Ang Love Live! All Stars ay isang adaptation ng sikat na anime na Love Live! School Idol Project. Ito ang pangalawang laro na inilunsad sa ilalim ng game series na ito. Gawa ito ng game developer na KLab Inc. at inilathala ng Bushiroad. Itinuturing ito na isa sa pinakasikat na idol-themed games. Simula ng ito ay inilabas noong 2019, patuloy na dumarami ang mga tagahanga nito sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang storyline nito ay tungkol sa kwento ng idols sa Nijigasaki Academy.
Ang pangunahing layunin ng mga manlalaro rito ay tulungan ang baguhang idol group na maging mahusay at sikat na performers. Susubukan ng rhythm-based RPG na ito ang kanilang bilis at diskarte. Kinakailangan nilang i-tap ang bawat note na lilitaw sa screen sa live performance ng idol group.
Paano I-download ang Laro?
Ang larong ito ay pwedeng i-download sa Android at iOS running devices. Kailangan mong hanapin ang game app sa Google Play Store o App Store. Sa kabilang banda, kung nais mong laruin ito sa gaming devices na may mas malaking screen tulad ng laptop o desktop, maaari mong i-download ang app at gumamit ng Android emulator upang i-run ito. Para hindi ka na mahirapan pa, pwede mong i-click ang mga sumusunod na link:
Download Love Live! All Stars on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.klab.lovelive.allstars.global&fbclid=IwAR2paE3IEoB-lHppWOCmx-UQJvfGTLhGNKFfHJ0gGxk9avyIIqbhAGfsS_c
Download Love Live! All Stars on iOS https://apps.apple.com/us/app/love-live-all-stars/id1487089454
Download Love Live! All Stars on PC https://pcmac.download/app/1487089454/love-live-all-stars
Ultimate Guide para sa mga Manlalaro
Isa ka ba sa milyun-milyong tagahanga ng Japanese at K-pop idols? Minsan ka rin bang nangarap na maging isang sikat na performer? Kung ang sagot mo sa alinman sa mga katanungang ito ay “Oo”, dapat mong subukan ang Love Live! All Stars. Hayaan mong tulungan ka ng Laro Reviews na higit na makilala at makilatis pa ang larong ito.
Para maranasan kung paano nga ba maging isang idol, kinakailangan mo munang gumawa ng game account upang mai-save ang iyong data at progress. Para magawa ito, i-click ang Data Link option at i-bind ang laro sa iyong SIF o Google Play account.
- Gameplay
Ang larong ito ay kilala sa natatanging rhythm-based RPG gameplay nito na sumusubok sa bilis, accuracy at strategy skills ng mga manlalaro. Mayroon din itong bagong game system kung saan ang mga manlalaro ay may tungkuling pangalagaan ang kanilang idols sa pamamagitan ng pagsali sa club activities at pagsabak sa live performances. Ang bawat isa ay may access sa mas mataas na freedom levels dahil gumagamit ito ng tree-based growth system. Sa ganitong paraan, maaari mong mas i-improve ang idols sa paraang nais mo.
Ang “Live” sa larong ito ay tumutukoy sa aktwal na performance ng idol groups. Dito, kinakailangan mong i-tap ang bawat notes na lilitaw sa screen habang ang idol group ay kumakanta at sumasayaw. Pagkatapos nito, ang idol na pinakamagaling sa pag-perform ay makakatanggap ng Voltage o Live points. Tandaan na patuloy na nababawasan ang iyong Stamina gauge kahit pa tama naman ang pag-tap mo sa lumalabas na notes. Kapag mas mataas na iyong Stamina ay mas maraming Voltage din ang pwede mong makuha. Ang pangunahing layunin dito ay tiyakin na hindi mauubos ang iyong Stamina habang ginagawa ang iyong makakaya upang makakuha ng maraming Voltage. Sa bawat pag-tap mo ng notes ay tumataas ang iyong SP (special) gauge. Kapag napuno ito, maaari mong gamitin ang iyong SP skill upang makakuha pa ng karagdagang Voltage. Hangga’t maaari, gawin ang lahat upang makukuha ng S rank sa bawat live performance.
