Beat Fire – Edm Gun Music Game Review

Ang isa sa magagandang libangan at pantanggal stress na larong pwede mong laruin sa Google Play Store ay ang mga larong may temang musika. Bukod sa ikaw ay nasisiyahan sa paglalaro, mare-relax ka rin sa mga iba’t ibang uri ng tugtugan ng laro. Kung naghahanap ka ng ganitong laro, subukan mo ang nilikha ng Adaric Music, ang Beat Fire – Edm Gun Music Game. Ito ay opisyal na inilabas noong taong 2019 at patuloy na tinatangkilik ng mga manlalaro hanggang ngayon.

Ang Beat Fire – Edm Gun Music Game ay isang laro na tungkol sa musika. Katulad sa musika, mayroon itong beat, ritmo at tempo. Ang mga uri ng tugtog na maaari mong laruin dito ay ang Electronic Dance Music o EDM. Ito rin ay may single player at offline mode na laro. Ibig sabihin hindi mo na kailangan ng data o internet connection kung nais itong laruin.

Sa larong ito, kailangan mong sundan ang beat ng musika, sumabay sa ritmo at hintayin ang tamang tempo upang makasunod sa laro. Kung alam mo ang mga larong Piano Music Tiles, Guitar Hero, at Beatstar – Touch Your Music, mayroon itong pagkakatulad sa Beat Fire – Edm Gun Music Game. Subalit mayroong kaibahan ang larong ito dahil sa kakaibang konsepto na inilipat dito. Sigurado akong kaadikan at magugustuhan mo rin ang larong ito na hatid ng Adraic Music.

Para mas lumawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa larong ito, basahin ang buong artikulo. Narito ang ilang features, tips at tricks, pros at cons ng larong ito na sigurado akong makatutulong sa iyo.

Features ng Beat Fire – Edm Gun Music Game

Iba’t ibang uri ng magagandang kanta – Ang Beat Fire – Edm Gun Music Game ay mayroong bago at magagandang musika na maaari mong laruin. Ilan sa mga kantang ito ay ang Squid Game, Coffin Dance, How You Like That, Immortal, Unity, Believer, Despacito, Taki Taki, Paradise, Monody, Alone, Road So Far, The Adventure, Tonight at marami pang iba. Sigurado akong magugustuhan mo ang mga ito.

Maraming papremyo – Sa larong ito, maaari kang makakuha ng iba’t ibang uri ng premyo na magagamit mo sa paglalaro. Kolektahin ang mga coins na makukuha upang mabuksan ang mga item. Marami ring mga papremyong naghihintay sa iyo lalo na kung ikaw ay bagong manlalaro.

Iba’t ibang uri ng baril – Sa larong ito ay maaari kang gumamit ng iba’t ibang uri ng baril. Kabilang dito ang mga baril na J-Gun, X-Railgun, R-W, Phantom, Agent-1, Laser gun, MAT-10, W500, Revolver, Desert Eagle, W192, W16, AKW at maraming pang iba. Subalit para makuha at magamit ang lahat ng ito, kailangan mong maglaro, manalo at mangolekta ng maraming coins. Maaari mong makuha ang mga baril kapag ikaw ay nanalo ngunit kung nais mong maangkin agad ito, pwede mo itong bilhin o di kaya ay manood ng mga ads.

Saan pwedeng i-download ang Beat Fire – Edm Gun Music Game?

Kung nais makuha ang larong ito, narito ang mga links ng laro. I-click lamang ang mga links sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Beat Fire – Edm Gun Music Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=beatmaker.edm.musicgames.gunsounds&hl=en&gl=US Download Beat Fire – Edm Gun Music Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/beat-fire/id1493756670 Download Beat Fire – Edm Gun Music Game on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-beatmaker.edm.musicgames.gunsounds-on-pc.html

Para ma-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang install at hintayin umabot sa 100% ang pag-download. Kapag tapos na ito, maaari mo na itong buksan at laruin.

Tips at Tricks kung nais Laruin ang Beat Fire – Edm Gun Music Game

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Beat Fire – Edm Gun Music Game, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo.

