Sudoku – Classic Sudoku Puzzle Review

Ang Sudoku ay isang logic-based na puzzle. Ito ay isang uri ng puzzle kung saan ang manlalaro ay binibigyan ng numero mula 1 hanggang 9 at naglalaman ng mga kondisyon na tumutukoy kung paano dapat ayusin ang mga numerong ito na may kaugnayan sa isa’t isa. Binubuo ang puzzle ng 9 by 9 grid na nahahati sa siyam na 3 by 3 sub-grid (tinatawag din itong boxes, blocks, regions, o sub-squares). Ang Sudoku ay madalas na sinasabing walang math na dapat gamitin. Ang tunay nilang ibig sabihin ay hindi kailangan ng Sudoku ng anumang matematika. Ang pangunahing pamamaraan para sa paglutas ng mga Sudoku puzzle ay matematikal na pag-iisip sa paraan ng logical reasoning at mga algorithm.

Ano ang layunin ng laro?

Ang Sudoku ay isang number-placement puzzle na umaasa sa logic. Ang layunin ay punan ang isang 9×9 grid upang ang bawat column, row, at bawat isa sa siyam na 3×3 na box ay naglalaman lamang ng tig-iisang numero ng mga digit mula 1 hanggang 9. Ang puzzle ay maglalagay ng ilang numero sa loob ng grid. Maaari mo ng simulan agad ang laro pagkatapos mong mai-download at ma-install ito sa iyong device. Tandaan na magsaya at mag-relax habang naglalaro. Subukan ang iyong galing sa Sudoku at hamunin ang iba pang mga magagaling na manlalaro!

Paano ito laruin?

Madali lamang maintindihan ang laro. Pagkatapos i-download at i-install ang app sa iyong smartphone, maaari ka ng magsimula kaagad. Ituloy lang ang pagbabasa sa artikulong ito na ginawa ng Laro Reviews para makakuha ng ilang pangunahing impormasyon tungkol sa laro. Una, dadaan ka sa mga panuntunan ng laro. Ang tradisyonal na Sudoku ay binubuo ng isang 9×9 na grid na nahahati sa 3×3 na sub-grids. Dapat mong tapusin ang Sudoku puzzle habang tinitiyak na ang mga numero ay hindi nauulit sa parehong row, column, o 3×3 na region.

Pumili lang ng cell at pagkatapos ay i-tap ang numero para punan ito. Upang maglagay ng notes ay i-tap lamang ang pencil mode na makikita sa ibaba ng i-screen. Iyon lang ang kailangan mong malaman upang sa paglalaro nito. Naglalaman din ito ng iba pang mga feature tulad ng kakayahang i-adjust ang liwanag ng iyong device. Maaaring baguhin ang liwanag nito mula sa daylight, night, o eye comfort.

Higit pa rito, ang laro ay may battle mode kung saan maaari kang makipag-kumpitensya laban sa iba pang mga manlalaro at maa-access mo lang ang feature na ito kapag nakatapos ka na ng sampung laro. Available din ang Daily Challenges at maaari mong tingnan ang iyong Statistics at Achievements sa button ng Settings ng laro. Maaari mo itong subukan nang libre sa iyong smartphone at available ito sa lahat ng mga gumagamit ng Android at PC.

Paano I-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Classic Sudoku Puzzle sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit at ang makukuhang space ng app para sa Android ay 27 MB. Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Sudoku – Classic Sudoku Puzzle on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=easy.sudoku.puzzle.solver.free

Download Sudoku – Classic Sudoku Puzzle on iOS https://apps.apple.com/us/app/sudoku-classic-sudoku-games/id1522685808

Download Sudoku – Classic Sudoku Puzzle on PC https://www.gameloop.com/ph/game/puzzle/sudoku-classic-sudoku-puzzle-on-pc

Hakbang sa paggawa ng account sa larong Classic Sudoku Puzzle

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Classic Sudoku Puzzle pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o mase-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Classic Sudoku Puzzle!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Sudoku – Classic Sudoku Puzzle

Narito ang tips na makakatulong sa iyo sa paglalaro ng Sudoku:

Maglaro nang mas madalas: Ang regular na paglalaro ay katumbas ng pagsasanay at pagpapahusay ng iyong mga kasanayan. Kung makakabisado mo ang paglalaro nito ay mas mapapadali ang paglutas mo sa mga pattern ng laro.

