World War 2:Strategy Battle Review

Itinuturing ang World War II bilang pinaka-madugong labanan na nangyari sa ating kasaysayan. Ngunit ang pangyayari ring ito ang nagsilbing tulay para sa marami upang makalikha ng mga dekalibreng pelikula, dokumentaryo, nakakaantig na kwento sa mga libro at maging ng mga mobile game. Sa katunayan, isa lang ang game developer na World War 2 strategy games sa mga lumilikha ng laro online na ang inspirasyon ay ang naganap na World War II, at mula sa dalawang laro na ginawa ng nasabing game developer, isa ang World War 2: Strategy Battle sa unti-unting naging tanyag na laro sa larangan ng Campaign Level Simulation Strategy Game.

Ano nga ba ang mayroon sa larong ito, at paano ito dapat na laruin? Bilang isang manlalaro, gagampanan mo ang character ng isang Commander-in-Chief at pamumunuan mo ang iyong hukbo upang salakayin ang alyansa ng mga kalaban. Sa karagdagan, ang larong ito ay may tinatawag na Single Scenarios at Campaign Related Scenarios. Parehong maipapanalo ang dalawang nabanggit na senaryo sa pamamagitan ng pagsalakay at pag-atake sa ibang hukbo. Ngunit dapat ding tandaan na may ilang senaryo na mayroong mga task na kailangang magawa bago ubusin ang mga kalaban.

Sa kabilang banda, ang pag-atake sa mga kalaban at pag-ubos sa kanilang hukbo ay pwede ring mangyari sa iyo kaya mahalaga na mapalawak mo kaagad ang nasasakupan ng iyong teritoryo at makapagpatayo ng mga gusali para sa iyong depensa. Sa larong ito, marami ka ring misyon na kailangang magawa bago mo marating ang tugatog ng tagumpay at ilan sa mga ito ay ang pag-agaw ng teritoryo mula sa mga kalaban, pagbili ng mga sasakyang pandigma at pagsalakay at pagpatay sa ilang mga hukbo ng kalaban.

Inihahandog din ng larong ito ang isang pagkakataon para sa mga manlalaro na makasali sa mga makatotohanang laban sa pagitan ng magkakalabang mga bansa at maisagawa ang iba’t ibang task na itinatampok ng larong ito. Bukod sa mga one-on-one na labanan ng mga hukbo, maaari mo ring gamitin ang tulong ng Air Force at Navy upang mas mabilis na pabagsakin ang depensa ng mga kalaban at upang mas mabilis silang mamatay.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at tricks na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:

Para madaling maintindihan ang mechanics ng laro, mahalaga na nakatutok ka sa mga hint na ibinibigay sa iyo lalo na pagdating sa kung paano maisakatuparan ang mga misyon at kung paano maagaw ang teritoryo ng ibang manlalaro. Mahalaga rin na makapag-imbak ka ng maraming resources upang nang sa ganun ay hindi ka mahihirapan sakaling magtatawag ka ng reinforcement.

Medyo matagal din bago matapos ang isang labanan kaya napakahalaga na alam mo na ang mga dapat mong gawin bago mo pa man salakayin ang kampo ng ibang hukbo upon nang sa ganun ay maiwasan mong ma-outnumber at ma-corner ng mga kalaban. Sa lahat ng uri ng pag-atake, ang dapat mong paghandaan ay mga kalaban sa himpapawid, sapagkat sila ang pinakamahirap na talunin lalo pa kung wala kang sapat na bilang ng mga wartank.

Huwag ring mag-atubili na gamitin ang iyong XP upang i-upgrade ang iyong mga armas dahil katulad ng ibang laro, habang tumatagal ay mas lalo ring nagiging intense ang labanan sa larong ito. Gayundin, huwag kakalimutan na laging mag-abang sa pinakabagong mga military facility at technological advancement para sa iyong mga kagamitan. Maliban pa rito, hindi mo kakayanin mag-isa ang laban kaya kailangan mo ang tulong ng ibang heneral mula sa alyansang iyong kinabibilangan.

Higit sa lahat, dapat mo ring paghandaan hindi lamang ang banta ng mga kalaban sa paligid ng iyong teritoryo kung hindi maging ang pagbabago ng panahon na isang malaking factor ng iyong ikakapanalo, o ikakatalo sa laro.

