Hindi ka man si Poseidon, Neptune o Moises ngunit kayang-kaya mong pagharian ang malaking porsyento ng tubig sa tulong ng larong ito na nilikha ng Wargaming Group, ang World of Warships Blitz War. Ito ay isang uri ng online multiplayer naval war simulator at action game kung saan bibigyan ka ng pagkakataon ng larong ito na maranasan ang magmaniobra ng sasakyang pandagat habang umaatake sa iyong mga kalaban.
Dito sa World of Warships Blitz War, bago mo ito malaro ay kailangan mo munang pumili at i-upgrade ang iyong ship sa paglalagay dito ng equipment at ilang mga armas panlaban. Makipag-team up o lumikha ng isang alyansa kasama ang ilang mga manlalaro dito upang sabay-sabay ninyong lagpasan ang iba’t ibang challenge na narito kung saan talagang hahasain ang inyong galing sa paglikha ng naval tactics at strategy skills. Halina’t pasukin na ang larong ito; tumawid sa gitna ng dagat at target-in ang bawat kalabang makikita rito.
Features ng World of Warships Blitz War
Sa larong ito ay mayroon kang 9 na ship skin na maaaring gamitin para sa bawat laban. Mayroong para sa USA na may ship name na Erie, Hashitade para sa Japan, Black Swan ng UK, Hermelin ng Germany, Orlan ng U.S.S.R, Chengan ng Pan-Asia, Bougainville ng France, Eritrea ng Italy, at Gryf para naman sa Europe. Maari ma-categorize ang mga ito bilang mga Destroyer, Cruiser, Battleship, o kaya nama’y Aircraft Carrier. Bawat bansang nabanggit ay mayroong iba’t ibang klase pa ng ship na siyang makikita mo sa Tech Tree na features ng laro.
Sa oras na laruin mo na ang World of Warships Blitz War, kailangan mong magkarga ng iba’t ibang klase ng gamit dito upang maging handa sila sa bawat laban. Ilan sa mga iyan ang Armory kung saan laman nito ang hull at main guns. May kalayaan ka ring i-customize ang iyong barko sa pamamagitan ng paglalagay ng camouflage design dito kung saan mayroong 6 kang maaaring pagpilian para dito.
Mayroon ding tinatawag na consumables dito kung saan laman nito ang Warship Repairs at Warship protection. Ito ang mga bagay na maaari mong gamitin kung sakaling malaki ang natamo nitong sira mula sa kalaban. Mayroon din ditong supplies gaya ng coal, food and water, preventive maintenance pack, refined diesel, extra AA ammo, refined aviation fuel at isa pang supply pack. Sa equipment section naman makikita ang weaponry gaya ng aiming system modification at main battery modification. Sa boosters naman makikita ang XP booster, silver booster, commander xp booster at marami pang iba.
Sa warehouse section mo naman makikita ang kumpletong listahan ng mga bagay na mayroon ka at siyang maaari mong ibenta. Ilan sa mga bagay na makikita mo rito ay ang Supplies, Blueprints, Resources, Camouflage, Premium Time Certificate at Discount Coupon. Kung sakali mang wala ka pa ng ilang mga item ay maaari kang magtungo sa Shop ng laro kung saan laman nito ang ilang mga item at currency ng laro na siyang mabibili mo gamit ang tunay na pera.
Sa Friends section naman makikita ang listahan ng iyong mga naging kaibigan sa laro, request ng pagkakaibigan, pang-invite at blacklist. Hindi rin mawawala ang Leaderboard kung saan nahahati pa ito depende sa bawat season. Makikita mo rin dito ang mga ranking pagdating sa League, Team, Division Battle, Realistic Battle, Ranked Battle, Damage, Ships Destroyed, Destroyer, Cruiser, Battleship, Aircraft carrier at survival mode.
Para naman sa game mode, ang laro ay mayroong dalawang klase nito; ang Random Battles kung saan laman nito ang Battle vs. A.I., Campaigns at Training Room habang isa naman ay Ranked Battles na maa-unlock mo lamang sa oras na nakatungtong ka na sa Level 13. Bukod dito ay mayroon din itong iba’t ibang klase ng mission gaya ng weekly at daily. Laman din ng Missions section ang Beginner Rewards, Daily Login at Career Mission kung saan hitik ito sa mga task na kailangan mong gawin kapalit ang iba’t ibang klase ng rewards.
Bukod sa mga nabanggit ay mayroon pang ilang mga features sa larong ito na maaari mong silipin dahil talagang tutulungan ka nitong intindihin ang bawat bagay na mayroon sa laro. Ilan sa mga iyan ang Warship Comparison Button kung saan binibigyan ka ng pagkakataon ng laro na ipagkumpara ang dalawa o higit pang mga ship pagdating sa kanilang survivability, maneuverability, guns, concealment at iba pa. Dito mo rin nakikita maging ang stat ng bawat isa. Bukod dito ay mayroon din ang laro na Battle Wiki kung saan makikita mo ang ilang impormasyon tungkol sa Warships, XP, Battle Honors, Commanders, Combat at Fleet Upgrade.