- Game Idols
Ang idols ay tumutukoy sa game characters na kinakailangan mong i-level up sa laro. Dapat mong pataasin ang kanilang stats upang lumaki ang iyong tsansa na malampasan ang mga hamon sa game stages. Upang magawa ito, kinakailangan ng iyong idols na sumabak sa mahirap na proseso ng pagsasanay. Maaari ka ring mangolekta ng game items na maaring magamit upang mapataas ang kanilang level sa skill tree. Bukod dito, kinakailangan mo ring i-boost ang kanilang stats pati na rin ang active at passive skills ng mga ito. Pwede ka ring bumuo ng mga maikling kwento, makakuha ng bagong costumes, voice lines at iba pa. Sa kasalukuyan, may mga kanta ritong pwedeng sayawan gamit ang formations na binubuo ng 2 hanggang sa 12 idols.
- Idol System
Bilang manlalaro, ikaw ay mangangasiwa ng idol group na binubuo ng siyam na miyembro. Ang grupong ito ay nahahati sa tatlong sub trio groups. Ang ginagamit na ranking system dito ay nakabase sa appeal, stamina at technique. Ang appeal ay kakayahan ng idols na makakuha ng Voltage. Sa kabilang banda, ang stamina naman ay tumutukoy sa kanilang kakayahang tumagal sa live performances. Samantala, ang technique naman ay tumutukoy sa appearance rate ng critical notes na may 50% bonus. Tandaan na ang stats na ito ay nakakaapekto sa SP Skill kung ang idol ay kabilang sa unang tatlo sa roster. Ang iba pang mga katangian ng idols ay Active, Natural at Elegant. Ang mga ito ay hindi kasing halaga ng mga naunang nabanggit, ngunit nakakatulong din ang mga ito sa kalalabasan ng live performances.
Pros at Cons ng Love Live! All Stars
Maraming dahilan kung bakit ang larong ito ay patuloy na kinahuhumalingan ng marami sa loob ng mga nagdaang taon. Ito ay may nakakaaliw at challenging na gameplay at ang storyline nito ay kakaiba at nakakaaliw. Hindi madaling pagsawaan dahil sa iba’t ibang paraan para laruin ito. Nagtatampok din ito ng kaakit-akit at pwedeng i-customize na game characters. Ang graphics at animations na ginamit ay de-kalidad. Ang kakaibang features nito ay may kaugnayan sa mga nauuso sa ngayon. Ang game controls ay simple at palaging gumagana ng maayos. Higit sa lahat, ang execution nito ay mahusay. Maayos din ang transitions sa laro. Hindi rin kailangan pang mamroblema ng mga manlalaro tungkol sa bugs at app crashes dahil wala itong masyadong technical issues.
Gayunpaman, hindi lahat ng manlalaro ay masaya sa kumplikado at kakaiba nitong gameplay. Para sa iilan, masyadong mahirap at hindi madaling maunawaan ito lalo na para sa mga baguhan. May mga tasks na medyo nakakalito at mahirap gawin. Ang mga ito ang pinakamadalas na dahilan kung bakit ang ibang manlalaro ay hindi makaalis sa isang partikular na game stage at napakabagal makapag-level up. Sa katunayan, kahit na ang ibang mga tagahanga ng Love Live! School Idol Project ay nahihirapan dito dahil ibang-iba ito sa naunang installments ng game series. May mga pagkakataong pahirapang makapag-register ng live performance. Sa katagalan ay nagiging pauli-ulit din ito dahil limitado ang mga kantang pwedeng gamitin dito. Higit sa lahat, kinakailangan mo talagang tutukan ito at maglaro ng maraming oras na minsan ay nakakapagod din.
Konklusyon
Ang larong ito ay mainit na tinanggap ng marami. Nakapagtala ito ng average rating na 4.7 stars mula sa mahigit 30,000 reviews. Sa kabilang banda, mayroon itong 4.8-star rating mula sa mahigit 8,000 reviews sa App Store. Para sa Laro Reviews, kabilang ito sa mga larong dapat subukan ng idol fans. Mayroon itong solid at kakaibang gameplay at natatanging features. Ang graphics nito ay nakakamanghang at nakakadagdag sa entertainment level ng laro.