Saan maaaring i-download ang Laro?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user. I-download naman ang laro sa ANYREADER para malaro ito sa PC. Hindi pa available ang laro sa iOS. Maaaring gamitin ang mga link sa ibaba:

Download World War 2:Strategy Battle on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.worldwar2.strategygames.tacticsbattle

Mga Feature ng Laro

  • Unlimited-in game Currencies – Hindi kagaya ng ibang laro na kailangan mo pang maghirap ng husto bago ka makatanggap ng sapat na halaga ng pera, sa larong World War 2: Strategy Battle, ang kailangan mo na lamang gawin ay kolektahin ang iyong mga natatanggap na XP mula sa mga napagtagumpayan mong misyon, o mula sa mga nakukuha mula sa teritoryo ng mga kalaban.
  • Realistic Simulation of World War II – Kung hindi pa gaano ka sapat ang iyong kaalaman tungkol sa nangyaring digmaan noong World War II, tiyak na sa pamamagitan ng larong ito ay mas lalong madadagdagan pa ang iyong natutunan.
  • Unparalleled Weapons – Sa telebisyon ka lang ba nakakakita ng mga nakakamanghang armas? Kung oo, pwes sa larong ito hindi mo lamang sila basta makikita, ngunit mahahawakan din at magagamit. Ilan sa mga armas na pwede mong pagpilian ay mga sumusunod: flamethrowers, 3d German tiger tanks, submarines, bomber squadrons Soviet Katyusha rockets, Spitfire fighters, aircraft carriers, battleships, at command paratroopers.
  • Reinforcements – Kagaya sa totoong buhay, mahihirapan kang maipanalo ang iyong mga laban kung mag-isa mo itong hinaharap kaya naman sa tulong ng reinforcement feature sa larong ito, talaga namang mararamdaman mo ang diwa ng pagtutulungan.
  • Infantry Units – Bukod sa iyong mga armas, ang mga miyembro ng iyong infantry units ang isa sa may pinakamahalagang papel sa pagtapos sa mga kalaban.

Pros at Cons ng Laro

Marami sa atin ang humihiling na kung maaari ay makabalik tayo sa nakaraan upang itama ang ating mga pagkakamali na nagawa, o mapigilan ang isang karumal-dumal na pangyayari. Kaya naman tunay na nagagalak ang Laro Reviews dahil sa pamamagitan ng World War 2: Strategy Battle, maaari mong mabago ang kapalaran ng maraming inosenteng sibilyan na napaslang at mga sundalong hindi na muling nakabalik sa kanilang mga tahanan. Ngunit kung hindi man ito makaka-antig sa iyong puso, tiyak na ang magpapahanga sa iyo ay ang 3D graphics ng laro kung saan masasaksihan ng iyong mga mata kung gaano ka detalyado ang game developer ng larong ito.

Sa karagdagan, hindi rin isyu ang pagsulpot ng ads sa iyong screen dahil katamtaman lamang ang dami ng mga ito na lalabas sa iyong screen. Kung gameplay naman ng laro ang pag-uusapan, nakatitiyak din ang Laro Reviews na hindi ka bibiguin ng larong ito.

Sa kabilang banda, may ilang mga negatibong katangian din ang larong ito na hindi dapat pwedeng palampasin. Una, pagkarating mo ng 7th Axis level, nagsisimula nang magkaroon ng lagging sa laro lalo na kapag nag-uumpisa ka nang umatake sa teritoryo ng mga kalaban. Gayundin, sa mga pagkakataon na lumalabas ang ilang artillery tank ng mga kalaban, tila may kung anong mahika ang pumipigil sa iyo na mapindot ang screen kaya madalas, malaking porsyento ng iyong infantry ang namamatay nang hindi pa man nagsisimula ang laban.

Konklusyon

Kung mahilig ka sa history, o sa paglalaro ng mga historical battle at strategy game, walang duda na para sa iyo ang larong ito. Sa larong ito mo rin mararanasan ang isang pambihirang pagkakataon na makipag-alyansa sa mga malalakas na bansa kaya walang rason upang hindi mo subukan ang larong ito.