Angle‌ ‌Fight‌ ‌3D‌ ‌Review‌ ‌

Ang Angle‌ ‌Fight‌ ‌3D‌ ay isang kaswal na laro na binuo ng Gismart. Ito ay isang napakadaling laro na may mga avatars na may mga armas kung saan kakailanganin mong ayusin ang pigura ng iyong avatar sa isang battle pose na gusto mo bago tamaan ang kalaban ng iyong sandata.

Ang laro ay magbibigay sa iyo ng maraming armas na magbibigay-daan sa iyong gamitin ang mga ito sa pag-atake sa kalaban. Mayroon itong iba’t-ibang antas. Sa bawat antas, kaka harapin mo ang iba’t ibang uri ng kaaway gaya ng Samurai at mga ordinaryong avatar na may iba’t-ibang mas malakas na sandata. Ang ilang mga antas ay magbibigay sa iyo ng tatlo o higit pang mga kaaway na tatamaan ng iyong sandata. Ang ilan ay magkakaroon ng kastilyo na kakailanganin mo ring patumbahin pagkatapos talunin ang kalaban.

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang larong ito ay isang fighting game kung saan ang layunin mo ay mag-unlock ng maraming malalakas at mahihinang armas, mag-unlock ng iba’t ibang level, mag-unlock ng iba’t ibang uri ng mga kaaway at ipakita ang iyong pinakamahusay na battle pose at tamaan at talunin ang kalaban gamit ang iyong armas.

Paano Simulan ang Paglalaro ng Angle Fight 3D?

Ang paglalaro ng Angle Fight 3D ay napakadali. Magsisimula ka sa level 1 kung saan hahawakan mo ang iyong unang armas. Ang Espada. Sa kabilang panig ng screen ay kung nasaan ang iyong kaaway. Ang unang bagay na ipapakita sa iyo ng laro ay ang battle pose ng kalaban.

Ang iyong karakter o ang iyong avatar ay magkakaroon ng mga focus point ito ay ang mga puting bilog na nasa ilang parte ng iyong katawan. Ito ang mga bahagi ng iyong katawan kung saan maaari mong galawin para mag-pose. Ang mga bahaging iyon ay ang ulo, ang mga braso, ang balikat, ang balakang at ang mga paa at ang iyong sandata.

Ilipat ang mga focus point na iyon para makamit mo kung anong pose ang gusto mong ipakita bago at pagkatapos mo tamaan ang kalaban. Kapag tapos ka na sa pag-set up nito ay i-click lang ang Push button. Tatakbo ang iyong avatar papunta sa kalaban at kapag malapit na ito sa kalaban, gagawin nito ang pose na iyong ginawa, pagkatapos ay tatamaan na nito ang kalaban gamit ang iyong pinakamahusay na pose.

Ikaw ay manalo kung ang kalaban ay matagumpay na natamaan at ang mga bula na sumisimbolo sa katawan nito ay magkalat na sa sahig.

Bago ka mag-pose, bibigyan ka nito ng tatlong armas na iyong pagpipilian sa ibaba ng screen. Dalawa sa kanila ay sa iyo na o pagmamay-ari mo na at ang isa sa kanila ay maaaring makuha sa pamamagitan ng panonood ng isang video.

Kung napalampas mong makita ang pose ng iyong kaaway, huwag mag-alala, may ipapakitang preview sa kanang bahagi sa itaas ng screen.

Sa bawat antas, bibigyan ka ng default na randomized na armas. Nasa iyo kung gagamitin mo ito o pipili sa anumang mga armas na available sa ibaba ng screen.

May mga level din na sa dulo ay magkakaroon ka ng mini game tulad ng pag-catapult sa iyong sarili sa kabilang bahagi ng bundok o kalsada kung saan kakailanganin mong itakda ang antas ng lakas ng tirador.

Paano Mag-download ng Angle‌ ‌Fight‌ ‌3D‌?

Available ang laro sa lahat ng device dahil hindi ganoon kabigat o mataas ang system requirements nito. Maaari itong ma-download sa Android, iOS at mga PC device.

Maaari mong hanapin ito sa Google Play Store, Apple Store o Google Search sa pamamagitan ng pag-type ng keyword na Angle Fight 3D. Pero dahil malakas ka sa Laro Reviews, inihanda na namin ang links para makapaglaro ka kaagad:

Download Angle Fight 3D on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.step.fight&hl=en&gl=US

Download Angle Fight 3D on iOS https://apps.apple.com/us/app/angle-fight-3d/id1584368381

Download Angle Fight 3D on PC https://www.bignox.com/appcenter/game_management/com-step-fight-pc/

Ang laro ay libre at walang mga in-app purchases.

Mga Hakbang para Gumawa ng Bagong Account sa Angle Fight 3D

Kung nag-aalala ka tungkol sa kaligtasan ng iyong account sa paglalaro nito, huwag nang mag-alala dahil hindi ito nangangailangan ng anumang mga pag-login o pag-sign up sa iyo.

Mga Tip at Trick Kapag Naglalaro ng Angle‌ ‌Fight‌ ‌3D‌

Ang laro ay madali lamang at hindi ito nangangailangan ng anumang espesyal na kasanayan o mataas na IQ para malaro mo ito. Ito ay isang madali at kawili-wiling laro. Gayunpaman, para sa mga nagsisimula, hayaan kaming tulungan ka sa pagsisimula ng laro at kung paano mo mapapanalo ang laro.