Gumamit ng “Hints”: Hindi namin inirerekomenda ang paggamit nito dahil gusto naming matutunan mo ito at makabisado ito nang mag-isa, ngunit kung nahihirapan ka, maaari mo lang i-tap ang “Hints” para makakuha ng clue.

Maghanap ng iba pang mga pamamaraan online: Maaari kang maghanap ng iba pang mga diskarte mula sa mga dalubhasang manlalaro ng Sudoku at kung paano ito lutasin nang mas epektibo at mabilis. Magtipon ng impormasyon at subukan ang ideya.

Makipagkumpitensya sa iba pang mga manlalaro: Ang laro ay may kasamang battle mode kung saan maaari kang makipagkumpitensya sa iba pang mga manlalaro. Sa ganoong paraan ay makakaramdam ka ng pressure. Ito ay makakatulong para sa pagpapabuti ng iyong mga kasanayan ng mas mabilis. Kung ang isipan ay nasa ilalim ng pressure, ito ay magiging mas aktibo.

Magsaya habang naglalaro: Hindi ito tunay na kumpetisyon, kaya magsaya habang naglalaro. Maaari mong gawin ito bilang libangan. Ang laro ay mas kawili-wili kung ito ay nakakatulong sa iyo na mapawi ang iyong stress.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Sudoku – Classic Sudoku Puzzle

Ang larong Sudoku – Classic Sudoku Puzzle ay talagang magpapasigla sa iyong utak at susubok sa iyong logical skills habang nilulutas mo ang puzzle na ito. Ito ay mahusay na idinisenyo, lalo na para sa mga smartphone device, at sinamahan pa ito ng ilang bagay na makakatulong sa iyo sa laro. Maaari kang maglagay ng notes sa isang cell, katulad ng sa totoong buhay, at isa sa mga aspeto nito na aming nagustuhan ay ang pag-a-adjust ng liwanag ng iyong smartphone. Upang gawing mas komportable ang iyong sarili habang naglalaro, maaari kang pumili mula sa daytime, night, at eye comfort mode nito.

Maaari ka ring magsanay at makipag-kumpitensya sa ibang mga manlalaro. Kapag nakumpleto mo na ang 10 laro, maaari ka ng magsimulang hamunin ang ibang mga manlalaro. Mayroon din itong Daily Challenges na nagbibigay-daan sa iyong magsanay at pagbutihin ang iyong mga kakayahan sa pamamagitan ng paglilimita sa bilang ng mga pagkakamali na maaari mong gawin. Itong ay mas lalong nagiging mapanghamon. Ang laro ay angkop para sa mga matatanda at bata na gustong matuto. Ito ay magiging mahusay na paraan upang magpalipas ng oras at masisiyahan ka sa paglalaro nito dahil maaari mo itong dalhin saanman at kailan mo gusto.

Hindi nasisiyahan ang Laro Reviews sa mga advertisement na mas madalas na lumalabas. Minsan ay hindi maaaring i-skip ang video. Gayunpaman, ang laro ay nakakaaliw pa rin at may mahusay na gameplay performance. Kung palagi kang naglalaro, magagawa mong makabisado ang paglalaro ng Sudoku at tuluyan nang mahumaling sa paglalaro nito. Maaari mo ring ikonekta ito sa iyong Facebook at Google Play account upang i-save ang iyong progress o ilipat ang data sa isa pang device. Sa ganitong paraan ay maiiwasan mong umulit sa umpisa at mawala ang data ng laro.

Konklusyon

Kung mahilig ka sa paglalaro ng sudoku puzzle, ang larong ito ay perpekto para sa iyo. Available na ito sa mga smartphone device, na nagbibigay-daan sa iyong laruin ito kahit saan at kahit kailan mo gusto. Ito ay may feature na nagbibigay-daan sa iyong makipag-kumpitensya sa ibang mga manlalaro kaya subukan na ito ngayon at tingnan ang iyong makakaya.