Ultimate Custom Night Review

Ultimate Custom Night – Isa sa mga sikat na horror game franchises sa mobile ang Five Nights at Freddy’s. Ang main series nito ay tumatampok sa isang family pizza restaurant at kailangan mong makalabas dito gamit ang mga security camera, ilaw, pinto, at vents upang magtago. Ang halimaw na kalaban dito ay ang mascot ng pizza restaurant na si Freddy at iba pang animatronic characters.

Isa sa spin-off games sa ilalim ng Five Nights at Freddy’s franchise ay ang Ultimate Custom Night. Dito, maaari mong malaro ang playthrough ng Five Nights at Freddy’s gamit ang ibang animatronic characters. Maaari mo ring i-set ang difficulty mula 0 hanggang 20. Maaari ka ritong magkaroon ng Faz Coins upang ipambili ng powerups. Ang pinakapunto ng laro ay ang makapag-customize ka ng halimaw ayon sa gusto mo.

Bukod sa 50 animatronic characters ng laro, may special features gaya ng 16 themed challenges, mga skin, at cutscenes na pwede mong ma-unlock. Mula sa iyong office desk, kailangan mong bantayan ang dalawang vents, dalawang side doors, at dalawang air hoses. Kailangan mo ring kontrolin ang mga tool gaya ng heater, air conditioner, music box, power generator, at iba pa.

Storyline ng Ultimate Custom Night

May ilang nagsasabi na konektado ang Ultimate Custom Night sa kronolohikal at canon na storyline. Kapag namatay ka ng ilang beses, may mga dialog na nagsasabing ang karakter na gamit mo sa laro ay si William Afton. Kung sinusundan mo ang franchise, si Afton ay namatay sa ikaanim na installment ng laro at ngayon ay pinaparusahan dahil sa kanyang mga nagawang kasalanan. May mga teoryang nagsasabing nakatira si Afton sa loob ni Golden Freddy.

Subalit, sinasabi sa anthology na Fazbear Frights, ang Ultimate Custom Night ay ang paulit-ulit na bangungot ni Afton pero walang sinasabi kung siya ay nasa impyerno o purgatoryo. Sa epilogue ng librong Blackbird, kinompirma na ang karakter ay si Afton. Ang tanging hindi sigurado ay kung canon ba ang istoryang ito sa main timeline ng Five Nights at Freddy’s o hindi.

Game Features

May impluwensya ng arcade ang Ultimate Custom Night kaya naman masusundan mo ang progress mo sa larong ito gamit ang high score system. Ang maximum starting points mo na pwedeng makuha sa Ultimate Custom Night ay 10,000. Kung gusto mo ng mas mahirap na challenge, subukan mong i-set ang difficulty sa level 20 upang 50 animatronics ang humabol sa’yo.

Related Posts:

Metal Slug 2 Review

Toca Boo Review

Para sa noise sensitive animatronics, mayroong power gauge at bagong noise meter sa lower left para malaman ng player kung nasaan ang mga ito. Samantala, may heat meter sa lower right para malaman naman nila ang heat-sensitive animatronics. Ang temperatura ay mula 60 hanggang 120℉. Hindi tulad ng huling laro sa ilalim ng FNaF franchise, hindi ka hihimatayin kung mapanatili mo ang mataas na temperatura.

Dapat pindutin ng player ang Reset Ventilation button sa lower right ng screen monitor para i-reset ang ventilation, gaya ng ipinapakita ng monitor button. Hanggang sa mapindot ang button, ang screen ay patuloy na maglalaho. Kahit na may ganap nang itim na screen, ang bentilasyon ay maaaring i-reset.

Saan Maaaring I-download ang Ultimate Custom Night?

Gamitin ang sumusunod na links para mai-download ang laro:

  • Download on Android here
  • Download on iOS here
  • Download on PC here
  • Download on Nintendo Switch here

Tips at tricks sa Paglalaro

May mga paraan upang maiwasan mo ang mga animatronic character sa Ultimate Custom Night. Ang mahirap sa larong ito ay ang pagbuo ng magandang estratehiya lalo na kung naglalaro ka ng may 50 animatronic characters sa level 20. Narito ang ilan sa mga animatronic character at kung paano sila dedepensahan:

  • Golden Freddy – Huwag mo siyang titigan kapag nagpakita siya, hilahin mo ang iyong Monitor.
  • Help- I-click siya nang mabilis o maghanda para sa isang jumpscare.
  • Balloon Boy – Gusto niya ang side vent kaya panatilihing nakasara iyon at hintayin siyang umalis. Kung makapasok siya, idi-disable niya ang iyong flashlight.
  • JJ – May katulad na pag-uugali sa Balloon Boy, ngunit hindi niya pinagana ang mga kontrol sa pinto sa halip na ang flashlight.
  • Fredbear’s Nightmare: Makikita lang sila kapag narating na nila ang iyong pinto kasama si Fredbear sa kaliwa at Nightmare sa kanan. Isara ang mga pintuan sa kanila nang mabilis.

Marami pang animatronic characters sa Ultimate Custom Night at kung gusto mong malaman ang paraan kung paano makaiwas na mapatay nila, maaari kang manaliksik online.

Pros at Cons ng Ultimate Custom Night

Pagdating sa graphics at sound, hindi naman talaga ito ang pinakamagandang asset ng Five Nights at Freddy’s Franchise kaya wala kang aasahang bago sa Ultimate Custom Night. Hindi mo masasabing low quality ang graphics ng larong ito, pero masasabi mong may horror games na mas maganda pa ang pagkakagawa.

Kahit na mid-tier ang graphics at sounds nito, maganda naman ang pagkakagawa sa selection screen dahil malinaw kung sino ang gusto mong haraping animatronic. Speaking of animatronics, nagawa na magkaroon ng smooth gameplay kahit na may pagkakataong makakalaban mo ang lahat ng animatronics dito.

Ang pinakamalaking bentahe ng larong ito ay ang levels nito na pahirap nang pahirap pero masayang laruin. Kaunti pa lang ang masasabi mong nakakatapos ng larong ito sa level 20. Kung iisipin mo, 50 animatronic characters iyon na may iba’t-ibang kahinaan. Kailangan mong makabisado ito para makaangat ka sa laro. Iyon pa lang, sobrang hirap na.

Hindi mo rin kailangang sundan ang storyline para lang masiyahan ka sa paglalaro nito. Gayundin, dahil ang pangalan ng laro ay Ultimate Custom Night, talagang pinakita ng laro ang mga posibilidad pagdating sa customization. Sa larong ito, may kapangyarihan kang padaliin o pahirapin ang iyong laro na bagay na bagay sa mga first-timer.

Konklusyon

Para sa sinumang nag-eenjoy sa Five Nights At Freddy’s, ang Ultimate Custom Night ay kailangang-kailangan mong malaro. Isa itong napakahusay na laro para sa mga indibidwal na hindi pa nakapaglalaro ng kahit anong FNaF game.

Para sa akin dito sa Laro Reviews, ng laro ay ganap na na-configure, at ang lahat ng backstory ng serye ay mahusay na dokumentado sa kabuuan. I-on ang maraming animatronics upang gawing mas mahirap ang mga bagay, o magsimula nang dahan-dahan at muling buhayin ang kakilakilabot na mga level.

Laro Reviews