Popi Horror: Chapter One – Ang Poppy Playtime ay isang survival horror game kung saan kung saan isa kang dating empleyado ng Playtime Co., isang toy company sa Poppy Universe. Sa larong ito, kailangan mong mabuhay sa loob ng pabrika at iwasan si Huggy Wuggy at iba pang mga laruan na nabuhay sa pamamagitan ng pag-solve sa puzzles na nasa pabrika.
Sa pamamagitan ng GrabPack, isang gadget na ginawa sa Playtime Co., kailangan ng manlalaro na sagutin ang mga puzzle sa Poppy Playtime Chapter One. Mabibili mo ang Poppy Playtime sa Steam at sa unang purchase nito, Chapter 1 pa lang ang malalaro mo. Kailangan mong bilhin ang iba pang chapters bilang DLC packs ng laro.
Kung wala kang pera pambili ng Poppy Playtime, maaari mong laruin ang alternatibong bersyon nito na Popi Horror. Narito sa Laro Reviews ang aming masusing paghihimay sa larong ito.
Popi Horror: Chapter One
Ang Popi Horror: Chapter One ay halos kapareho ng tema ng Poppy Playtime. Magkaibang developers ang gumawa ng laro kaya masasabi mong isa itong bootleg ng orihinal na laro. Hindi gaya ng Poppy Playtime, walang storyline ang Chapter One. Diretso ka na agad sa toy factory nang hindi nalalaman kung ano o bakit ka napadpad doon.
Ang isa pang pinagkaiba ng Popi Horror: Chapter One sa orihinal na Poppy Playtime ay mas maliwanag ang lighting sa Popi Horror. Syempre, kailangan mong iwasan si Huggy at manatiling buhay hanggang sa matapos mo ang laro. Puno rin ng mga puzzle ang Popi Horror: Chapter One at kailangan mo ng matinding konsentrasyon para masagot ang mga ito.
Game features
Ang pinakakilalang item sa Popi Universe ay walang iba kundi ang GrabPack. Ito ay isang item sa laro na dinisenyo upang maabot at makuha mo ang mga bagay na nasa malalayo o matataas na lugar. Ito ay may kulay pula at asul na kamay na kusang humahaba, at bukod sa pagkuha ng gamit, magagamit din ang GrabPack bilang pambukas ng mga pintong may pula o asul na kulay.
Ayon sa kwento ng Poppy Playtime, ang GrabPack ay dating item na ginagamit ng mga manggagawa sa pabrika ng laruan upang gawin ang kanilang trabaho sa Playtime Co. Bukod sa GrabPack, ang isa pang ginaya ng Popi Horror: Chapter One sa Poppy Playtime ay ang pangunahing kontrabida nito na si Huggy Wuggy. Sa larong Popi Horror: Chapter One, Huggy lang ang tawag sa kanya, marahil ay dahil sa copyright issues.
Si Huggy ay isang mapayat at matangkad na stuffed toy. Napupuno siya ng balahibo at bago siya nagkaroon ng sariling buhay ay pumapatay ito ng lahat ng kanyang nakikita, siya ang naging isa sa mga mascot ng Playtime Co. Sa Popi Horror: Chapter One. Gayunpaman, mukhang hindi balahibo ang panlabas na anyo ni Huggy. Sa halip, mukha siyang halimaw na gawa sa punit-punit na goma. Isa sa mga maaaring dahilan nito ay hindi madali ang animation para sa mga buhok at balahibo.
Isa rin sa mga natatanging feature ng larong ito ang puzzles na kailangan mong malutasupang makalabas nang buhay sa pabrika ng laruan. Pagdating naman sa graphics, maihahalintulad mo ang graphics ng Popi Horror: Chapter One sa mga larong kagaya ng Roblox.
Saan Maaaring I-download ang Popi Horror?
Gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro:
Download Popi Horror: Chapter One on Android https://apkpure.com/popi-horror-chapter-one/com.poppy.horror.play.time
Tips at Tricks para sa Popi Horror
Hindi kami mahilig magbigay ng mga walkthrough dito sa Laro Reviews, pero kung gusto mong mas madalian sa Popi Horror: Chapter One, narito ang ilang tips.
Sa unang bahagi ng laro, magpunta sa gift shop upang malaman ang password na kailangan mong gamitin sa security room. Magbibigay ng mga kulay ang isang color palette sa gift shop at kailangan mo itong matandaan. Kapag nakarating ka na sa security room, pindutin ang tamang kulay bilang password at kuhanin ang GrabPack.
Sa una, ang asul na kamay pa lang ang nasa GrabPack at kailangan mong hanapin ang pulang kamay nito. Upang makita ito, pumunta sa pintong nasa kaliwa ng Testing Room at hanapin doon ang kamay. May items ka na maaaring makuha sa Popi Horror: Chapter One. Siguraduhin mong makukuha mo ang items na ito dahil maaari mo rin itong magamit sa Chapter 2.
Related Posts:
Yong Heroes Review
MORTAL KOMBAT: A Fighting Game Review
Kailangan mo ring pakinggan nang maigi ang mga tunog at background music sa iyong paligid dahil ito ang iyong hint kung nandyan ba si Huggy o wala.
Pros at Cons ng Popi Horror: Chapter One
Kung graphics ang pag-uusapan, hindi mo masasabing pinakamaganda ang graphics ng Popi Horror: Chapter One. Wala pa ito sa kalingkingan ng larong kinopya nito pero dahil bootleg lang naman ang laro, pwede mo na itong pagtiyagaan. Kahit papaano, smooth ang gameplay ng larong ito at wala kang makikitang aberya.
Pagdating naman sa sounds, nakuha naman ng Popi Horror: Chapter One ang akmang background music para sa isang horror game. Oo, isang bootleg na laro ang Popi Horror: Chapter One pero bago ko pa lang ito laruin, hindi na ganoon kataas ang inaasahan ko para sa laro. Sa sobrang daming bootleg ng Poppy Playtime, isa lang ito sa iba pang maari mong i-download.
Pero kung ang tanong ay ito ba ang pinakamatinong bootleg ng Poppy Playtime? Maaaring oo, may maipagmamalaki rin naman ito. Kung wala kang pambili ng Poppy Playtime sa Steam, maaari mong pagtiyagaan ang larong ito.
Ang operative word ay pagtiyagaan. Hindi ibig sabihin na ito ay magandang pamalit para sa orihinal na Poppy Playtime. Iba pa rin ang epekto ng isang laro na masusing ginawa at pinaglaanan ng oras.
Konklusyon
Magandang laruin ang Popi Horror: Chapter One kung gusto mong maglaro ng Poppy Playtime pero hindi kaya ng specs ng PC mo ang orihinal na laro o wala kang pambili nito. Hindi man mas maganda sa orihinal, Popi Horror: Chapter One ang isa sa pinakanangingibabaw na bootleg Poppy Playtime games dahil walang ibang bootleg ang may ganito kagandang graphics at gameplay.
Laro Reviews