Kung ikaw ay bagong manlalaro, mayroong gagabay sa iyo kung ano ang mga dapat mong gawin. Sundin lamang ang itinuturo at basahin ang sinasabi sa direksyon. Ito ay para mas mabilis mong maunawaan ang daloy ng laro at maging pamilyar ka rito. Kapag nalagpasan mo na ang tutorial stage, magkakaroon ka na ng ideya kung paano laruin ang Beat Fire – Edm Gun Music Game.

Para sa mga bagong manlalaro, ang kaibahan nito sa ibang music game, hindi mo kailangang pindutin ang music tiles kundi babarilin mo ang mga ito. Ang pagbaril sa mga tiles ay nakakadagdag ng panibagong tunog sa laro dahil sa sound effects ng baril kapag natatamaan mo ang tiles.

Ang isa sa tips na dapat mong tandaan sa paglalaro nito, kailangan mo lang damhin ang tunog ng musika sa laro. Sa ganitong paraan, masusundan mo ang beat, makakasabay ka sa ritmo at malalaman mo ang tamang tempo ng musikang napili mo. Mas masisiyahan at malilibang ka sa paglalaro kung papakinggan at dadamhin mo ang tugtog.

Dagdag pa rito, marami ka ring mga premyo na makukuha sa laro lalo na kung ikaw ay bago pa lang. Maaari kang makakuha ng mga baril na magagamit mo sa laro o mga bagong kanta at marami pang iba. Huwag mo ring kalimutang mag-claim ng mga daily rewards kung saan maaari kang makakuha ng dagdag na coins pambili ng mga items.

Sa paglalaro nito, i-swipe mo lang at itutok ang baril sa mga lalabas na music tiles na sumasabay sa beat ng kanta. Kailangang hindi ka nahuhuli o nauuna, kundi sabay lamang sa timing ng musika. Simple at madali lang laruin ang Beat Fire – Edm Gun Music Game. Tiyak akong hindi ka mahihirapan sa paglalaro nito kapag nasimulan mo na itong subukan.

Pros at Cons sa paglalaro ng Beat Fire – Edm Gun Music Game

Para sa Laro Reviews, ang kalamangan ng Beat Fire – Edm Gun Music Game sa ibang mga music game ay mayroon itong mga bagong kanta. Katulad na lang ng Squid Game, How You Like That, INDUSTRY BABY, Sky High at pati na rin ang mga Christmas Song na Jingle Bell, All I Want For Christmas Is You, Last Christmas at iba pa. Tiyak akong marami ang makaka-relate sa mga kantang ito. Napakaraming mga kanta ang pwede mong pagpilian sa larong ito.

Mahusay rin ang graphics na ginamit sa laro at ang mga visual effects nito. Ito ang isa sa dahilan kung bakit nakakahikayat na laruin ang Beat Fire – Edm Gun Music Game. Lalo na sa sound effects at music na ginamit sa larong ito ay talagang maganda. Hindi ka madidismaya sa mga kanta kundi mag-eenjoy ka.

Mayroon ding VIP Access ang larong ito para sa mga nagnanais ng mas magandang bersyon nito. Kapag nag-avail ka nito, walang ads na lumalabas sa tuwing ikaw ay naglalaro, mabubuksan mo ang lahat ng kanta at content nito at mayroon ka ring libreng buhay kapag ikaw ay namatay. Subalit kung ayaw mo naman ng VIP Access, ang kadalasang problema na mararanasan mo sa larong ito ay ang sagabal na mga ads na madalas sumulpot.

Sa larong ito, maaari ka ring bumili ng mga in-app na produkto gamit ang tunay na pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱50 hanggang ₱1,000 kada item. Subalit pwede mo naman i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting ang in-app na pagbili kung ayaw mong gumastos.

Gayunpaman, ang larong ito ay magandang subukan at bigyan ng oras bilang libangan. Nakakatanggal ito ng stress at naghahatid ng kasiyahan sa mga manlalaro. Sigurado akong isa ito sa iyong magiging paboritong larong musika.

Konklusyon

Ang larong ito ay mabilis lang i-download sa mga devices dahil mayroon lang itong 34 MB. Ngayon, mayroon din itong 4.3 stars out of 5 na ratings sa Google Play Store. Umabot na rin sa mahigit 10 milyong downloads ang larong ito simula noong ito ay inilabas. Ito rin ay pang-anim sa pwesto ng top free games sa music. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong devices ang Beat Fire – Edm Gun Music Game!