Ang Pro Snooker 2022 ay kabilang sa most realistic at enjoyable snooker at pool gameplay na available para sa mga smartphone device. Ang naturang laro ay parehong ideal para sa relaxed at intense players dahil ito ay may features na entirely-layered game surroundings at detailed 3D rigid body structure.
Ang pagiging simple ng interface nito ay nagpapahintulot sa mga manlalaro na ma-pick-up ito nang mas mabilis at makapagsimulang maglaro agad. Para sa maraming skilled players, ang larong ito ay may cue ball options na ginagawang posibleng makapaglaro at makatira ng mas maganda at may kakaibang spins.
Pagsisimulang Maglaro ng Pro Snooker 2022
Sa pagsisimula ng laro, kailangang maunawaan ang mga pangunahing kaalaman sa paglalaro ng snooker tulad ng body stance, guidelines, kasama na rin ang lahat ng kakailanganing galaw. Gayunpaman, habang sumusulong sa laro nahahasa ang iyong kasanayan bilang player hanggang sa madiskubre mo ang malaking potensyal nito para sa improvement.
Halos lahat ng manlalaro ng Pro Snooker 2022 ay kailangang gumamit ng white ball, o kilala rin sa tawag na cue ball, upang tamaan ang 21 balls na may iba-ibang values. Ang mga red ball ay may katumbas na one point, ang yellow ay two points, ang green ay three points, ang brown ay four points, ang blue ay five points, ang pink ay six points, at ang black ay seven points.
Pag-download ng Pro Snooker 2022
Ang Pro Snooker 2022 ay maaaring i-download ng direkta mula sa Google Play Store para sa Android devices at sa App Store naman para sa iOS devices. Maaari ring gumamit ng emulator upang ma-enjoy ang paglalaro nito sa PC.
Maaaring i-download ang laro gamit ang sumusunod na links:
Download Pro Snooker 2022 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.iwaredesigns.prosnooker2012
Download Pro Snooker 2022 on iOS https://apps.apple.com/gb/app/pro-snooker-2022/id556429085
Download Pro Snooker 2022 on PC https://pcmac.download/app/556429085/pro-snooker-2021
Tips at Tricks sa Paglalaro ng Pro Snooker 2022
Maliban na lang kung mayroon kang snooker table sa bahay, malamang ay wala kang sapat na pagkakataon upang magsanay mag-isa. Dahil dito, kung interesado ka sa pagpapaganda ng laro at pagpapatalas ng iyong kasanayan, kinakailangang maglaan ng approximately 30% ng iyong oras para sa solo practice upang makapag-concentrate sa partikular na bahagi tulad ng technical details o systematic techniques.
Mahalaga ang pag-mix and match ng iyong teams sa kabuuan ng practice rounds upang magkaroon ng pagkakataon na makapaglaro ng may highly variable levels of expertise habang naglalaro kasama ng iba pang newbies at makapagbigay ng sense of solace. Inirerekomenda ng Laro Reviews na subukang regular na magsagawa ng practice sa lower-tier at extremely capable players upang masolusyonan ang weaknesses at makamit ang maximum potential.
Iminumungkahi rin ng Laro Reviews sa newbies na magkaroon ng snooker note kung saan ililista ang points upang matulungan nitong mas maunawaan ang mga pangyayari sa mga nakaraang laro. Ang detailed records ay magsisilbing logbook ng ng skills na kailangan pag pagbutihin sa susunod na solo practice session. Magsisilbi rin itong kapaki-pakinabang na yardstick upang masukat ang pangkalahatang progreso, halimbawa na lang ay sa nakaraang 6 months o higit pa.
Palaging gumawa ng plano para sa solo practice game dahil mahalaga ang may sinusunod na sistema. Bilang karagdagan sa pagkakaroon ng diary of areas to improve, kailangan ding isama ang malinaw na goals at ang pagkakaroon ng performance objectives bilang element ng iyong practice routine para manatiling organized at dedicated.