Ang unang hakbang para sa iyo ay tumutok sa pose ng iyong kaaway. Mahalaga ito para malaman mo kung aling post ang gagawin mo para makagawa ka ng sarili mong pose na hindi lamang magpapakita kung gaano ka ka-epic kundi makakagawa din ng malaking pinsala sa iyong kalaban at siguradong matatamaan mo ang iyong kaaway.

Related Posts:

Tiny Planet Blast Review

Yes‌ ‌or‌ ‌No?!‌ ‌-‌ ‌Food‌ ‌Pranks‌ ‌Review‌ ‌

Kung napalampas mo ang pose ng iyong kaaway, magkakaroon ka ng preview nito sa kanang sulok sa itaas ng screen.

Pagkatapos, siguraduhing pag-aralan at alamin ang sandata ng kalaban para malaman mo kung aling armas ang pipiliin mo.

Kapag napili mo na ang iyong armas, maaari mo na ngayong ayusin ang anggulo ng iyong avatar para sa battle pose nito. Siguraduhing piliin ang battle pose na makakaiwas sa sandata ng kalaban at tiyak na tatama sa iyong kalaban.

Para sa mga level na may mga mini games tulad ng paghagupit sa mga kastilyo at pag-catapult, tiyaking itakda ang bar sa tamang lakas upang masira mo ang buong kastilyo at para matagumpay mong ma-catapult ang iyong sarili sa kabilang panig. Magdaragdag ito ng mga score at barya sa iyo.

Ito ay ilan lamang sa mga trick at tip na maaari mong gamitin habang naglalaro nito. Maaari kang tumuklas ng maraming mga trick sa pamamagitan ng panonood ng youtube o habang naglalaro. I-enjoy lamang ang paglalaro nito.

Mga kalamangan at kahinaan ng Angle‌ ‌Fight‌ ‌3D‌

Ang laro ay medyo katulad sa Angry Birds. Ito ay masaya sa pagtantya kung paano mo tatamaan ang iyong kaaway sa pamamagitan ng pagpoposisyon sa iyong sarili at sa iyong armas. Gayunpaman, ang saya ay hindi ganoon kapareho sa Angry Birds. Walang mga gawain o misyon na inaasahan sa paglalaro. Ang excitement nito ay kulang.

Ang gameplay ay madali at hindi na kailangan ng anumang pagtuturo. Gayunpaman, mas mabuti pa rin kung mayroong ilang setting sa laro upang i-off ang vibration para hindi maubos ang baterya ng iyong selpon o device. Mahalaga pa rin ang mga instruksiyon para sa mga bagong manlalaro.

Maganda ang animation. Ang mga kontrol ay madali gayunpaman, ito ay magiging mas maganda at kapanapanabik kung ikaw at ang iyong kaaway ay maaaring makipaglaban nang manu-mano at hindi lang i-set up ito sa battle pose nito.

Ang mga patalastas ng laro ay medyo nakakainis. Sa bawat antas na makukumpleto mo ay magpapakita ito ng mga ads at mayroong ilang mga ads na kakailanganin mong tapusin hanggang sa matapos ito at hindi mo ito maaaring laktawan o i-skip.

Walang talo. Alam kong napakaganda na hindi ka ma-stress sa pagkamit ng anumang layunin o misyon o pagkapanalo sa laro, gayunpaman, ang mga kadahilanan na ito ay siyang nagiging challenge at nagpapanabik at nagpapasaya sa laro! Ang mga larong napakadali ay hindi masaya dahil hindi ka gagawa ng anumang diskarte, pag-iisip o paggawa ng desisyon na siyang layunin ng paglalaro!

Maaari kang magpalit ng skins, kulay, accessories, atbp nang hindi ka magbabayad ng maraming barya. Mayroong ilang mga customization na mangangailangan lamang sa iyong manood ng mga ads upang makuha mo ang skins o mga accessories o kaya naman ay baguhin ang iyong avatar.

Mayroon din itong spin the wheel para sa mga karagdagang reward. Walang mga upgrade at level-up. Madaling piliin ang armas na iyong gusto. Gayunpaman, magiging mas maganda ito kung ang parehong mga avatar ay maaaring gumalaw at lumaban at gagawin lamang ang epic battle pose sa dulo kung sila ay nanalo na. Ito ay upang ang pagtatapos ng laro ay hindi magmukhang predictable. Dahil ito,ang kalaban ay talagang madaling talunin dahil hindi ito gumagalaw at walang tira na gagawin.

Ito ay libre at magagamit para sa lahat ng mga device. Mabuti ito dahil nito nangangailangan ng high-end na system requirements.

Ang Pagsusuri

Ayon sa panunuri ng Laro Reviews, mahusay ang pagkakagawa ng Angle Fight 3D. Ito ay tulad ng isang stick figure na laro. Gayunpaman, hindi ganoon kasayang laruin ito dahil masyadong predictable. Gayunpaman, ito ay isang nakaka-relax at walang stress na mararamdaman habang nalalaro nito. Maaari mo rin itong laruin kahit offline. Isang magandang pampalipas-oras.

Laro Reviews