store, dahil ito ay sumasailalim pa sa approval process sa App Store. Sa kasalukuyan, ito ay pwedeng i-download sa Android-running devices pa lamang. Gayunpaman, maaari mo itong laruin gamit ang laptop o desktop sa pamamagitan ng pag-download ng APK file nito sa computer device at pag-run nito gamit ang isang lehitimong emulator. Kung gusto mong subukan ito kaagad, maaari mong i-click ang mga sumusunod na link:
Download Insilentium: Fantasy CCG on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.monolithmind.Insilentium
Download Insilentium: Fantasy CCG on PC https://napkforpc.com/download/apk/com.monolithmind.Insilentium/
Ultimate Guide para sa mga Manlalaro
Ang Insilentium: Fantasy CCG ay naka-set sa isang mahiwaga ngunit madilim at magulong mundo ng Insilentium. Ito ay nagsisilbing tahanan ng limang card character races: humans, deaths, robots, Astral at Nature creatures. Ang larong ito ay isang paraan upang upang mabalikan at ma-enjoy muli ang mga nakagawiang libangan tulad ng card collecting at trading. Sa pamamagitan ng natatangi nitong disenyo, orihinal na card characters at kapanapanabik na storyline, ito ay nakapagbibigay ng kakaibang deck-building gaming experience.
Kailangan mong paghandaan ang mga maaksyong card battle laban sa mga computer-generated na kaaway o mga aktwal na manlalarong mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang game mechanics nito ay pamilyar sa karamihan dahil ito ay hango sa classic CCG na dinagdagan ng bagong twists. Simple at madali itong matutunan, subalit kung gusto mong maging bihasang manlalaro, kinakailangan mong magsanay at pag-aralan talaga ito.
Tutulungan ka ng Laro Reviews na mas makilala pa ang online card game na ito. Ang mga sumusunod ay mahahalagang bagay na dapat mong malaman tungkol dito:
- Gameplay
Ang isa sa mga ipinagmamalaki ng Insilentium: Fantasy CCG ay ang gameplay nito na talagang idinisenyo upang mapanatili ang mga klasikong katangian ng isang CCG. Sa simula, ang bawat manlalaro ay magkakaroon ng kanya-kanyang deck set na pwede nilang i-customize sa pamamagitan ng pagbili ng booster packs o pakikipag-trade. Mas mainam na magkaroon ng mas maraming cards upang marami kang pwedeng pagpilian sa bawat match. Kapag ang isang kard ay natalo at na-eliminate, ito ay babalik sa iyong deck upang ma-reshuffle at magamit muli.
- Game Modes
Ang Insilentium: Fantasy CCG ay may dalawang game modes: PvE at PvP. Sa PvE mode, ang makakatapat ng mga manlalaro ay mga computer-generated na kalaban. Ito ay magandang pagkakataon upang sanayin ang iyong abilidad at diskarte sa paglalaro. Magagamit mo rin ang game mode na ito upang makakuha ng karagdagang game cards. Sa PvP mode naman, ang mga manlalaro ay makikipagtapatan sa ibang manlalaro upang makapag-level up sa laro.
- Maglaro at Mag-level Up
Ang bawat manlalaro ay maaaring magmay-ari ng hanggang sa 30 game cards. Upang makapag-level up, kailangan mong sumabak sa isang turn-based strategy match kung saan ang bawat isa ay may pagkakataong magsagawa ng dalawang move sa bawat game level. Maliban na lamang sa game level 1 kung saan ang bawat manlalaro ay may tig-iisang game move lamang. Ang tapatang ito ay magaganap sa isang 3×3 battle board na binubuo ng tatlong lanes. Ang unang lane ay ang iyong Forging lane, ang nasa gitna ay ang Control lane at ang huli ay ang Forging lane ng kalaban. Upang umatake, kinakailangan mong maglagay ng isang card sa iyong Forging lane. Ang card na ito ay automatic na maililipat sa Control lane. Kung sakaling walang kalabang card sa Control lane, automatic na aatake ang iyong card sa kahit na anong kalabang card. Kung sakali namang may kalabang card sa Control lane, magtatapatan ang mga ito hanggang sa ang isa ay tuluyang matalo. Ang lahat ng matatalong cards ay kusang babalik sa pinanggalingang deck at pwede pang magamit muli.
Hindi tulad ng ibang CCG, ang Inselentium: Fantasy CCG ay hindi gumagamit ng Mana system. Ang game level ay automatic na tumataas pagkatapos ng apat na salitan, mula level 1 hanggang level 5.
- Card System
Ang card characters sa larong ito ay may kinabibilangang race kung saan nakabatay ang kanilang magic level, strength level at mga kahinaan. Sa kasalukuyan, ang Insilentium: Fantasy CCG ay may mahigit sa 120 card characters.
Matutukoy ang level ng isang card batay sa number na makikita sa kanang itaas na sulok nito. Tinutukoy din ng card level na ito ang game level kung saan pwede mo itong gamitin. Maaari mo lamang magamit ang isang card sa game level na katumbas ng card level nito o pataas. Halimbawa, ang card character level 2 ay maaari lamang gamitin sa game level 2, 3 o pataas. Hindi mo ito pwedeng gamitin sa game level 1.
Pros at Cons ng Insilentium: Fantasy CCG
Ang larong ito ay nagdulot ng malaking pagbabago sa larangan ng collectible card games. Pinuri ng maraming manlalaro at game critics ang bago at kakaibang konsepto nito, kabilang na rin ang hindi nito paggamit ng Mana system na karaniwang tatak ng mga CCG. Ang gameplay nito ay challenging at nakakahumaling. Bukod sa lahat, balanse at patas din ito. Marami rin ang humahanga sa malikhaing game card design nito.
Sa kabilang banda, ang larong ito ay may mga kahinaan at kakulangan din. Maraming manlalaro ang nakararanas ng ilang technical problems. Halimbawa, biglaan na lamang itong nagfi-freeze sa kalagitnaan ng match. Kakaunti lang din ang mga aktwal na manlalarong pwedeng makalaban dito. Gayundin, dahil ang gameplay nito ay may pagkakaiba kung ikumkumpara sa mga karaniwang CCG, medyo nakakalito ito, lalo na para sa mga baguhang manlalaro.
Konklusyon
Wala pang isang taon mula nang unang inilabas ang Insilentium: Fantasy CCG, kaya marami pa talaga itong mga isyu at problemang kailangang masolusyon. Sa kasalukuyan, wala pang makikitang ratings at reviews tungkol dito sa Google Play Store. Ang design at konsepto nito ay bago at kakaiba, subalit hindi maikakailang hindi maayos ang execution nito. Kung mahilig ka sa mga CCG at TCG, iminumungkahi ng Laro Reviews na subukan mo ito upang malaman mo kung pasado ba ito sa iyong panlasa o hindi. Kung sakaling nais mo namang mag-ambag para mas mapabuti ang laro, maaari ka ring magpadala ng review at mga rekomendasyon sa developers nito. Sa kasalukuyan nitong estado, wala pa rin itong binatbat kung ikukumpara sa mga solid at subok nang CCGs.