Anong gagawin mo kung biglaan kang napadpad sa isang bagong mundo at binigyan ka ng isang dakilang gawaing protektahan ang isang kaharian? Kung interesado ka sa larong ito, basahin itong artikulong ginawa ng Laro Reviews para sa’yo.
Mga Tampok ng Laro
Ang Legionlands – Autobattle Game ay isang offline na larong ginawa ng Black Bear. Ito ay mayroong arcade style na gameplay ngunit may modernong graphics at character design. Para laruin ito, kailangan mo lang i-deploy ang iyong mga troop sa field at i-click ang attack, pagkatapos nito ay kusang aatake ang dalawang panig at ang kailangan mo lamang gawin ay manood at maghintay. Upang makabuo ng isang army, kailangan mo itong bilhin gamit ang mga gold na nakuha mo sa bawat panalong atake. Pwede mong i-upgrade ang bawat troop sa pamamagitan ng pag-combine ng mga troop na may parehong level at uri. Mayroon ding mga hero at pets na maaaring i-deploy. Makakakuha ka ng hero kung maipapasa mo ang isang level na may hero reward at ang pets naman ay makukuha sa campaign mode. Ang hero at pets ay mga espesyal na unit na may mas malalakas na attack at defense power kumpara sa mga normal na unit at mayroon din silang skills na maaari mong i-active anumang oras. Ang mga troop, hero at pet ay may klasipikasyon din. Mayroong common, rare, epic at legendary.
Talakayin naman natin ngayon ang mga mode ng laro. Maaari mong ma-access ang campaign mode sa map. Dito sa nasabing campaign, ang layunin mo ay isulong ang mga kampo ng kalaban. Kapag natalo mo sila, magiging parte na ng iyong teritoryo ang kanilang kaharian at maaari mo silang pagminahin ng gold coins. Ang mekaniks nito ay dapat mong matalo ang mga wave ng kalaban ngunit hindi ito madali dahil hindi ka pwedeng bumili at magdagdag ng mga panibagong troop. Ang mga namatay mong troop ay hindi na muling mabubuhay sa susunod na wave kaya habang tumatagal ang laban, mas nagiging kaunti ang iyong troops. Ang fortress mode naman ang siyang pangunahing mode nitong laro na kung saan ay dedepensahan mo ang iyong teritoryo mula sa mga kalabang gusto itong sakupin. Mayroon ding ibang mga mode itong laro na maaaring magbigay sa iyo ng kalamangan sa laban. Una ay ang library, dito ay pwede mong i-upgrade ang iyong pangkalahatang passive skills gamit ang glory points. Makakakuha ka ng glory point sa pamamagitan ng pagpasa sa mga level.
Paano i-download ang Legionlands – Autobattle Game?
Napakadaling i-download nitong laro. Ang kailangan mo lamang gawin ay sundin itong mga hakbang.
Para sa Android users, pumunta sa Google Play Store at i-type sa search bar ang pangalan nitong laro pagkatapos ay i-click ang ‘Install’. Sa kasamaang palad, wala itong iOS version ngunit pwede mo itong laruin sa PC. Ang kailangan mo lamang gawin ay pumunta sa https://www.gameloop.com/ph/ at i-type ang pangalan nitong laro sa search bar at i-click ang ‘Download’. Ganun lang kasimple ang pag-download nito. Para sa mabilis na pag-access, maaari mong i-click ang link sa ibaba.