Saan maaaring i-download ang app?
Walang nabanggit na saktong size na mayroon ang larong ito sa Google Play Store ngunit nangangailangan ito ng kahit 5.0 na version ng Android para ma-install. Kung sa App Store naman ay nangangailangan ito ng 3.8GB. Maaari ka namang gumamit ng emulator gaya ng BlueStacks para naman sayong PC. Kung nais mo itong laruin, i-click lamang ang link na nasa ibaba depende sa device na iyong gamit.
Download World of Warships Blitz War on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=net.wargaming.wows.blitz
Download World of Warships Blitz War on iOS https://apps.apple.com/us/app/world-of-warships-blitz-3d-war/id1205558961
Download World of Warships Blitz War on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/world-warships-blitz-on-pc.html
Tips at Tricks sa Paglalaro ng World of Warships Blitz War
Gaya rin ng ibang laro kung saan mayroon itong game mechanics na may nagaganap na pag-asinta sa kalaban, isang mainam ding gawin dito na panatilihin ang malaking distansya sa pagitan mo at ng iyong kalaban. Hindi naman magiging problema ito dahil makikita mo pa rin naman ang mga ito kahit sa malayo sa pamamagitan ng feature ng laro na telescope. Hindi na rin mahirap asintahin ang kalaban dahil maaari mo rin itong gamitin bilang pang-target dito.
Pagdating naman sa pag-atake, maaari mong ilagay ang target sa unahang bahagi ng ship ng iyong kalaban. May pagkakataon kasi sa larong ito na kahit nakatutok naman ang target sa mismong barko ay hindi pa rin doon nagtutungo ang iyong mga bala sa tuwing pinapaputok na ito. Ngunit kung ilalagay mo ito sa mismong unahan, magbago man ng posisyon ang kalaban ay siguradong matatamaan pa rin ito ng bawat atakeng gagawin mo.
Isang mainam din na gawin na hindi ka humihiwalay sa iyong mga kasamahan. Iyon ay upang may back-up ka sa tuwing mayroong umaatake sayo. Maaari rin namang ganoon ang iyong gawin sa tuwing mayroon namang umaaatake sa iyong kakampi. Mas mainam nga kung ganito ang ginagawa sa paglalaro nito dahil nagiging daan ito sa pagtutulungan ng bawat manlalaro.
Related Posts:
Crash Bandicoot: On the Run! Review
Modern Combat 5: mobile FPS Review
Pros at Cons ng World of Warships Blitz War
Maaaring marami na ang may ganitong klase ng laro na makikita mo sa Google Play Store o App Store ngunit mayroong kakaibang graphics ang larong ito na masasabing dito mo lang makikita. Hindi ka pa man naglalaro ay mabibighani ka na kaagad sa simple ngunit kakaibang disenyo ng bawat ship na makikita rito. Idagdag mo pa rito ang malawak na anyong tubig na talagang sinikap nilang ihango pa sa tunay na location gaya ng Atlantic, Pacific at Arctic bilang battlefield ng larong ito. Masasabi mo rin na isang kalamangan iyon ng laro dahil perpekto naman nilang nabigyan ng hustisya ang pagkakagaya nito.
Damang-dama mo rin ang laro dahil sa tulong ng tunog na nilapat dito. Mula sa accurate na tunog ng pagsabog, pag-atake, huni ng ibon sa paligid, maging ang paghampas ng tubig ay perpekto mo ring maririnig dito na para bang naroon ka rin sa mismong lugar. Kasama na rin dito ang boses na maririnig mo sa tuwing nagagawa mong tamaan ang iyong mga kalaban mula sa iba’t ibang anggulo ng iyong pag-atake. Kalamangan na rin maituturing ang background music na nasa main screen na para bang maaari mong pakinggan ito buong araw.
Pagdating sa laro, maituturing na kakulangan ng Laro Reviews ang game control nito. Iilan lang naman ito at agad mo ring mauunawaan kung paano gamitin kahit pa wala silang ilalagay na tutorial sa simula ng laro. Ngunit sadyang nagiging challenging gamitin ito dahil sa mararamdaman mong bigat nito. Hindi kasi madaling pagalawin ang iyong barko gamit ang mga control na ito. Damang-dama mo ang bigat nito na para bang tinutulak mo ito lalo na sa pagkakataong kailangan mong bilisan dahil nakakalapit na sayo ang iyong mga kalaban.
Konklusyon
Kung naghahanap ka ng bagong itsura ngunit parehas na gameplay ng laro kung saan umiikot ito sa digmaan, maaari mong subukan ang larong ito. Saktong-sakto na rin ito bilang pamatay ng oras dahil sapat naman ang game modes nito para maaliw ka. Bagaman may mga item sa larong ito na kailangan mong i-purchase, hindi naman ito gaya ng ibang laro na pay-to-win. Para sa Laro Reviews, kaya mo pa ring umangat dito, makaahon sa bawat matitinding laban basta’t handa kang sisirin ang lalim na mayroon ang larong ito.
Laro Reviews