Ang Prey Day: Survive the Zombie Apocalypse ay isa sa mga tinatangkilik na game app mula sa AppLife Limited. Ito ay unang inilabas noong Abril 6, 2018. Pagkalipas ng halos apat na taon, ito ay patuloy na kinikilala ng mga manlalaro sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Hindi rin naman ito nakakagulat dahil ito ay gawa ng isang kilalang Android game developer.
Ang layunin ng mga manlalaro rito ay ang mag-survive sa isang lungsod na puno ng zombies at mutants. Bukod sa pakikipaglaban sa mga nakakatakot na nilalang, kailangan din silang maghanap ng resources tulad ng pagkain, armas, damit at kagamitan. Pwede rin silang sumali sa clans at alliances kasama ang ibang manlalaro at makipagtulungan para maka-survive.
Paano I-download ang Laro?
Ang larong ito ay maaaring laruin gamit ang Android o iOS devices. Kailangan mong hanapin ang game app sa Google Play Store o sa App Store at i-download ito. Maaari mo rin itong laruin sa laptop o desktop sa pamamagitan ng pag-download ng app sa computer gamit ang isang lehitimong emulator. Upang hindi ka na mahirapan pa, pwede mong gamitin ang mga sumusunod na link mula sa Laro Reviews:
Download Prey Day: Survive the Zombie Apocalypse on iOS https://apps.apple.com/us/app/prey-day-survival-game-online/id1417757942
Download Prey Day: Survive the Zombie Apocalypse on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=zombie.survival.online.craft
Download Prey Day: Survive the Zombie Apocalypse on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-Prey-Day-on-pc.html
Prey Day: Survive the Zombie Apocalypse – Ultimate Guide para sa mga Manlalaro
Ang Prey Day: Survive the Zombie Apocalypse ay hango sa zombie apocalypse theme na naka-set sa taong 2033. Ang lahat ay nagsimula dahil sa pagkalat ng isang nakamamatay na virus na naging dahilan kung bakit ang malaking bahagi ng populasyon ay naging zombies at iilan lamang ang nanatiling normal. Bilang isang manlalaro, gaganap ka bilang isa sa mga survivor. Kailangan mong gawin ang lahat upang maka-survive at manatiling ligtas. Para magawa ito, kailangan mong mangalap ng resources, gumawa ng mga armas at kagamitan at sumali sa clans at alliance. Bukod sa mga nakakatakot na zombie, kailangan mo ring labanan ang mutants o mga hayop na naging halimaw at ibang manlalarong magtatangkang sakupin ang iyong base.
Related Posts:
WWE Mayhem Review
Sky Champ: Space Shooter Review
Ang online, shooter survival game na ito ay magdadala sa’yo sa isang mundong puno ng aksyon at pakikipagsapalaran. Kung mahilig ka sa mga palabas tungkol sa zombies tulad ng Resident Evil, World War Z o The Walking Dead, hindi mo dapat palampasin ito. Ngunit bago ang lahat, kailangan mo munang basahin ang ultimate guide na ito mula sa Laro Reviews. Ito ay magbibigay sa’yo ng pangkalahatang ideya tungkol sa laro.
- Game Modes
May dalawang game modes na pwedeng ma-enjoy sa laro: Adventure at Survival. Ang layunin sa Adventure Mode ay tuklasin ang tunay na sanhi ng zombie apocalypse. Upang magawa ito, dapat kang sumabak sa iba’t ibang uri ng pakikipagsapalaran sa Harbour Town para maghanap ng clues. Hindi ito magiging madali dahil maraming zombies at mutants ang nagkalat at kailangan mong mag-ingat sa mga ito. Dito, unti-unting mabubunyag ang misteryosong dahilan ng lahat.
Sa kabilang banda, ang Survival mode naman ay susubok sa iyong shooting skills. Ito ay may pinagsamang co-op at PVP game elements. Ang layunin ng mga manlalaro rito ay barilin ang mga kaaway at manatiling buhay hanggang sa huli. Maaari ka ring sumali sa alliances at makipag-team up upang mapataas ang tsansa mong malampasan ang mga hamon.
