Ang Solitaire Tripeaks-Secret Garden-Free Card Game ay inilabas noong Oktubre 10, 2020. Ito ay mula sa Higgs Games, isang Android game developer company na itinatag noong 2018. Sa kasalukuyan, mayroon itong higit 100,000 installs sa Google Play Store.
Ang single-player card game na ito ay nagdadala ng kakaibang level ng aliw at libangan sa lahat. Ang layunin ng mga manlalaro ay maglakbay sa isang secret garden sa pamamagitan ng paglalaro ng Tripeaks Solitaire-inspired card game. Upang mai-unlock ang bagong game levels at sa kalaunan ay makagawa ng sariling flower garden, kailangan nilang mapagtagumpayan ang hamon kung papaano maililipat ang lahat ng cards sa tableau patungo sa discard pile.
Paano I-download ang Solitaire Tripeaks-Secret Garden-Free Card Game?
Ang larong ito ay maaaring i-download nang libre sa Play Store. Sa kasamaang palad, hindi pa ito malalaro ng iOS users dahil hindi pa available ang app sa App Store. Para naman sa mahilig maglaro gamit ang laptop o desktop, maaari mong i-download ang app sa computer sa tulong ng isang lehitimong emulator. Kung nais mong subukan na ito kaagad, maaari mong i-click ang mga link sa ibaba:
Download Solitaire Tripeaks-Secret Garden-Free Card Game on PC https://www.99images.com/apps/card/com.neptune.Solitaire/download
Download Solitaire Tripeaks-Secret Garden-Free Card Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.neptune.Solitaire
Ultimate Guide para sa mga Manlalaro
Ang solitaire card games ay isang tanyag na libangan sa buong mundo. Bukod kasi sa simpleng gameplay nito, maaari rin itong laruin nang mag-iisa. Ang game mechanics nito ay basic at madaling matutunan, kahit sino ay maaaring maglaro nito, bata man o matanda.
Sa mga pagkakataong walang internet connection, nag-iisa ka lang at walang sinumang pwedeng makalaro, maaari ka pa ring makapag-enjoy. May iba’t ibang uri ng solitaire card games at ang bawat isa ay may kakaibang gameplay. Isa sa mga kilalalang gumagawa nito ang Tripeaks at dito hango ang gameplay ng tampok nating laro.
Ang Solitaire Tripeaks-Secret Garden-Free Card Game ay isang mainam na alternatibo para maglaro ng mobile Solitaire Tripeaks. Dadalhin ka nito sa mga makukulay na flower garden at magkakaroon ka rin ng sarili mong hardin at koleksyon ng mga bulaklak. Upang mapalawak at mapuno ang iyong garden ng mga makukulay na bulaklak, kailangan mong manalo at mag-level up sa laro. Sa bawat game level na malalampasan mo, magkakaroon ka ng pagkakataong ma-unlock ang isang bagong species ng bulaklak upang maidagdag ito sa iyong koleksyon.
Ang app na ito ay free-to-play at maaaring laruin ng offline. Maaari kang mag-relax at mag-enjoy habang pinapalago ang iyong digital garden. Subalit, bago ka magsimula ay may iilang bagay na dapat mong malaman tungkol dito. Titiyakin ng Laro Reviews na sapat ang iyong kaalaman upang manalo sa larong ito!
- Game Terminologies
Tableau – Ito ay tumutukoy sa building pile na makikita sa gitna ng iyong gaming screen. Ito ay binubuo ng random card piles kung saan ang iba ay nakalatag at ang iba naman ay nakatalikod.
Stockpile – Ito ang tawag sa natitirang 24 cards sa iyong deck. Dito ka maaaring kumuha ng karagdagang cards kung sakaling walang card sa tableau ang tumugma sa game sequence.
Discard Pile – Ito ang pile ng cards na matagumpay mong na-discard batay sa game sequence.
- Gameplay at Missions
Sa bawat game level, may set ng cards at piles ang automatic na lilitaw. Ang tableau ay makikita mo sa gitna habang ang stockpile at discard pile ay makikita sa ilalim na bahagi ng iyong gaming screen. Upang ma-discard ang angkop na card, ang kailangan mo lang gawin ay i-tap ito. Para matukoy kung angkop nga bang mailipat ang isang card o hindi, kailangang ito ay mas mataas o mas mababa ng isang numerical value sa card na nakadisplay sa discard pile. Halimbawa, kung ang nasa discard pile ay card number 2, maaari mong i-tap ang ace card o ang number 3 card.
Bawat card na mailalagay mo sa discard pile ay may katumbas na coins. Ang coins ay ginagamit upang makapag-level up, mag-undo at para makakuha ng wild cards. Makikita mo ang kabuuang halaga ng coins sa kaliwang-itaas na bahagi ng gaming screen. Tandaan na kailangan mong gamitin ang coins sa madiskarteng paraan.
Para makakuha naman ng panibagong species ng bulaklak, kailangan mong mapuno ang flower meter sa pamamagitan ng mga combo. Kapag nakumpleto na ang lahat ng levels sa isang game map, maa-unlock ang isang panibagong chapter ng laro.
Bukod sa regular game modes, pwede kang makakuha ng karagdagang coins sa pamamagitan ng pagkumpleto ng missions. Huwag kaligtaang i-check ang mission list at kunin ang iyong bonus coins.
- Karagdagang Features
May karagdagang features, power-ups at boosters din sa larong ito na nagbibigay ng karagdagang pagkakataon sa mga manlalarong malampasan ang bawat hamon. Ang mga sumusunod ay ang apat na pangunahing features sa laro: undo option, wild cards, plus five cards at free cards. Kinakailangan mong magbayad ng coins para magamit ang mga ito. Tandaan na medyo may kamahalan gumamit ng special cards kaya gamitin lamang ito kung talagang kinakailangan.
- Game Shop
Kung nais mo namang gumamit ng in-app purchases, i-click ang Shop icon. Dito mo makikita ang coin at special card packages na pwede mong bilhin. Gayunpaman, hindi mo naman talaga kinakailangang gumastos ng pera sa larong ito, dapat lang gamitan ng tamang diskarte para hindi ka maubusan ng coins.
Pros at Cons ng Solitaire Tripeaks-Secret Garden
Ang single-player game na ito ay nakakaaliw at puno ng kapanapanabik na mga hamon. Ang graphics, game designs at animations na ginamit dito ay makulay, kaakit-akit at may magandang kalidad. Ang progressive gameplay nito ay may mahusay na execution dahil ang difficulty level nito ay talagang tumataas habang nagli-level up ka sa laro. Ang game controls ay gumagana ng maayos at hindi nakakalito ang game icons nito.
Gayunpaman, ito ay may ilang mga kakulangan din. Maraming manlalaro ang nadidismaya dahil may mga pagkakataong bigla na lamang nagka-crash ang app. At sa tuwing nangyayari ito, ang kanilang naipong coins ay biglang nawawala at hindi na naibabalik pa. Marami rin ang hindi nasisiyahan sa napakalaking halaga ng coins na kinakailangan upang mai-unlock ang bagong game levels.
Konklusyon
Ang larong ito ay nakakuha ng average rating na 3.3 stars mula sa 400+ reviews sa Play Store. Sa kabila ng ilang isyu at technical problems nito, inirerekomenda pa rin ng Laro Reviews na subukan mo ang laro. Kahit hindi mo alam kung paano maglaro ng Tripeaks Solitaire o anumang solitaire games, madali mong matutunan ang game mechanics nito. Napakalaki pa sana ng potensyal nito lalo na kung mapupunan ng developers ang mga kakulangan nito.