Bilang isang newbie, kailangan ang buong konsentrasyon sa kabuuan ng practice sessions dahil ito ay isa sa pinakamagandang paraan para magkaroon ng progreso. Marami pang uri ng exercises na magagawa upang mapaunlad ang mental focus sa maikling panahon lang. Ang pagpapanatili ng maikling sessions tulad ng 1 oras ng concentrated at organized practice ay higit na kapaki-pakinabang kaysa sa mahabang oras ng unfocused playing.
Lubos na nauunawaan ng lahat na kahit anong sport na gumagamit ng bola ay nangangailangan ng partikular na antas ng balanse. Ang mga newbie ay kailangang maintindihan kung paano makukuha ang balanse at kasabay nito ay ang pagkakaroon din ng consistent at spontaneous shooting stance. Tandaan na ang iyong stance ay dapat na kayang humarap sa push ng iyong shooting edge.
Kaya kapag tumira, dapat ito ay seamless at rhythmic, may distinct onset, middle, at stop. Siguraduhing hindi magmamadali sa iyong shot pero huwag ding masyadong magtagal dahil baka hindi makumpleto ang laro. Piliin ang angled shots sa halip na straight-in shots kung gusto mo ng mas mahabang takbo ng laro.
Pros at Cons ng Pro Snooker 2022
Ang laro ay maganda. Ang graphics nito ay mahusay ang pagkakagawa. May mga pagkakataong challenging tingnan ang angles kahit ito ay parte lang ng proseso. Ang cue ball ay gumagalaw na tulad ng karaniwang magiging galaw nito sa isang snooker game. Hindi kapani-paniwala ngunit mistulan itong paglalaro sa real table, kasama na ang appearance, galaw ng mga bola, at ang pinakamahalaga sa lahat – ang camera shifting habang naglalaro. Ang Pro Snooker 2022 ay sadyang rare game na hindi tulad ng iba pang mga laro sa kaparehong genre. Nagagawa nitong makapagbigay ng satisfaction sa players nito sa pamamagitan ng 3D graphics.
Gayunpaman, ang laro ay may ilang bugs na kailangang ayusin. Ang advertisements sa laro ay napakarami na minsan ay nagiging sanhi ng pagiging boring nito sa katagalan. Ang controls nito ay may pagkakumplikado gaya ng pagkakaroon ng maraming pindutan para sa single shot. Ang AI nito ay medyo hindi makatotohanan. Lumalabas na ang pagtaas ng antas ng kahirapan ay kapansin-pansin ding nagpapataas ng kasanayan ng AIs sa ball potting, habang isinasantabi ang cue ball power at safety play.
Ang Pro Snooker 2022 ay isang mahusay na laro pagdating sa tactics, timing, concentration, precision, at eye-hand coordination. Sa kabilang banda, kapag nakaabot na sa pro stages, nagiging mahirap nang manalo at minsan ay nagiging disappointing din, ngunit nagpapanatili nitong active ang utak ng mga manlalaro.
Sa kabuuan, mairerekomenda kong subukan ninyo ang larong ito.
Konklusyon
Ang paglalaro ng Pro Snooker 2022 ay masasabing higit pa sa ipinapakita nito at nangangailangan ng tamang kumbinasyon ng focus, practice, at sound judgment. Bilang baguhan sa laro, kailangang magpokus sa pagpapaunlad ng pangunahing mga kasanayan bago magpunta sa higit na tactical planning para maging tuluy-tuloy ang paglalaro tulad ng isang pro.
Bawat laro ay may kaakibat na antas ng kahirapan na kailangang mapagtagumpayan, partikular na kung naglalaro ng match at wala ka sa practice mode. Tandaan na ang pinakanakakatakot na kalaban ay ang boses sa loob ng iyong isip na pwedeng tumakot o mag-inspire sa iyo. Para maiwasan ang negative feelings, bumuo ng mga katagang nakaka-motivate tulad ng “Chill!”, “Focus”, “You can do it!” habang naglalaro. Walang ibang taong magbu-boost ng confidence mo kundi ikaw mismo.