Aliwin ang iyong sarili sa kamangha-mangha at mapanghamong board game na ito. Sa Carrom Pool: Disc Game hahayaan ka nitong magsaya habang nakikipagkumpetensya sa iba pang mga manlalaro sa buong mundo. Mayroong itong smooth game controls, multiplayer mode, iba’t ibang striker at pucks, at isang nakakaaliw na gameplay system! Ilabas ang iyong galing sa pagpapa-shoot ng pucks bago magawa ng iyong kalaban at magkakaroon ka ng pagkakataong makakuha ng mga chest para mangolekta ng mga reward. Napakasimpleng laruin nito at maaaring i-download ng Android, iOS, o PC users ang app. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Halina’t anyayahan ang iyong mga kaibigan at magsaya sa nakakabilib na larong ito!
Ano ang layunin ng laro?
Mayroong tatlong modes ang laro. Ito ay ang Disc Pool, Carrom, at Freestyle modes. Ang bawat mode ay mayroong iba’t ibang layunin at kundisyon para magtagumpay. Ang mga sumusunod ay ang mga layunin ng bawat mode na dapat mong malaman upang manalo sa laban:
- Disc Pool – Upang manalo sa laban, kailangan mo lang i-pot ang lahat ng iyong pucks bago ang iyong kalaban.
- Carrom – Ito ay halos pareho rin sa Disc Pool, ngunit nagdagdag sila ng kaunting twist sa isang ito. Dito ay mayroong red puck na kailangang i-pot upang matapos ang laro.
- Freestyle – Ang sinumang umabot sa kabuuang 120 puntos ang siyang mananalo sa laban.
Paano ito laruin?
Ang mekaniks ng Carrom Pool: Disc Game ay simple at madali lamang makabisado. Ang bawat mode ay may iba’t ibang rules na dapat mong sundin at malaman. Pagkatapos nito, maaari ka nang magsaya at makipagkumpetensya sa iba pang mga manlalaro o yayain ang iyong kaibigang makipaglaro sa iyo!
Sa umpisa, ang laro ay magbibigay sa iyo ng sapat na pera upang magamit. Ang bawat mode ay naglalaman ng iba’t ibang arena at halaga ng entry fee para makapasok sa isang laban. Ang iyong entry fee ay magsisilbi bilang taya sa laban at ganoon rin ang iyong kalaban. Ang Paris Stage ay ang may pinakamababang halaga ng entry fee na nasa 200 coins lamang. Ang bawat arena at mga entry fee ay pareho lamang sa ibang mode. Ang mode ay nagkakaiba lamang sa rules.
Ang laro ay magtuturo lamang sa iyo kung paano gamitin ang iyong striker at tamaan ang iyong pucks. Ang mga patakaran ay nasa laro na at upang ibuod, sa Disc Pool mode ay kailangan mo lang i-pot ang lahat ng iyong pucks bago ang iyong kalaban upang manalo. Sa Carrom, ito ay katulad ng Disc Pool, ngunit nagdagdag sila ng isang red puck na kailangang i-pot bago ang huling puck nyo para matapos ang laro. Panghuli ay ang Freestyle mode. Dito ay kahit anong kulay ng puck ang iyong tamaan o i-shoot at ang twist dito ay ang bawat kulay ay may halaga. Upang manalo sa isang Freestyle, kailangan mong maunang umabot sa 120 puntos bago ang iyong kalaban. Iyon lang ang dapat mong malaman para manalo. Ang laro ay maihahalintulad sa game sports tulad ng billiards.
Paano i-download ang laro?
Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Carrom Pool: Disc Game sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 46 MB at 126.1 MB naman para sa iOS.
Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:
Download Carrom Pool: Disc Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.miniclip.carrom
Download Carrom Pool: Disc Game on iOS https://apps.apple.com/pk/app/carrom-pool-disc-game/id1420551478
Download Carrom Pool: Disc Game on PC https://www.bluestacks.com/apps/sports/carrom-pool-on-pc.html
Hakbang sa Paggawa ng Account sa Carrom Pool: Disc Game
- Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
- Hanapin ang bersyon ng larong Carrom Pool: Disc Game pagkatapos ay i-download at i-install ito.
- Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
- Ang data ng laro ay maiingatan o mase-save kung ili-link mo ito sa isang account.
- Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Carrom Pool: Disc Game!
Tips at Tricks sa Paglalaro ng Carrom Pool: Disc Game
Sa bahaging ito, tatalakayin natin kung paano manalo. Ang kailangan mo lang gawin ay i-unlock at i-upgrade ang kapangyarihan ng striker. Ang mga istatistika nito ay nahahati sa tatlong kategorya: Force, Aim, at Time. Ang Force ng bawat shot ay tinutukoy ang lakas at bilis nito. Ang Aim ay ang haba ng guidelines ng iyong strike. Ang Time ay ang maximum na dami ng oras na magagamit upang makagawa ng isang shot.
Lahat ng tatlong ito ay mahalaga para sa iyong striker. Mangolekta ng bagong kagamitan at i-upgrade ito para ma-unlock ang mga bagong kapangyarihan para sa iyong striker. Maaaring makakuha ng mga kagamitan sa pamamagitan ng pangongolekta o pag-a-unlock ng mga chest at manggagaling naman ang mga chest sa mga panalong laban. Ayon sa Laro Reviews, ito lamang ang mga pangunahing kaalaman na dapat mong malaman.
Pros at Cons sa Paglalaro ng Carrom Pool: Disc Game
Ang laro ay simpleng maunawaan at laruin. Hindi lamang iyon, nagbibigay din ito ng maraming libangan para sa mga manlalaro at ito ang iba’t ibang modes na maaari mong pagpilian. Mayroong itong tatlong modes: Disc Pool, Carrom, at Freestyle. Ang tatlo ay may iba’t ibang rules na dapat sundin upang manalo sa laban. Ang lahat ng mga manlalaro ay pinipili nang random at ang taya ay depende sa entry fee. Ang mga chest ay maaaring makuha sa pamamagitan ng mga panalong laban. Ang mga chest ay nagbibigay ng mga item na maaaring gamitin upang pagandahin at bigyan ng kapangyarihan ang iyong striker. Ang larong ito ay maraming posibilidad at masaya.
Ang visual graphics ay mahusay na idinisenyo at mahusay na nailapat sa maliit na screen. Ang sound effects ay angkop sa laro. Ang mga feature ay maayos at hindi nagdudulot ng anumang pagkalito. Narito na rin ang rules na maaari mong basahin at talaan ng mga istatistika ng iyong striker. Ang lahat ay madaling ma-access dito.
Pag-usapan naman natin ang mga problema sa laro. Ang ilang mga manlalaro ay nagrereklamo sa bugs na nakakaabala sa performance ng laro. Nagiging sanhi ito ng hindi patas na sistema ng laro, tulad ng kapag na-shoot ng kalaban ang kanyang striker sa butas, dapat ay turn mo na para tumira ngunit dahil sa bugs ay nakakakuha ang kalaban ng isa pang turn. Isa ito sa mga error na nararanasan ng mga manlalaro sa gitna ng laro at dapat tugunan ng mga developer ang isyung ito upang patuloy na ma-enjoy ng mga manlalaro ang isang patas na sistema ng labanan. Nakakalungkot isipin kung hindi ito maaayos dahil maraming tao ang natutuwa sa paglalaro nito. Gayunpaman, sa kabila ng mga kakulangan, ito ay nakakatulong pa rin upang mapawi ang pagkabagot.
Konklusyon
Ang laro ay sobrang masaya at nakaka-enganyo. Ang magandang karanasan sa paglalaro nito ang siyang kinagigiliwan ng mga manlalaro. Gayunpaman, may ilang mga isyung dapat masolusyonan upang ito ay manatiling maayos. Ang bugs ay nagdudulot ng hindi patas na labanan na ikinadidismaya ng mga manlalaro. Dapat itong solusyonan sa susunod na pag-update ng laro. Gayunpaman, inirerekomenda ng Laro Reviews ang larong ito at hinihimok kang subukan ito.