Three Kingdoms: Heroes of Legend Review

Three Kingdoms: Heroes of Legend – Ito ay isang 3D action card game na batay sa konsepto ng The Three Kingdoms, na nakatuon sa pakikipaglaban at pagpapahusay ng mga karakter. Naglalaman ang laro ng iba’t ibang kakayahan ng heroes, kagamitan, alagang hayop, at iba pang feature. Ito ay bago lamang na hango sa larong Three Kingdoms! Ang larong ito ay nangangailangang gumamit ng iba’t ibang kakayahan at diskarte sa paglalaro.

Mayroon itong nakaka-engganyong mga aksyon sa pakikipaglaban. Ang lahat ng malalaking pwersa ay makikipagtuos laban sa isa’t isa gamit ang pinagsama-samang mga kakayahan sa pakikipaglaban at isang natatanging sistema ng pagpapalakas ng mga karakter. Maaari mong harapin ang sitwasyong ito dahil sa iyong pambihirang kontrol sa paggalaw. Siyasatin at tingnan ang marangyang istilo ng tatlong kaharian.

Ano ang layunin ng laro?

Ang larong ito ay higit na nakatuon sa mga kasanayan sa pakikipaglaban at pagpapahusay sa mga mandirigma. Walang tigil kang lalaban para makakuha ng mga gantimpalang makakatulong sa pagpapalakas ng iyong mga karakter. Ang laro ay walang partikular na layunin ngunit ito ay magtatalaga sa iyo ng iba’t ibang mga gawain o misyon sa bawat level na dapat mong tapusin at kumpletuhin.

Kapag nagawa mong kumpletuhin ang lahat ng nabanggit na gawain, bibigyan ka nito ng mga espesyal na item, kagamitan, reward, at marami pang iba. Dahil patuloy na lumalakas ang iyong mga kalaban, bigyang pansin ang pag-a-upgrade ng mga karakter. Habang umuusad ka, unti-unting nagiging mapanghamon ang mga ito. Gaya ng naunang sinabi, ang mga mekaniks ng laro ay nakatuon sa ebolusyon ng mga karakter. Simulan na ang paglalakbay kasama ang iyong magigiting na mandirigma at talunin ang lahat ng mga kalaban!

Paano ito laruin?

Ang laro ay nakakalito sa simula, ngunit habang tinutuklas mo ang mga feature nito ay unti-unti mo itong makakabisado. Narito ang Laro Reviews para bigyan ka ng kaalaman sa kung ano ang maaari mong matuklasan sa Three Kingdoms: Heroes of Legend. Pagkatapos mong i-download at i-install ang app sa iyong smartphone, magpapakita ito ng listahan ng mga server na maaari kang kumonekta. Tandaang ang pagpasok sa isang server ay kailangang mayroon kang malakas na internet connection.

Ang laro ay mayroong tutorial na ipaliliwanag kung paano kontrolin ang iyong mga karakter at gamitin ang kanilang mga kakayahan. Kapag puno na ang “Rage bar”, maaari na nilang gamitin ang Rage Skill. Maaari mong tingnan ang mga card sa ibaba ng screen, kung saan makikita mo ang mga icon ng iyong mga karakter. Maaari mong gamitin ang button na “auto-navigate” para kusang gumalaw ang iyong mga karakter, o manual mong i-tap ang screen sa direksyong gusto mong pumunta. Kapag nakumpleto mo ang mga orange na bilog sa tabi ng “Fire” button ay maaari mong gamitin ang isang malakas na Ultimate Skill nito. Ito ay mati-trigger sa pamamagitan ng paggamit ng mga Normal Skill nila. Sa bawat level, may mga boss at alagad nilang dapat mong talunin. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang mga misyong dapat mong makumpleto upang makatanggap ng rewards.

