Crossword Out of the Words Review

Ang crossword puzzles ay isang uri ng laro na puno ng saya at kakaibang hamon. Nakakatulong din ang mga ito sa pagpawi ng pagod at stress. Sa katunayan, ayon sa mga pag-aaral ang regular na paglalaro ng mga ito ay nakakapagpatalas ng isipan at nagpapaunlad ng vocabulary at thinking skills. Gayunpaman, karamihan sa mga ganitong uri ng laro ay paulit-ulit at nagiging nakakasawa sa katagalan.

Hindi na kinakailangan pang magtiis ng mga manlalaro sa mga makalumang style na crossword puzzles. Ang Crossword Out of the Words ay isang stylized game app na nag-aalok ng mas challenging at kapanapanabik na paraan upang ma-enjoy ang crossword puzzles. Ito ay mula sa game developer na OpenMyGame at inilabas noong Oktubre 12, 2018.

Ang pangunahing layunin ng mga manlalaro rito ay maglakbay sa mga isla at magtanim ng mga halaman sa mga ito sa pamamagitan ng paglutas ng crossword puzzles. Kailangan nilang makabuo ng iba’t ibang English words mula sa isang set ng letters. Kaya halina’t maghanda para sa isang kapanapanabik na island hopping adventure.

Paano I-download ang Laro?

Ang offline puzzle game na ito ay maaaring laruin sa mga Android at iOS running device. Ang app nito ay mada-download sa App Store at sa Play Store. Kung nais mong maglaro gamit ang laptop o isang desktop, maaari mong i-download ang app o ang apk file at i-run ito gamit ang isang lehitimong Android emulator. Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang mga sumusunod na link:

Download Crossword out of the words on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.openmygame.games.android.crossword.plants

Download Crossword out of the words on iOS https://apps.apple.com/us/app/crossword-out-of-the-words/id1468882166

Download Crossword out of the words on PC https://napkforpc.com/download/apk/com.openmygame.games.android.crossword.plants/ames.android.crossword.plants/download-for-pc-windows-mac

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Ang Crossword Out of the Words ay nag-aalok ng makabago at mas challenging na crossword puzzle game. Bilang manlalaro, ikaw ay maglalakbay sa iba’t ibang isla at magtatanim ng mga halaman sa pamamagitan ng paglalaro ng crossword puzzles.

Maaari kang maglaro bilang guest o kaya ay mag-login gamit ang iyong Facebook account. Iminumungkahi ng Laro Reviews na piliin mo ang huling opsyon upang mai-save ang iyong game progress, magkaroon ka rin ng access sa eksklusibong rewards at makakakuha ng limang karagdagang hints.

Narito ang ilang bagay na dapat mong malaman tungkol sa laro bago simulan ang iyong island hopping adventure:

  • Gameplay

Ang pagkakaiba ng crossword puzzles sa ibang larong palaisipan ay ang paggamit nito ng letters at words sa gameplay. Subalit, katulad ng karamihang puzzle games, ito ay nakaka-relax at nakakalibang na pampalipas-oras. Bukod dito, marami rin itong mga benepisyong hatid sa mga manlalaro.

May iba’t ibang sets ng letters sa bawat game level na kinakailangan mong gamitin upang makabuo ng English words. Kinakailangang i-tap ang unang letter at i-drag ang linya para mai-connect ang ibang letters na bumubuo sa word.

Ang crossword grid na matatagpuan sa itaas na bahagi ng iyong gaming screen ay nagsisilbing batayan ng words na dapat mong buuin. Para makapag-level up, kinakailangan mong makumpleto ang grid. Kung sakali namang makabuo ka ng valid word na hindi nakatala sa grid, makakakuha ka ng bonus points.

  • Game Features

Ang larong ito ay nagtatampok ng mahigit sa 1,000 English words at 2,000 game levels. Ang difficulty level nito ay patuloy ring tumaas habang nagli-level up ka sa laro. Ang bilang ng letters sa bawat set ay patuloy ding nagdaragdagan. Bukod sa regular game modes, mayroon ditong daily challenges na pwede mong i-enjoy.

Ang larong ito ay maaaring simple sa unang tingin, subalit tiyak na mapapasabak ka sa matindi at mapanghamong mga palaisipan. Kung sakali mang mahirapan kang bumuo ng words, maaari mong gamitin ang shuffle o kaya ay hint feature ng laro. Pwede mong i-reshuffle ang letters hangga’t gusto mo. Sa kabilang banda, ang hints naman ay limitado lang kaya hangga’t maaari ay gamitin lamang ito kung talagang kinakailangan. Sa tulong ng feature na ito ay may lilitaw na isang letter sa grid na magsisilbing clue.

  • In-game Currency

Ang in-game currency na ginagamit sa Crossword Out of the Words ay coins. Sa bawat word na iyong mabubuo ay unti-unting magkakaroon ng laman ang iyong coin bag. Tandaan na makakakuha ka lamang ng coins sa sandaling mapuno ito. Madalas ay kinakailangan mo munang mapagtagumpayan ang 3-4 game levels bago makakuha ng coins. Huwag mag-alala, pwede ka ring kumita ng karagdagang coins sa pamamagitan ng panonood ng ads. Para magawa ito, i-tap ang Ads icon na makikita sa ilalim ng Hint button. Ang coins na iyong maiipon ay maaari mong gamiting pambili ng hints.

Pros at Cons ng Crossword Out of the Words

Maraming manlalaro ang pumupuri sa kakaibang crossword puzzle app na ito. Ang game controls at interface nito ay simple at user-friendly. Ang gameplay nito ay madaling intindihin, nakakarelaks at nakakahumaling. Ang progressive levels nito ay mapanghamon at kapanapanabik. Mabilis at maikli lang din ang mga ito na mainam upang maka-focus at makapag-isip ng mabuti ang mga manlalaro. Ang makukulay na graphics at themes nito ay nakakaakit at hindi nakakagambala. Higit sa lahat, ang larong ito ay nakakatulong na mapabuti ang memorya at vocabulary ng mga manlalaro. Nagtatampok kasi ito ng parehong American at British English words. Bagay din ito sa lahat, bata man o matanda ay maaaring mag-enjoy sa puzzle game na ito.

Sa kabilang banda, ang larong ito ay may mga pagkukulang at kahinaan din. Maraming manlalaro ang naiirita sa walang humpay na paglabas ng ads. Ang mga ito kasi ay lubos na nakakaabala sa paglalaro. Napakahirap ding kumita ng rewards sa larong ito dahil kinakailangan pa munang mapuno ang coin bag bago makakuha ng coins. May kamahalan din ang hints dito kaya ang ibang manlalaro ay napipilitang bumili ng karagdagang coins sa Shop para makapagpatuloy sa laro. Marami ang nagmumungkahi na sa halip na progressive gameplay ay mas mainam sana kung pwedeng i-configure na lang ang difficulty level nito batay sa kakayahan ng manlalaro. Medyo malabo rin ang set ng letters dahil naghahalo ang text color sa background theme ng app.

Konklusyon

Ang Crossword Out of the Words ay nakakuha ng mataas na ratings sa dalawang pangunahing game platforms. Mayroon itong 4.8-star rating mula sa mahigit 25,000 reviews sa Play Store. Sa kabilang banda, ito ay mayroong 4.7-star rating naman mula sa halos 50 reviews sa App Store. Lubos na inirerekomenda ng Laro Reviews ang game app na ito para sa lahat ng manlalarong mahilig sa kakaiba at challenging na crossword puzzles.