- Game Maps
Ang online world ng Prey Day: Survive the Zombie Apocalypse ay napakalawak na kung minsan ay mahihirapan kang gamitin ang aktwal na game map. Bukod dito, may tampok ding mini map sa larong ito. Sa pamamagitan nito, pwede mong i-zoom in ang iyong lokasyon at maghanap ng resources na malapit sa’yo. Mas masusubaybayan mo rin ang paligid laban sa mga kaaway. Kapag ginamit mo ito sa tamang paraan, mas mapapalaki ang tsansa mong makabalik nang ligtas sa base camp.
- Crafting Feature
Isa sa mga natatanging tampok ng larong ito ay ang crafting feature kung saan ang mga manlalaro ay pwedeng gumawa at bumuo ng mga armas at kagamitan. Masasabi nating kakaiba ito dahil karamihan sa mga action game ay hinahayaan lamang ang mga manlalarong maghanap ng mga sandata. Pwede kang bumuo ng iyong sanda at iba pang kagamitan tulad ng mga bitag gamit ang iba’t ibang items sa laro. Tandaang may crafting recipe na kailangang sundan para ito ay magawa.
- Clans at Alliances
Ang pagsali sa clans at alliances at pakikipagtulungan sa ibang mga manlalaro ay maraming benepisyong hatid. Isa na rito ay ang pagkakaroon mo ng access sa rare items. Bukod dito, mabibigyan ka rin ng pagkakataong mai-unlock ang clan locations kung saan matatagpuan ang iba pang mahahalagang items na magagamit para makagawa ng sarili mong military unit. Sa paraang ito, mas mapalalakas at mapapaunlad mo ang iyong base.
- Base Camp
Bukod sa kailangan mong mag-survive, kinakailangan mo ring gumawa ng base camp sa laro. May limang uri ng mga gusali sa base: production, infrastructure, storage, defense at furniture. Ang bawat isa rito ay may mahalagang bahaging ginagampanan. Huwag kaligtaang gumamit ng tamang diskarte sa paggawa nito, dapat mong isaalang-alang ang pagpili ng tamang lokasyon. Bago ka makapagpatayo ng iba’t ibang gusali sa iyong base, kinakailangan mo munang magawa ang lahat ng mga itinakdang kondisyon. I-click ang build button sa iyong gaming screen upang makita ang listahan ng lahat ng kailangan mong gawin para makumpleto at mapaunlad ang iyong base.
Pros at Cons ng Prey Day: Survive the Zombie Apocalypse
Nagustuhan ng marami ang paggamit ng realistic elements sa larong ito tulad na lang ng character healing time. Ang multiplayer feature nito ay talagang hinangaan din dahil sa pamamagitan nito, pwedeng makipag-ugnayan ang mga manlalaro sa iba kung kaya’t mas nagiging exciting ang gameplay. Ang graphics, animations at sound effects na ginamit ay sulit at de-kalidad din. Bukod sa gumaganang maayos ang game controls nito, napakadali rin nitong gamitin.
Ang Prey Day: Survive the Zombie Apocalypse ay may average rating na 4.3 stars mula sa halos 300,000 reviews sa Google Play Store. Samantala, may 4.5-star rating ito mula sa mahigit 4,000 reviews sa App Store.
Sa kabilang banda, may mga hindi kaaya-ayang aspeto rin ang larong ito. Maraming manlalaro ang naiinis dahil hindi sila nakapaglalaro nang maayos dahil puno ito ng bugs na nagiging sanhi ng lags sa laro. May mga pagkakataon ding nagkakaroon ito ng connection issues na siyang nagiging dahilan kung bakit hindi naa-access ang laro kahit pa wala namang problema sa internet connection.
Konklusyon
Ang larong ito ay inirerekomenda sa lahat, lalo na sa mga manlalarong mahilig sa mga zombie-themed game. Mayroon itong magagandang features at nakakahumaling na gameplay. Gayunpaman, bukod sa pros nito, dapat ding asahan ng mga manlalaro ang mga isyu nito tulad ng bugs at connection problems.
Laro Reviews