Maaaring gamitin ng mga manlalaro ang mga karakter na mayroong malalakas na kapangyarihan at mahuhusay na sandata, baluti, kayamanan, mahika, at mga alagang hayop. Maaaring gamitin ng mga manlalaro ang mga materyal na mula sa forging equipment upang mapahusay ang kanilang performance. Ang mga manlalaro ay maaaring magdagdag ng mga setting stone o isang kagamitan na lubos na magpapahusay sa mga karakter. Ang fate equipment ng mga karakter ay maaari ring gamitin para i-upgrade ang kanilang mga kakayahan at katangian.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Three Kingdoms: Heroes of Legend sa Android devices ay dapat Android 4.2 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 9.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 574 MB at 1.1 GB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Three Kingdoms: Heroes of Legend on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.mh.dgqs.android

Download Three Kingdoms: Heroes of Legend on iOS https://apps.apple.com/us/app/three-kingdoms-hero-of-legend/id1538546383

Download Three Kingdoms: Heroes of Legend on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/three-kingdomsheroes-of-legend-on-pc.html

Hakbang sa paggawa ng account sa Larong Three Kingdoms: Heroes of Legend

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Three Kingdoms: Heroes of Legend pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o mase-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Three Kingdoms: Heroes of Legend!

Tips at tricks sa Paglalaro ng Three Kingdoms: Heroes of Legend

Narito ang ilang mga tip na inihanda ng Laro Reviews para matulungan kang manalo sa digmaan at mag-level up sa 3D action card game na ito. Ang laro ay higit na nakatuon sa pagpapalakas ng karakter. Ang mga kalaban ay madali lamang talunin sa mga unang level, sila ay nagiging malakas habang umuusad ka sa laro. Ang mga materyal na galing sa forging equipment ay maaaring gamitin upang mapataas ang kakayahan ng iyong mga karakter.

Related Posts:

Awakening of Heroes: MOBA 5v5 Review

The Walking Dead No Man’s Land Review

Kailangan mong kumpletuhin ang criteria ng bawat level upang makakuha ng mga karagdagang reward na magagamit sa pag-a-upgrade. Pagdating sa labanan, alamin at kabisaduhin ang mga espesyal na kakayahan ng iyong mga karakter upang malaman mo kung ano ang gagamitin sa laban. Maaari mo ring makita kung ano ang iyong mga makakalaban at reward sa bawat level. Pag-aralan kung paano umiwas sa atake ng kalaban sa pamamagitan ng pag-slide paatras o sa anumang direksyon.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Three Kingdoms: Heroes of Legend

Ang Three Kingdoms: Heroes of Legend ay isang nakakaaliw na larong nagdadala sa iyo sa digmaan sa pagitan ng mga hero at mythical na nilalang. Sa laro, maaaring mag-recruit ang mga manlalaro ng humigit-kumulang 100 karakter mula sa apat na magkakaibang pwersa kung saan bawat isa ay may sariling natatanging hanay ng mga kasanayan, armas, at alyansa. Ang pagpapalakas at paggamit ng iba’t ibang mga hero ay nagreresulta sa isang natatanging diskarte at karanasan sa pakikipaglaban. Ito ay may maraming elemento upang matuklasan. Tiyak na mapapahanga ka sa mga animation at sound effects nito.

Ito ay may pabago-bagong lugar ng labanan at ang mekaniks ay madali lamang matutunan. Ang mga kontrol ay madaling gamitin at maayos na naka-display sa screen ng device. Ang mga sound effect ay magdadala sa iyo sa isang kapanapanabik na labanan ng mga hero habang nagpapakawala ng kanilang malalakas at nakamamanghang ultimate skills. Ito ay libreng i-download sa app stores at available din sa lahat ng mga gumagamit ng Android, iOS, at PC. Mayroon itong in-app purchases kung saan maari kang gumastos ng totoong pera upang bumili ng mga item, karakter at iba pang mapagkukunan.

Ang laro ay mayroon pa ring mga problemang dapat isaayos. Ang ilang mga manlalaro ay nakakaranas ng mga bug at error, lalo na habang kumokonekta sa isang server. Upang kumonekta sa isang server, dapat ay mayroon kang malakas na internet connection. Ang app ay nagkakaroon ng problema sa gitna ng laban kung kaya’t karamihan sa mga manlalaro ay naiinis at naiirita. Upang mapanatili ang magandang gameplay performance nito, dapat ay masolusyonan ito ng mga developer. Maaari mong i-save ang iyong progress sa laro sa pamamagitan ng pag-link nito sa iyong Google Play o Facebook account.

Konklusyon

Nagbibigay ito ng isang magandang karanasan sa paglalaro at napakahusay na iginuhit ang mga animation ng labanan sa pagitan ng mga hero at maalamat na halimaw. Gayunpaman, ang laro ay may mga problema at mga error na may malaking epekto sa performance nito. Dapat gawan ng paraan ng mga developer ang lahat ng isyung ito at tugunan ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Laro Reviews