Download Legionlands – Autobattle Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=mobi.blackbears.legionlands
Download Legionlands – Autobattle Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/legionlands-auto-battler-game/id1574471560
Download Legionlands – autobattle game on PC https://www.gameloop.com/ph/game/arcade/mobi.blackbears.legionlands
Tips at Tricks para sa mga Baguhan
Sa unang tingin, aakalain mong napakakumplikado ng larong ito. Ngunit sa totoo lang ay napakasimple lang nito at kapag nasunod mo itong tips at tricks ng Laro Reviews, sigurado akong tataas ang win rate mo. Kung pamilyar ka kay Napoleon Bonaparte at Alexander the Great, maaaring pamilyar din sa’yo itong strategy na ituturo ko. Pero bago ang lahat, talakayin muna natin ang mga troop. Dapat mong tandaan na dapat laging nasa tamang kundisyon ang iyong mga troop, ibig sabihin ay dapat nai-upgrade sila hangga’t maaari. Sikapin ding i-upgrade ang iyong mga passive skill lalo na ang armor at damage percent increase na siyang magbibigay sa’yo ng karagdagang armor at damage output base sa kasalukuyang armor at damage points mo. Kung nagawa mo nang lahat ng ito, talakayin naman natin ang strategy at ang dapat mong tandaan lamang ay ang formation.
Ang formation ay may malaking epekto sa resulta ng laban dahil ito ang magdidikta kung ikaw ay mananalo o matatalo. Eto ang ilan sa mga importanteng formation na dapat mong gamitin. Una ay ang melee on front and range at the back, ibig sabihin nito ay dapat lahat ng mga troop na melee ay laging nasa unahan upang mas madali silang makaatake at madepensahan nila ang mga mas mahihinang troop sa likod at ang mga long-ranged troop tulad ng archer ay dapat nasa likurang bahagi dahil sila ay may mahinang defense points. Pangalawa ay ang control over the terrain. Itong strategy naman na ito ay nangangahulugang dapat ay kontrolin mo ang buong field sa pamamagitan ng pagpapakalat ng iyong troops. Kapag masyadong siksik ang iyong mga troop, maaaring ma-outflank sila ng kalaban at mas marami ang mamamatay sa kanila, kaya dapat mong ikalat ang iyong troops upang maiwasang magkaroon ng weak spot sa iyong hanay. Napakasimple lamang nito, hindi ba? Kailangan mo lang i-upgrade ang iyong mga troop at passive skills at tandaan ang mga formation na itinuro ng Laro Reviews at siguradong gagaling ka sa paglalaro nito.
Kalamangan at Kahinaan
Maraming mga magagandang bagay ang karapat dapat na puriin sa larong ito lalo na ang pagiging medyo kumplikado nito, dahil talagang pinapagana nito ang ating utak sa nakakaaliw na paraan. Bilang isang casual game, masasabi kong napakahusay ng konsepto nito dahil sa strategy gameplay. Ang reward system ay napakahusay din dahil pwede kang makatanggap ng malaking reward sa panunuod lamang ng mga advertisement at maaari mo ring pabilisin ang pag-unlock ng mga chest at pets ng isang oras sa pamamagitan nito. Mayroon din itong 2D na character design ngunit ang buong graphics ay nasa 3D kaya naman napakakinis ng animation nitong laro at mayroon din itong auto camera angle na kusang nagse-set ng iyong camera vision sa laban.
Ito naman ang mga kahinaan ng laro. Una ay ang maliit na character design at nakakalito minsan ang graphics. Kailangan kasing mabilis mong makuha ang mga gold coin dahil pag nawala ito sa field, hindi mo na ito makukuha. Hindi rin nakikita ng buo ang laban dahil sa maliliit na characters at naka-zoom pa ang view. Mas mainam sana kung mayroon itong settings na ibahin ang camera angle. Pangalawa ay mayroon itong mga bug. Hirap makapag-login sa arena at pati na rin sa clans kahit na maganda naman ang internet connection. Sa kabilang banda, pwede mo namang i-enjoy ang laro kahit na offline mode lang.
Konklusyon
Sa kasalukuyan, itong laro ay nasa beta stage pa lang. Ibig sabihin, bago pa lang ito sa Google Play Store at tinitimpla pa lang ng mga developer ang laro upang tumugma sa panlasa ng mga manlalaro at ito ang dahilan kung bakit ayaw gumana ng arena at clan system. Sa kabuuan, malaki talaga ang potensyal nitong laro at mairerekomenda ko ito sa mga manlalarong mahilig sa strategy type games. Kaya ano pang hinihintay mo? I-download na ang Legionland – autobattle game ngayon!